Chapter 62

180 13 0
                                    

Andrea's POV

After namin mag usap ni Mama ay bumalik na ako sa kitchen at si Mama naman ay nagtungo na sa table kung saan sila nakapwesto dapat. Tahimik akong nagmamasid sa paligid dahil baka mamaya may balak itong si Christian, ayokong madami ang madamay kaya doble ang pagmamasid ko, tinawagan ko na din si Papa at nasa labas sya ng restaurant para magmasid din.


"Nandito na si Zamora." Bulong ni Grace sa akin kaya naman napasilip ako window. "Girl relax ka lang, umarte ka ng normal."




"Yes." Sabi ko.

"Iseserve na namin ang mga pagkain." Sabi ni Grace.


"Tutulong ako." Sabi ko at sinuot ko yung apron at hairnet.

Kinuha ko yung tray at nilagay ko ang ibang mga pagkain sa tray. "Are you ready?" Tanong ni Grace.



Ngumiti ako sabay sabing "I'm always ready." At lumabas ako ng kitchen na nakangiti, habang papalapit ako sa pwesto nila Mama ay nakakaramdam ako ng kaba. "Relax self." Bulong ko sa sarili ko.



"Good Evening Ma'am/Sir here is your order Strawberry Goat Cheese Bruschetta for appetizer." Habang nagsasalita ako at sineserve yung food ay nakatingin lang sa akin si Mama, hindi ko alam kung bakit mukhang nagtataka sya sa akin pero yung tingin nya talaga kakaiba.



"Hmmmm excuse me Ms. Andrea, pwede bang sabayan mo kami sa pagkain." Sabi ni Mr. Zamora kaya naman napatingin ako kay Mama.



"Christian baka madami silang ginagawa." Sabi ni Mama.


"No, It's ok Ma'am Lorraine." Sabi ko.


"Well thats good, have a seat Ms. Andrea." Sabi ni Mr. Zamora.


"Babalik po ako." Sabi ko at tumakbo ako papunta sa kitchen. Tama ba ang ginawa ko? Tama ba na pumayag akong sabayan sila. Ano ba kasing balak ni Christian at kinailangan nya pa akong imbitahan.



"Girl ayos ka lang?" Tanong ni Grace.



"Yeah I'm ok, I have to go." Sabi ko pero bago ako makalabas ng kitchen ay nagsalita ulit si Grace. "Hey yung hairnet mo at apron hindi mo pa natatangal."

0

"Oh gosh." Sabi ko at tinanggal ko agad ito.


"Good Luck." Sabi ni Grace.

"Thank you." Sabi ko bago ako tuluyang lumabassa kitchen.

Pagdating ko sa table nila Mama hinila ni Mr. Zamora ang upuan para makaupo ako. "Thank you." Sabi ko sabay ngiti, Nakatingin lang sa akin si Mama at tila ba kinakausap nya ako gamit an kanyang mga mata.

"So Ms. Andrea this is Andrea Liv anak ni Lorraine sa una nyang asawa." Sabi ni Mr. Zamora, ang kapal lang ng mukha dahil nagawa nya pang ipakilala sa akin yung babaeng impostor na yon. "It was nice seeing you again." Sabi ko at nakipagshakehands ako samantalang nginitian nya lang ako. "And this is Anthony my only child."

"Nice to meet you." Sabi ko at ngumiti lang din sya sa akin. Hindi ba naturuan ang mga ito ng tamang pagsagot my gosh.

"Shall we eat?" Tanong ni Mama.

"Yes." Sabi ni Mr. Zamora.



Nagsimula na kaming kumain lahat at si Mama ay tila umaarte ng normal, hindi nya ako nilagyan ng pagkain sa plato ko at yung pekeng Andrea ang nilagyan nya ng pagkain sa plato pero habang ginagawa nya yon ay nakatingin sya sa akin at nagets ko naman agad ang ibig nyang sabihin. "Pretend." Ayan ang ibig sabihin ni Mama kaya ako umarte nalang ng  normal na para bang walang alam sa nangyayari sa palagid. 

"So Andrea ito lang ba ang business nyo or my iba pa kayong business?" Tanong ni Mr. Zamora.



"Actually may mga farm po ang parents ko."  Proud na sabi ko, "And kami din po ang nagsusupply sa mga fast food restaurants ng mga meat and vegetables." Dagdag ko.

"Wow magandang business yan, nasaan nga pala ang parents mo?" Tanong ni Mr. Zamora.



"Nasa States po." Pagsisinungaling ko.

"Sayang naman at hindi ko sila makikita." Sabi nya, bakit may gusto ba syang gawin kala Nanay at Tatay? Hindi nya masasaktan sila Nanay at Tatay.

"Oo nga po." Sabi ko.

"Wait diba nagkita na tayo before sa company namin, ano palang ginagawa mo noon sa company namin? tapos may sinabi kapa sa akin." Nag-isip sya at sinabing "We met again Mr. Zamora? Tama ba ako?" Tanong nya.

"Gusto ko po sanang mag-apply sa company nyo kaso hindi po ako natanggap."



"Pero mayaman na kayo diba madami na kayong branches ng restaurant nyo tapos my mga farm pa kayo." Sabi nya pero paano nya nalaman na madami kaming branches ng restaurant samantalang hindi ko pa nasasabi yon sa kanya.

"Gusto ko din po kasing maexperience magtrabaho sa isang malaking company." Sabi ko sabay ngiti.

"Ganon ba, pero wait lang hindi mo pa nasasagot yung tanong ko about doon sa sinabi mo sa akin nung makasalubong kita before doon sa hall way ng company."



"Yes po tama po kayo na ang sinabi ko ay We met again."



"Nagkita na ba tayo before?" Tanong nya.

Tumngin ako kay Mama bago ako sumagot. "Yes nagkita na po tayo before sa isang event pero hindi po ako nabigyan ng chance na makalapit sayo dahil madaming tao that time at may mga media din po kasi, sobrang Idol po kasi kita ang galing mong humawak ng company at humawak ng mga tao." At magpaikot ng mga tao, gusto kong sabihin yan sa kanya pero hindi ko magawa.



"Oh that's nice." Sabi nya at ngumiti nalang ako.

Akala mo ba Zamora ikaw lang ang marunong magpaikot, kaya ko din. Gusto mo ng laro? makikipaglaro ako sayo pero sisiguraduhin kong ako ang mananalo at ikaw ang uuwing talo.



"You know Andrea ngayon ko lang napansin, magkahawig pala kayo ni Lorraine." Sabi nya at biglang napatingin sa akin si Mama.



"Hindi po totoo yan dahil mas maganda po sa akin si Ma'am Lorraine, ang anak nya po ang kamukha nya." Sabi ko.

"And ngayon ko lang napansin na parehas kayo ni Andrea ng pangalan, hindi ba at Andrea Liv din ang pangalan mo?" 



"Yes, Andrea Liv pero siguro naman po magkaiba kami ng surname." Sabi ko habang nakangiti.

"Ano bang surname ng mga magulang mo?" Tanong ni Mama.



"Guerrero po." Magalang na sabi ko.

"At least hindi kayo magkaparehas ng anak ko." Sabi ni Mama sabay tawa kaya naman tumawa na din ako.



"Zamora ang galing mo din magpanggap, akala mo ba hindi ko alam na alam mo na anak ako ni Mama Lorraine, isa kang alamat Zamora malapit mo ng maramdaman ang empyerno." Sabi ko sa isip ko habang hinihiwa ko ang beef.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon