Chapter 55

232 9 2
                                    

Andrea's POV

Naramdaman ko kanina na pumasok sila Mama at Papa dito sa kwarto, narinig ko lahat ng sinabi ni Mama at ramdam ko namang pinagsisihan nya ang lahat kaya ang ginawa ko after nilang lumabas ng kwarto ko ay sumunod ako sa kanila. Narinig ko ang lahat, hindi nya pala anak si Anthony at pinakasalan nya lang si Christian dahil din kay Anthony.


Nandito pa din ako sa labas ng kwarto ni Papa at nakikinig sa usapan nila. Tinatanong ni Papa kung adopted ba talaga si Cassandra, akala ko nakalimutan na ni Papa yon pero naiisip nya pa pala yon.





Nagulat ako ng sabihin ni Mama na "Hindi sya adopted dahil anak natin sya."


What? ibig sabihin tama ako ng hinala pero bakit sinabi ni Cassandra na adopted sya hindi kaya hindi talaga alam ni Cassandra na totoong anak sya ni Mama at Papa or sinabi lang ni Mama na adopted si Cassandra dahil gusto nya lang protektahan ang image nya.




"Wait pero bakit sabi ni Cassandra adopted sya?" Tanong ni Papa kay Mama.





"Dahil pakiramdam ko kapag nalaman ni Christian na anak natin si Cassandra hindi nya matatanggap si Cassandra."




"Pero itinago mo kay Cassandra yung katotohanan." Sabi ni Papa.




"Pero ayon ang alam kong tama!" Sagot ni Mama kaya naman pumasok na ako sa loob at nagulat sila.




"Ma, Pa wag na po kayong mag-away." Sabi ko.




"Andrea anak." Sabi ni Mama at inilahad nya ang kamay nya sa akin. "Mama." Sabi ko at tumabi ako kay Mama, si Papa naman ay nakatingin lang sa akin at parang sinasabi nya na tanggapin ko si Mama.



"Patawarin mo ako Andrea, patawad kung hindi kita nakilala." Pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ni Mama. "Naiintindihan kita Mama." Sabi ko.



"Napakarami kong kasalanan sainyo ni Louise."



"Shhhh, Mama don't cry na ok? kalimutan na natin ang lahat." Sabi ko at pati ako ay nadadala na din sa iyak ni Mama, ramdam na ramdam ko ang pagsisisi ni Mama.



"Nasa harap na ko na kayo ni Louise hindi ko pa din kayo nakilala. Hindi mo alam kung gaano ako nangulila sainyo. Patawad anak kung hindi agad ako naniwala sa sinasabi mo noon."



"Mama ang mahalaga alam mo na ang lahat, alam mo na na kami ang anak mo, mabubuo na tayo Mama."



"Sorry anak." Sabi ni Mama.




"Shhhhhh wala kang kasalanan ok, si Christian ang may kasalanan ng lahat Ma."





"Pero kung hindi ko kayo iniwanan at kung hindi ko pinili yung pangarap ko edi sana masaya tayong namumuhay ngayon."




"Hey listen to me Lorraine." Sabi ni Papa at hinawakan ni Papa ang mukha ni Mama. "Kalimutan na natin ang nakaraan ang mahalaga alam mo na ang lahat, isa lang ang goal natin ngayon ang mahuli si Christian."

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Mama.



"Yung sinabi ko sayo kanina gawin mo, magpanggap ka na wala kang alam at sakyan mo ang kasinungalingan nya, yung phone ni Cassandra kailangan mong mahanap dahil nandon ang isa pa nating evidence."



"Papa paano si Cassandra?" Tanong ko at tumingin sila sa akin.



"Isasama natin sya sa probinsya." Sabi ni Papa.


"Pero baka makahalata si Christian." Sabi ko.


"Ako na ang bahala anak." Sabi ni Mama.


"Anong plano mo?" Tanong ni Papa.

"Palalabasin ko na ipapadala ko si Cassandra sa States para doon magpagaling."

"Then?"

"Isama nyo sya sa probinsya para doon magpagaling ng husto habang hinahanap ko yung phone ni Cass."

"Pero Ma delikado na ikaw lang mag isa ang kikilos, magpapaiwan ako dito." Sabi ko.



"Anak makinig ka, alam ni Christian na anak kita, kayong dalawa ni Louise ang pupunta sa probinsya at isusunod namin si Cassandra, naiintindihan mo?" Sabi ni Papa.

"Pa naman! para saan pa at bumili tayo ng bahay dito, ito? bakit tayo bumili nito kung di din naman natin gagamitin." Sabi ko.

"Anak mahirap na kung matunugan tayo at least kung nasa probinsya kayo malayo kayo sa kapahamakan pero kung mananatili kayo dito malaki ang chance na matunton kayo ni Christian."

"Basta Papa hindi ako aalis dito, tutulong ako sainyo." Sabi ko at tumayo na ako. "Kumain na po tayo." Sabi ko sabay labay ng kwarto.



Naiinis ako dahil bakit gusto nila na sila lang ang kumilos sa tingin ba nila hindi ko kayang lumaban? Hello! nakalimutan na ata nila na pinalaki ako ni Nanay at Tatay na palaban.



"Ate anong mukha yan?"

"Ay kalabaw! Ano ba Louise kagabi mo pa ako ginugulat!" Inis na sabi ko pero tinawanan nya lang ako.

"So anong lulutuin mo?" Tanong  nya.



"Pancake and Bacon." Sabi ko at pinanood nalang ako ni Louise na magluto, nung malapit na akong matapos inutusan ko si Louise. "Hey! Tawagin mo na sila Mama at Papa." 



"Again again again? what did you say Ate?"



"Oh I forgot to tell you, nandito si Mama so go tawagin mo na sila." Sabi ko at tinulak ko na sya.



I know magiging masaya ang breakfast namin dahil ngayon lang ulit kami nabuo.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon