Chapter 47

181 8 1
                                        

Andrea's POV

Pauwi na ako ng Pangasinan dahil mabilis naman kaming nakabalik ni Mama sa hotel at isa pa ay may sumundo sa aming magrerescue, kagabi pa pala nila kami hinahanap pero itinigil na nila ito agad dahil nga sa malakas na ulan.


Pagdating ko kanina sa kwarto namin ni Mama ay agad kong inayos ang mga gamit ko at naligo agad ako kahit may sinat ako.


Nauna akong umalis kay Mama sa hotel dahil malayo pa ang lalakbayin ko, gustuhin ko mang isama sya sa celebration ko ay hindi ko magawa dahil may ibang plano si Papa at ayokong sirain ito.


Masaya na ako na kasama ko si Mama ng ilang araw at yung naalala nya na birthday ko din ngayon, alam ko malapit ng mangyari ang katotohanang hinihintay namin at nagtitiwala nalang ako doon.


Kahit masama ang pakiramdam ko mas pinili kong bumyahe nalang papuntang Pangasinan dahil gusto kong makasama sila Papa, Nanay, Tatay at Louise,sa ngayon sila muna ang makakasama ko at alam kong sa susunod na birthday ko mabubuo na ulit kami.


Louise is calling.......


Sinagot ko agad ang tawag ni Louise. "Hi Ate saan kana?" Tanong nya.


"Nasa byahe na ako Louise, hintayin mo si Ate ok." Sabi ko.


"Oo naman Ate hihintayin ka namin, Happy Birthday Ate!"


"Thank you." Sabi ko.


"Ate madami akong sasabihin sayo na dapat mong malaman." Sabi ni Louise.


"At madami din akong baon na kwento." Masayang sabi ko.


"Talaga Ate?"


"Oo kaya ihanda mo na ang tenga mo dahil ilang oras nalang magkikita na tayo ulit." Sabi ko.


"Lulu ang Ate mo ba yan?" Rinig kong tanong ni Nanay.


"Yes po Nay, kakausapin mo po?"


"Sige." Sagot ni Nanay.


"Anak Happy Birthday!" Bati ni Nanay.


"Thank you Nay, pauwi na po." Sabi ko.


"Mabuti naman, madami ka sigurong baon na kwento." 


"Sobrang dami po Nay." Sagot ko.


"Bueno mag-iingat ka sa pagmamaneho mo magkita nalang tayo mamaya." Sabi ni Nanay.


"Sige po Inay paalam na po." At ibinaba ko na yung tawag.



Hindi pa din mawala sa akin yung kilig na nadarama ko matapos akong batiin ni Mama ng Happy Birthday, akala ko hindi nya maaalala na birthday ko din sapat na naalala nya ako sa mismong kaarawan ko at bonus na yung magkasama kaming dalawa sa iisang kubo at magkatabi pa kaming matulog.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon