The End :)

288 6 3
                                    

Andrea's POV

"Happy Birthday to You Happy Birthday to You

Happy Birthday Dear Vince& Isabella

Happy Birthday to You......."

2 years had passed at sariwa pa din sa memorya namin ang mga nangyari noon. 2 years na namin hindi kasama si Mama  and now we're going to celebrate Vince and Isabella's 2nd birthday  sila ang mga anak ni Nanay Isabel at Tatay Vicente. Si Angelo naman ay legal na kapatid na namin pero hindi na namin pinachange yung name nya. Si Louise at Cassandra naman ay paminsan minsang umuuwi dito dahil sila ay nasa States na dahil doon nila napiling mag-aral at syempre para na din maka move on sila sa mga nangyari sa amin noon. Napaka tinding trauma ang iniwan sa amin nung pangyayaring yon. Kung hindi lang nabaril si Mama at nabagok hindi sana sya....


"Eheeeemmmm!!! Tulala kana naman." Sabi sa akin ni Grace.


"Alam mo ikaw panira ka talaga! nagmomoment ako dito! Hmmmmp!" Sabi ko sabay irap.


"Wow girl attitude ka?" Pabirong sabi ni Grace.


"Ewan ko sayo!" Sabi ko sa kanya.



"You know what? mas masaya sana kung nandito si Tita, actually miss ko na yung presensya nya, iba ang aura kapag nandito sya. Kasalanan lahat ni Zamora baliw na baliw kasi kay Tita napaka ganda kasi ni Tita."


"Miss ko na si Mama."


"I know, pero dapat siguro kalimutan na natin yung nakaraan diba?"


"Mahirap kalimutan yung mga nangyari lalo na't wala na si Mama dito."



"Ate nandito na kami!" Sigaw ng dalawa kong kapatid kaya napatakbo ako sa labas at iniwanan ko na si Grace doon sa pwesto namin. "OMG!!!" Sigaw ko.


"OMGGGGG!!!!! Ate we missed you!" Sabi ni Cassandra habang nakayakap sa akin. "Hoy ikaw di mo man lang ba ako yayakapin!?" Masungit na sabi ko kay Louise at inirapan lang ako. "Aba!" Kinurot ko sya sa bandang legs. "Aray Ate!" Sabi nya. 


"Yakapin mo na kasi." Sabi ni Papa.


"Ang arte mo pa din, dati kung makadikit ka sa akin kala mo magnet tayo tapos ngayon yayakapin lang ako ayaw mo na. Hmmmmp!" Pagtataray ko kunyare at bigla naman akong niyakap ni Louise. "Awwwww namiss kita!" Sabi ko. "Namiss din kita Ate!" Sabi nya sabay halik sa pisngi ko.


"Ate!" Sigaw ni Angelo kaya naman tumakbo agad yung dalawang kapatid ko na babae papunta kay Angelo.


"Baby madami kaming pasalubong sayo." Excited na sabi ni Louise kay Angelo.


"Tama si Ate Louise mamaya pag-uwi natin sa bahay bubuksan natin yung mga pasalubong namin sayo." Masayang sabi ni Cassandra.


We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon