Chapter 75

200 9 6
                                    


Lorraine's POV


Mag-iisang buwan ng hindi umuuwi si Andrea dito sa bahay namin, magmula ng malaman nya yung narinig ni Louise umalis na sya at hindi na muling nagparamdam pa sa amin. Halos lahat ng kaibigan ni Andrea napagtanungan ko na din pero wala silang Idea kung nasaan si Andrea. Si Alexander every weekend nalang umuuwi dito sa bahay namin dahil nagfocus na sya sa Company, parang nakalimutan nya na na nandito pa kami.


"Ma nakakalungkot naman dito." Sabi ni Cassandra.

Pagkawala ni Andrea ay kasabay din ng pagkawala ni Louise sa amin, napagdesisyunan muna ni Louise na kala Isabel tumuloy. Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag nahuli si Zamora ngunit mali pala ako ng akala.


"Ma puntahan kaya natin si Ate Louise kala Nanay Isabel?" Sabi ni Cassandra.



"Anak dito nalang muna tayo, hayaan nalang muna nating makapagpahinga ang Ate Louise mo don." Sabi ko.


"Si Ate Andrea kaya kamusta na?"


"Siguro nasa maayos na kalagayan ang Ate Andrea mo, hindi naman sya papabayaan ni Lord." Sabi ko sabay ngiti.

Iniwan ko na si Cassandra sa kwarto nya dahil nakatulog na ito. Naglinis muna ako sa living area, habang naglilinis ako sakto namang dumating si Alex, buti nalang at umuwi sya ngayon.

"Happy Birthday Babe." Malambing na sabi ko at niyakap ko sya pero wala syang reaction kaya bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya. "Gutom kana ba? wait lang initin ko lang yung ulam." Sabi ko at umakyat na syang tuluyan sa kwarto.


"Kakain din naman sya siguro mamaya." Bulong ko sa sarili ko.

Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis ko hanggang sa tumawag sa akin si Isabel kaya binitawan ko muna yung vaccum na hawak ko.


"Hi Ate Lorraine! Kamusta na kayo ni Cassandra?" Tanong nya sa akin.


"Hello Isabel! Ayos lang naman kami ni Cassandra dito, kakauwi lang ng kuya mo." 


"Buti naman at umuwi si Kuya, pakisabi Happy Birthday."


"Ok." Sabi ko at nagkwentuhan lang kaming dalawa. Buti nalang maayos ang kalagayan ni Louise doon. Tumutulong naman daw ito sa mga gawaing bahay.


"Ate putulin ko muna yung usapan natin ako ay inaantok na." Sabi ni Isabel at nagpaalam na kami sa isa't isa.


Aakyat na sana ako sa kwarto namin ng makasalubong ko si Alex. "Aalis ka? kakauwi mo lang ah." Sabi ko.


"Pwede ba Lorraine mahalaga yung pupuntahan ko tigilan mo muna ako sa kaartehan mo." Inis na sabi ni Alexander.


"Bakit hindi ba kami mahalaga ng anak mo? Ngayon ka lang namin ulit makakasama pero aalis ka agad, ni hindi ka man lang nakita ni Cassandra" Mahinahong sabi ko.


Hindi nya ako pinansin pero hinabol ko sya at hinarangan ang pinto upang hindi sya tuluyang lumabas. "Please, kahit ngayon lang mag stay ka dito sa bahay." Sabi ko pero hinawi nya ako kaya natumba ako. nakatingin lang sya sa akin at hindi nya ako tinulungan. "Pasensya kana kung pinagsamantalahan ako ni Zamora noong mga panahong wala ka, lumaban naman ako pero mas malakas sya. Hayaan mo pagbalik mo dito wala na kami ni Cassandra. Ayokong maging masama ka ng dahil sa akin. Sige na baka mahuli kapa sa lakad mo." Sabi ko at tumayo na ako. Pinipigilan kong tumulo yung luha ko kaya nakangiti lang ako kay Alex.


"Sige na umalis kana, pakisara nalang ng pinto." Nakangiting sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ni Andrea.


Nakasilip lang ako sa bintana at pinagmasdan ko ang papaalis na sasakyan ni Alex. Sa tingin ko mas importante talaga yung pupuntahan nya kesa sa amin.

Napaupo nalang ako at huminga ng malalim. "Anak nasaan kaba?" Mahinang tanong ko sa litrato ni Andrea na nakasabit sa wall.  "Pasensya kana kung nahihirapan ka ngayon, hindi ko naman ginusto yung nangyari sa akin noon. Sana hindi talaga si Zamora ang Ama mo. Gusto ko sana makasigurado pero paano ako makakakuha ng sample ng wala ka? Bumalik kana sa amin please."

Palabas na ako ng kwarto ni Andrea ng biglang magring ang telepono sa kwarto namin kaya tumakbo ako patungo sa kwarto namin.


"Ma?" Mahinang sabi sa kabilang linya.


"Andrea?"


"Kamusta na po kayo?" Tanong nya.


"Anak pwede bang umuwi kana?" Mahinang sabi ko, ayokong mahalata nyang umiiyak ako.


Hindi nya sinagot ang tanong ko pero ito ang sinabi nya. "Miss ko na kayo ng mga kapatid ko." 


"Babalik na kami ni Cassandra sa America, mukhang wala ng pag asang mabuo pamilya natin." Sabi ko.


"Ma pwede bang sumama nalang ako sainyo? wala na akong mukhang maihaharap kay Papa, nahihiya ako kay Papa."


"Anak umuwi ka muna dito please, hindi pa naman tayo sigurado na ama mo nga talaga si Zamora. Kailangan mong magpa DNA para makasigurado tayong hindi mo talaga ama si Zamora. Naniniwala akong si Alexander ang Ama mo." Sabi ko habang umiiyak.


"Pwede ko po bang makausap si Papa?" Tanong nya.


"Anak wala ang Papa mo kakaalis nya lang."


"Ma kung sakaling si Zamora nga po ang Ama ko pwede po bang wag nyo na akong hanapin pa?"


"Anak naman bakit mo naman yan nasasabi? Mahal ka namin at hahanap hanapin ka pa din namin."


"Mahal na mahal ko po kayong lahat, sige po mauna na ako. I love you so much Mama." Ibinaba agad ni Andrea ang phone nya.



"Mahal na mahal din kita Andrea." Sabi ko sa kawalan.



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon