Chapter 20

180 9 1
                                    

Louise's POV

Hindi ako makapaniwala na ang tunay kong ina ay ang Mommy ni Cassandra, ibig sabihin magkapatid kaming dalawa ni Cassandra kaya pala unang kita ko palang sa kanya may iba na akong naramdaman.

Yung kanta kaya pala pamilyar sa akin kasi madalas kantahin yon sa akin ni Mama, oo may ilang pangyayari na akong naaalala. Yung Mommy ni Cassandra yung laging nag-aappear sa panaginip ko noon, kaya pala ganon dahil malaki ang papel nya sa buhay ko dahil sya ang tunay kong ina.

Kinuwento sa akin lahat ni Ate yung mga nangyari sa amin noong mga bata pa kami, naaksidente kami kaya pala nabura ang ilang alaala ko. Ibinalik na sa akin ni Ate ang necklace ko pati na din ang bonnet hat ko na suot suot ko noong maaksidente kami.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon nalang ang galit ni Ate sa Mommy ni Cassandra, pinili nya ang pangarap nya kesa sa amin, matagal din pala syang nawala at hindi nya kami hinanap, paano kung hindi kami nagkahiwahiwalay? Masaya kaya kami ngayon?

Knock....knock.....knock..

"Louise si Ate Andrea to buksan mo ang pinto." Sabi ni Ate na nasa labas ng unit namin kaya naman binuksan ko agad ang pintuan at tinulungan ko sya sa mga bitbit nya.

"Ate ang aga mo ata?" Tanong ko.


"Hindi naman kasi kadamihan ang tao ngayon sa restaurant kaya umuwi na ako." Sabi nya.


Napansin ko namang parang namumugto ang mga mata ni Ate kaya pinuna ko ito. "Ate umiyak kaba?"

"Ako? Iiyak? No way." Sabi nya sabay tawa.

"Bakit ka ganyan Ate kahit ang laki na ng problema nakukuha mo pa din ngumiti?"

"Kapag ba nagmukmok ako may mangyayari ba? Diba wala kaya dapat ang problema tinatawanan lang yan tsaka sabi nga ng iba mas malaki si God sa problema natin kaya dapat go lang tayo lagi." Nakangiting sabi nya.

Kumuha ako ng tubig at binigay kay Ate."Inumin mo to Ate." Sabi ko.


"Hindi ko na pinapansin si Cassandra." Sabi ko.

"Why? Diba sabi ko naman sayo wala syang kasalanan."


"Pero sila yung dahilan kung bakit hindi na tayo binalikan at hinanap ni Mama."

Tumayo si Ate at hinawakan nya yung balikat ko. "Ito ang tatandaan mo, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng isang tao sa atin, matuto tayong magpatawad ok?"

"Basta ayoko na sa kanya."

"Alam mo ba nakausap ko sya kanina." Sabi ni Ate.

"Who?"

"Si Mama, gusto nyang makipag usap sa akin kanina and pumayag ako, pero alam yung masakit don Louise?"

"What?" Tanong ko.

"Tinanggi nyang hindi nya tayo anak, patay na daw kasi yung mga anak nya kaya imposibleng tayo ang anak nya, nilabas ko yung patunay na ako ang anak nya pero wala, pinagbintangan nya pa akong ninakaw ko daw yung necklace." Umiiyak na sabi ni Ate. "Pero alam mo kahit na tinanggi nyang anak nya ako hindi pa din mawala yung pagmamahal ko sa kanya kasi sya ang Mama natin at mahal na mahal ko sya."

"Ate bumalik nalang tayo sa La Union, kala Nanay at Tatay hindi tayo iiyak. Tatapusin ko lang yung grading period namin tapos magpapatransfer na ako sa La Union, doon nalang tayo mamuhay, sa bisig ni Nanay at Tatay hinding hindi tayo masasaktan kasi sila mahal nila tayo kahit hindi nila tayo kadugo." Sabi ko.


"Seryoso kaba jan Louise?"

"Oo Ate seryoso ako na bumalik na sa La Union, ayoko dito dahil puro sakit at lungkot lang ang napapala natin dito."


"Kung ganon aayusin ko muna yung ibang papers mo sa school para mapabilis ang pagtatransfer mo sa La Union." Sabi ni Ate.


"Ako nalang ang mag-aayos Ate." Sabi ko.

Niyakap ko si Ate ng mahigpit, sisiguraduhin kong magiging masaya kami sa La Union gaya ng dati.



"Let's eat na." Sabi ni Ate.

"Sige Ate." At humiwalay na ako sa pagkakayakap ko kay Ate.



Kitang kita ko sa mga mata ni Ate na gusto nya talagang maibalik ang lahat sa dati, pero wala syang magawa dahil hindi naniniwala si Mama sa kanya.


"Ate pwede bang kwentuhan mo ako ng tungkol kay Papa?" Sabi ko habang naglalagay ng plato sa table.

"Sure, tapusin ko lang tong pinapainit ko."

After ni Ate na mapainit yung ulam namin ay tumabi na sya sa akin.

"Alam mo si Papa mahal na mahal nya tayo, noong mga bata pa tayo madalas tayong magbakasyon sa Marinduque dahil may resthouse tayo don. Ikaw nga ang paborito ni Papa kasi laging may pasalubong sya sayo." Tumatawang sabi ni Ate.

"Talaga Ate ako ang paborito nya?"

"Oo ikaw at hindi ako, alam mo king bakit?"

"Bakit?"

"Maasim kasi ang kilikili mo kaya paborito ka ni Papa." Sabay tawa ng malakas.


"Ate naman lakas mang asar!" Nakangusong sabi ko.



"Joke lang, parehas tayong paborito ni Papa mahal na mahal nya tayo."



"Sayang lang talaga ate at nawala si Papa, paano kaya kung hindi tayo naaksidente? siguro masaya tayo kahit kulang."



"Hindi tayo papabayaan ni Papa na malungkot, gagawin nya ang lahat mapasaya lang tayo sayang nga lang talaga at naaksidente tayo."



Habang kumakain kami nakita kong umiilaw ang phone ni Ate kaya sinilip ko ito. "Ate si Ms. Santiago tumatawag." Sabi ko at iniabot ko yung phone nya.



"Sagutin ko lang to kumain ka muna ok?" Sabi nya at lumabas na sya ng unit.



Alam kong malabo ng maayos to pero sana maging masaya kaming dalawa ni Ate ng kami lang.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon