Louise POV
Nagpaalam ako kay Papa na pupunta ako sa hospital para dalawin si Cassandra at mabuti nalang ay pinayagan ako ni Papa at hinatid nya ako sa mismong hospital king nasaan si Cassandra.
"Papa hindi ka po ba sasama sa akin sa loob?" Tanong ko.
"Hindi na anak, dito nalang ako sa parking hihintayin kita dito basta tumawag ka lang sa akin kapag pabalik kana ok?"
"Yes Pa!" Sabi ko sabay baba sa kotse.
Habang naglalakad ako sa may parking area pakiramdam ko may ibang nakatingin sa akin, pero feeling ko si Papa lang yon.
"Maganda araw po Ma'am! Saan po ang punta nyo?" Tanong ng guard.
"Magandang araw din po sayo Kuya, dadalawin ko lang po yung kaibigan ko."
"Sino pong kaibigan Ma'am at anong room po?"
"Kay Cassandra Zamora, room 248." Sabi ko.
"Ma'am ilang taon na po pala kayo minor is not allowed po kasi?" Tanong ulit ni Kuya guard.
"Kuya 20 years old na po ako." Sabi ko sabay ngiti, pero hindi pa naman talaga ako 20 minor pa ako at next year pa ako magkakaroon ng legal age.
"Sige po Ma'am pasok na po kayo,nasa left side po ang elevator at kung gusto nyo naman pong gumamit ng hagdan nasa right side po sya sa bandang dulo. Ingat po kayo Ma'am." Sabi ni Kuya Guard.
Hindi ko alam kung inaasar nya ba ako or what so ever.
"Thank you Kuya." Sabi ko sabay ngiti.
Dahil tamad akong maglakad I chose elevator, pagdating ko sa floor kung nasaan si Cassandra lumapit ako sa nurse station.
"Ate maganda araw po!" Magalang na bati ko.
"Magandang araw din po sayo." Sabi ni Ate nurse.
"Itatanong ko lang po sana kung saan banda ang room ni Cassandra Zamora."
"Diretsuhin mo lang po yung hallway panglimang room po sa left side."
"Thank you po." Sabi ko at naglakad na ako papunta sa kwarto ni Cassandra.
Pagdating ko sa pintuan ay huminga muna ako ng malalim dahil kinakabahan ako ng bahagya.
"Kaya mo ito Louise, tulog lang sya." Sabi ko sa sarili ko.
Pagpasok ko nakita ko syang walang malay, ganon pala kapag nasa coma parang tulog lang. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa at lumapit ako kay Cassandra.
"Hoy babae gumising kana! Hindi na ako galit sayo diba eto naman yung gusto mo? Yung makasama ulit ako, ano pang hinihintay mo jan gumising kana nandito na ako. Sige ka kapag nainip ako dito lalayasan kita at hindi na ulit kita papansinin. Gumising kana Cass, andito na ako oh diba yung promise natin walang iwanan kahit na anong mangyari, nandito na ulit ako hindi na kita iiwanan kahit kailan. Wake up bunny!" Sabi ko habang umiiyak.
"I just wanna say sorry sa kamalditahang nagawa ko sayo since first day, I know you love me kaya ganon ka nalang mag react palagi. Miss na miss na kita dahil ilang months na ang nakalipas na hindi tayo magkasama. Alam mo bang magkapatid tayong dalawa sorry kung nadamay ka sa galit ko nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Sana pagkagising mo jan tawagan mo agad ako kasi miss ko na yung boses mo at oo alam kong mas magaling kang kumanta kesa sa akin dahil yung boses ng Papa ko ang naman ko at hindi yung kay Mama." Pinunasan ko yung luha ko dahil parang gumalaw yung finger ni Cassandra.
"Cassandra gising kaba?" Tanong ko pero yung finger lang ni Cassandra ang nagalaw. Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang nagseizure si Cassandra kaya tumakbo ako sa nurse station.
"Nurse si Cassandra!" Sigaw ko at nagtakbuhan sila sa kwarto ni Cassandra.
"Tawagan mo si Doctor Aragon ngayon na!" Sigaw nung isang nurse.
Wala akong ibanv magawa kundi ang panoodin sila at umiyak ng umiyak. Nirerevive nila si Cassandra pero wala akong magawa, yung kapatid ko nag aagaw buhay ayokong mawala sya dahil gusto ko pang bumawi sa kanya.
"Nurse anong nangyayari sa anak ko?" Tanong ni Mama na hindi ko alam kung saan lumusot dahil bigla nalang itong dumating sa kwarto ni Cassandra.
"Ma'am tinawagan na po namin si Doctor Aragon malapit na po sya." Sabi nung nurse.
Biglang napatingin sa akin si Mama at nanlilisik ang mga mata nya sa akin.
"What are you doing here?!what did you do to my daughter? Ikaw siguro ang dahilan kung bakit nagsiseizure ang anak ko!" Galit na sabi ni Mama sa akin.
"No Mama, let me go nasasaktan po ako." Sabi ko dahil napaka higpit ng hawak nya sa wrist ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo at sa Ate mo na hindi ako ang Nanay nyo at hindi kayo ang anak ko! Tama na ang pagpapanggap Louise!"
"Hindi naman kami nagpapanggap ni Ate." Humihikbing sabi ko.
"Then what! Umalis ka nalang dito Louise at wag na wag ka ng babalik dito, parehas na parehas kayo ng Ate mo manloloko. Kapag may nangyaring masama sa anak ko hinding hindi kita mapapatawad." Sabi nya at itinulak nya ako papalabas ng kwarto.
Hindi ko kasalanang nagseizure si Cassandra! Wala akong kasalanan dahil nagpunta lang ako don para kamustahin ang lagay nya, hindi ko alam na aabot pala sa puntong sasaktan ako ni Mama dahil sa sobrang pagmamahal nya kay Cassandra.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...