Chapter 48

179 8 8
                                    

Louise POV


Kanina ko lang nakita si Ate na ganon kasaya dhil sa tuwing sumasapit ang kaarawan nya noon ay parang normal na araw lang para sa kanya pero iba yung kanina na sayang ipinakita nya. Masaya ako dahil nakikita ko na yung pagbabalik ng dati kong Ate na masiyahin.


Sana nga bumalik na si Mama sa amin, hindi na ako galit sa kanya dahil ipinaintindi sa akin ni Papa ang lahat.


"Anak bakit hindi mo puntahan ang Ate Andrea mo sa kwarto nya." Sabi ni Nanay.


"Baka po kasi ayaw nyang magpa istorbo isa pa pagod po yon." Sabi ko.


"Alam mo walang kapaguran ang Ate mo mas gusto nga nyang kinukulit mo sya."



"Sige na nga po akyatin ko na sya sa kwarto nya." Sabi ko.



Bago ako makarating sa kwarto ni Ate ay nadaanan ko ang kwarto ni Papa at napahinto ako sa hindi ko malamang dahilan. "Maaasahan ka talaga, mabuti nalang at nakuha mo yung inuutos ko sayo, maraming salamat sayo." Sabi ni Papa sa kausap nya.


Ano kaya yung inutos ni Papa sa kausap nya at tuwang tuwa sya. "Basta masaya ako dahil alam kong kakampi pa din kita kahit matagal na panahon na akong wala sa company."


Sino yung kausap ni Papa? Uhgggg nevermind puntahan ko nalang si Ate.

Knock.....knock....knock....


"Ate pwedeng pumasok?"


"Sure." Sigaw ni Ate kaya pumasok na agad ako.



Pagpasok ko sa kwarto ni Ate lumundag agad ako sa kama nyang napaka lambot. "Ate! OMG I miss you so much!" Sabi ko sabay kiss.



"Ang OA ha parang di tayo sabay maglunch." Sabi ni ate sabay tawa.


"Bakit ba eh sa namiss kita ng bongga mapipigilan ko ba yon." Sagot ko.


"Ano palang ganap mo dito noong wala ako? Tumutulong kaba dito sa mga gawaing bahay? Bakit ang itim mo?" Sunod sunod na tanong ni Ate.


"Kalma isa-isa lang ang tanong Ate." Sabi ko at tumawa naman sya."Ang sagot sa first question mo ay madalas akong tumulong dito sa bahay, sumasama ako kay Kuya Tonio na maglinis doon sa may garden ni Papa at minsan nagtatanim din naman ako. Sa pangalawang question naman, yes tumutulong ako dito sa bahay kahit ireview mo pa yung cctv footage makikita mong naglilinis ako dito sa buong bahay at tumutulong akong magluto kay Nanay at Tatay at ang sagot sa panghuling tanong ay, kasi madalas akong isama ni Papa magswimming tsaka madalas din kami sumakay sa bangka at namimingwit din kami minsan. Happy?"


"Happy." Sabi ni Ate sabay ngiti.


"Ngayon Ate may dapat kang malaman." Sabi ko.


"Ano yon?" Tanong nya.



"Isang napaka halagang impormasyon."

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon