Chapter 32

169 7 0
                                    

Alexander's POV


Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw ay naaalala ko na naman ang aking asawa na si Lorraine, paano kaya kung hindi kami naaksidente kami pa din kaya ni Lorraine? Napaka daming tanong ang bumabalot sa aking utak. Mahigit sampung taon na ang nakalipas ng huli kong makita si Lorraine miss na miss ko na ang mukha nyang napaka amo lalo na ang maganda nyang ngiti.


Kasing ganda ni Lorraine ang araw na papalubog ngayon dahil kagaya nga ng araw si Lorraine nagbibigay liwanag sya sa amin pero noon yon hindi na ngayon, umaasa pa din ako na mababawi namin sya mula sa kamay ni Christian.


"Kuya hindi pa ba kayo magpapakita kay ate Lorraine?" Sabi ni Isabel.




"Hindi pa, hahayaan ko munang yung mga bata muna ang kanyang makita, gusto ko kapag hinarap ko na sila nakapagplano na ako ng maayos." Sagot ko.



"Pero nasasaktan na ang mga bata Kuya, si Andrea kahit hindi nya sabihin sa atin ang lahat ng nangyayari sa Manila nararamdaman ko yung bigat na dinadala nya everytime na tatawag sya. Si Louise din nasasaktan na."




"Sulit yung sakit na nararamdaman nila kapag nabawi ko na ang Mama nila." Seryosong sabi ko.



"Pero Kuya paano nalang kung hindi mo mabawi si Ate Lorraine paano yung dalawang bata?"



"Mababawi ko sya dahil mahal ko si Lorraine, ipaglalaban ko sya hanggat kaya ko."




"Hanggang kailan mo sya ipaglalaban? Kapag may nawala Kuya? Isipin mo yung dalawang bata Kuya unti unti silang pinapatay ng sakit at lungkot. 10 year's silang walang ina na kasama Kuya."




"Ikaw yung tumayong ina nila sa loob ng sampung taon Isabel." Sabi ko.




"Hindi sapat yon Kuya dahil iba pa din mag alaga ang tunay na Ina. Si Louise napapansin ko nagbabago na yung behavior nya magmula ng malaman nya ang lahat sa tingin mo kaya kong gamutin or baguhin si Louise? No Kuya dahil si Ate Lorraine lang ang kailangan nila at hindi ako dahil hindi naman nila ako tunay na Ina." Inis na sabi ni Isabel.




Wala pa din pinagbago, sya pa din yung Isabel na.mainitin ang ulo, hindi ko alam kung bakit ito tinagalan ni Vicente.



"Wag mong kausapin sarili mo,alam kong may sinasabi ka sa isip mo na about sa akin, hmmmp iwanan na nga kita jan!"




Woahh the walk out queen is back.....



Hinayaan ko nalang umalis si Isabel ayokong makipagsagutan sa kapatid ko dahil parang bata lang kaming mag away.


Habang nanonood ako ng sunset napansin ko si Louise sa may dalampasigan at nakaupo ito kaya naman tumakbo na ako palabas ng bahay at pinuntahan ko sya sa pwesto nya.



"Tulungan mo ako nalulunod ako!" Pabirong sabi ko kay Louise.




"Papa naman panira ka ng moment."




"Alam mo nak kung yang pag iisip mo nakakalunod baka nalunod na ako ng tuluyan sa sobrang lalim."





"Ikaw din Pa kung yung mga iniisip mo nung nakaraan na sobrang lalim malamang nalunod na din po ako." Sabi nya sabay tawa.



"Ang galing mo don nak, akalain mo naibalik mo sa akin yung sinabi ko." Biro ko para tumawa sya at effective naman sya.



Bigla syang naging seryoso ulit at tumingin sa dagat "Pa kung hindi kaya tayo naaksidente masaya kaya tayo?" Tanong nya.



"Oo naman kasi buo tayo, ikaw, ang Ate Andrea mo, ang Mama mo at Ako, baka nga nagkaroon kapa ng baby sister or brother."Biro ko ulit.




"Pa wala ba talagang kasalanan yung mga anak ni Mama sa iba?"





"What do you mean?" Tanong ko.




"Diba sila yung dahilan kung bakit tayo nawala at hindi na hinanap ni Mama, dapat bang hindi tayo magalit sa kanila?" 




"Alam mo anak sa totoo lang wala namang kasalanan yung mga kapatid mo, yung tatay nila yung masama at hindi sila." Sabi ko.



"So dapat po bang hindi ako magalit sa kanila?" 



"Oo naman kasi anak ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng anak at yan lagi ang tatandaan mo."



"Pwede po ba tayong pumunta sa Manila?" Tanong ni Louise.



"Bakit naman tayo pupunta sa Manila? ayaw mo na ba dito?" Tanong ko.



"Hindi naman po sa ganon, gusto ko lang pong bisitahin si Cassandra, sabi po kasi ni Ate nasa hospital daw po ito at comatose daw po, gusto ko syang makita at humingi ng sorry sa mga nagawa kong pagkakamali."



"Para ka talagang Mama mo, may pusong mamon." Sabi ko.





"Magkaiba po kami ni Mama, pusong bato sya at hindi mamon."



"Anak wag kang ganyan Mama mo pa din sya kahit na anong mangayari."



"Pero bakit ganon Pa? hindi nya kami nakilala ni Ate. Napaka daya talaga ng tadhana." Sabi nya sabay smirk.

"Alam mo anak aayon din sa atin ang panahon maghintay lang tayo."



"Pero hanggang kailan po tayo maghihintay Papa? kapag huli na ang lahat?"





"Alam mo anak mang mana ka talaga sa Nanay Isabel mo, ganyan din sinabi nya sa kin kanina."



"Mabuti pa si Nanay Isabel tinuring nya kaming tunay na anak, di kagaya ni Mama kinalimutan nya nalan kami basta ni Ate."



"Hindi kayo kinalimutan ng Mama mo anak, sadyang hindi lang natin maintindihan pa kung anong nangyayari sa ating lahat." Sabi ko para mawala ng konti yung galit na nararamdaman nya para sa Mama nya. "Alam mo anak puntahan nalang natin ang Ate mo, diba dadalawin mo din yung kaibigan mo sa hospital?"

"Pa seryoso ka po ba jan? Sasama ka papuntang Manila?" Gulat na tanong nya.



"Oo anak seryoso ako, surprise natin ang Ate mo diba may susi ka naman ng unit nyo?"





"Yes po." Sagot nya.



"Go na magbihis kana." Sabi ko at tumakbo sya papasok ng bahay namin.



Kung sakali mang magkita kami ni Lorraine wala na akong takas pa, maliit lang ang Manila pwedeng pwede ko syang makasalubong kahit saan sa Manila. Hindi na ako magtatago pa siguro tama nga ang kapatid ko na kailangan ko na din sigurong magpakita sa kanila at harapin kung ano yung dapat kong harapin.

This time ipaglalaban ko na kung ano ang akin.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon