Chapter 2

307 11 2
                                    

Louise's POV

Habang naglalakad ako dito sa loob ng campus madami akong nakakasalubong na mga studyante, yung iba inihahatid pa ng mga magulang sa loob ng campus malalaki naman na ang mga anak nila ginagawa pang baby.


Halos 1 month na ang nakalipas magmula ng magsimula ang klase namin dito at sa totoo lang wala pa akong masyadong kakilala dito, mas gusto ko din kasing mapag-isa ayokong makipagsabayan sa mga kaklase kong mayayaman at maarte.




Sabi ng teacher ko sa PE sumali daw ako sa volleyball team ng school dahil nakikita nya daw na magaling akong maglaro ng volleyball. Maalam naman akong maglaro ng volleyball sa katunayan player ako ng volleyball sa probinsya, pero yung sinasabi ng teacher ko na magaling? Hindi totoo yon dahil ang totoo maalam lang talaga ako.



"Ms. Guevarra!" Sigaw ng isang babae sa aking apelido.




"Bakit po?" Tanong ko.


"Tawag ka ni Ms. Alvarez sa office nya." Sabi ni Ate Joy, isa sa mga staff ng school.




"Po? Bakit po? May nagawa po ba akong mali?" Tanong ko.



"Basta pumunta ka nalang sa office nya bago ka pumunta sa klase mo, 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase mo."



"Ok po." Sagot ko at naglakad na ako patungo sa office ni Ms. Alvarez, pagpasok ko sa office ni Ms. Alvarez ay kinakabahan ako dahil first time kong mapatawag sa faculty.



"Good morning po Ms. Alvarez, pinapatawag nyo daw po ako?"  Mahinang sabi ko.



"Maupo ka Ms. Guevarra."  Umupo ako sa tapat nya.



"May nagawa po ba akong mali kaya nyo po ba ako pinatawag?" Tanong ko.



"Alam mo Ms. Guevarra hindi lahat ng pinapatawag sa principal's office ay may mga nagawang kasalanan na, pinatawag kita dahil gusto kong maging bahagi ka ng volleyball team ng school, may potential kang maging isang magaling na player. Napanood kita noon habang pinaglalaro kayo ni Mr. Dorado, mahusay kang bata."



"Po? Ako po magiging bahagi ng team?"




"Oo, 3 times a week ang training nyo at makakasama mo si Cassandra."




"Cassandra Mari Zamora?" Tanong ko.



"Yes sya nga, hindi ba at magkaklase kayo?"





"Opo magkaklase nga po kaming dalawa." Sabi ko.





"Well hindi kana mahihirapan pang mag-adjust dahil kasama mo naman si Cassandra, inaasahan ko na maipapanalo nyo ang school natin sa darating na PRISAA"




Lumabas na ako ng office ni Ms. Alvarez, napapawow nalang talaga ako sa sinasabi ni Ms. Alvarez dahil hindi ko pa naman sinasabi na pumapayag ako sa gusto nyang mangyari na sumali ako sa team.



Makakasama ko pa yung isip bata na  Cassandra na yon. Magpapaalam muna ako kay Ate bago ako magtraining.



Tumakbo na ako sa klase ko dahil 5 minutes nalang magsisimula na ang klase namin, pagdating ko sa room namin sakto namang kakadating lang ni Mrs. Lopez.

Magkatabi kami ni Cassandra sa upuan pero never kaming nag-uusap dahil ayoko talaga ng isip bata, sumasakit ulo ko kapag may mga nakakasalamuha akong isip bata.


"Cassandra Mari Zamora."


"Present!" Maarteng sabi ni Cassandra.


Ang sakit talaga sa tenga ng boses nya.



"Louise Ann Guevarra."




"Present po."




Nag start ng magdiscuss yung teacher namin pero ako eto tulala at iniisip pa din yung sinabi ni Ms. Alvarez. Ayokong makasama si Cassandra dahil nakakairita yung kaartehan nya at pagiging isip bata.




"Ms. Guevarra are you listening?" Tanong ni Mrs. Lopez.


"Yes po Ma'am."


"Kung nakikinig ka, what is the largest organ of the human body?" Tanong ni Mrs. Lopez kaya tumayo ako.

"Ahhmm The largest organ of the human body is skin po, because it covers the entire body and has a surface area of around 2 square meters. It's thickness varies from 0.5mm on your eyelids to 4mm or more on the palms of your hands and the soles of your feet. In total, it accounts for around 16 percent of your body weight. That's an average of 10 kilograms."



"Very good, you may sit now."



Bago ako maupo ay tinignan ko muna si Cassandra na kanina pa nakanganga sa akin habang nagsasalita ako. Mabuti nalang talaga at nagadvance reading ako, lagot na kung nagkataong hindi ako nakasagot.



Ang daming pinagawa ni Mrs. Lopez at ginawa nya pa talagang magkagroup kami ni Cassandra. After ng goupings namin ay umalis na din si Mrs. Lopez, habang naghihintay kami sa second subject namin si Cassandra nakikipagdaldalan sa katabi nya, ang sakit talaga sa tenga ng boses nya.





"Good Morning Class!" Bati ni Ms. Alvarez na ikinagulat ni Cassandra.



"Good Morning Ms. Principal." Bati ng buong klase.



"Since wala na si Jerielle dito sa ating school may napili na kami na papalit sa kanya."




Jerielle? sya ba yung MVP nila? tanong ko sa sarili ko.

"Sino po yung ipapalit nyo kay Jerielle Ms. Alvarez?" Tanong ni Cassandra.



"Si Ms. Louise ang ipapalit namin dahil  isa sya sa pinaka mahusay maglaro ng volleyball sa kanilang school dati kaya napagdesisyonan ng board na sya ang isali sa team ng school."

"WHAT!?" Gulat na sabi ni Cassandra kaya naman napalingon ako sa kanya.

"May problema ba Ms. Cassandra?"



"Wala po." Sabi nya at umupo nalamang ito




Sa tingin ko ayaw nya akong maging bahagi ng team, well palaban ako, ipaglalaban ko kung ano yung akin at hindi ako magpapadala sa pagiging childish ni Cassandra Zamora

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon