Chapter 13

196 11 4
                                    

Isabel's POV

Hindi ko sukat akalain na dadalhin ni Louise dito ang Mommy ni Cassandra, excited na kamii ni Vicente na makita at makilala ang Mommy ni Cassandra. Sigurado ako na maganda din ang Mommy ni Cassandra dahil maganda si Cassandra.


Natutuwa din ako sa anak ko na si Louise dahil kahit hindi ko sya tunay na anak mahal na mahal nya kami ng Tatay nya ganon din si Andrea. Nakakatuwa ang dalawang batang yon dahil hindi man kami magkadugo minahal nila kami na para bang tunay nilang mga magulang. Sayang lang talaga at hindi kami nagkaanak ng kagaya nila Andrea pero ayos na ako sa kanila at least napalaki namin silang dalawa ng maayos.



Tandang tanda ko pa noon kung paano namin nakita si Andrea at Louise sa gilid ng bangin, punong puno ng dugo ang damit ni Louise ganon din si Andrea. Magmula ng makita namin sila sinabi ko sa sarili  ko na hindi namin sila papabayaan.



"Mahal anong iniisip mo? Kanina ko pa napapansin na tulala ka."



"Iniisip ko lang ang mga anak natin, paano kaya kung hindi sila sa atin napunta? May maganda kaya silang buhay ngayon?"




"Alam mo mahal sa atin talaga sila inihabilin ni Lord, lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin may meaning. Kaya siguro sa atin ibinigay ang dalawang batang yan dahil alam ng dyos na mapapalaki natin sila ng maayos." Sabi ni Vicente.




"Bakit kaya hindi na sila binalikan ng Nanay nila? Nakakapagtaka lang kasi hindi manlang sila hinanap nito kahit sa balita hindi sila hinanap." Sabi ko.




"Nagtataka din ako dahil matagal na panahon na ang lumipas pero walang naghahanap sa magkapatid na yan, pakiramdam ko tuloy sinadya yung pagkakaaksidente nila."




"Hindi naman siguro sinadya yon." Sabi ko.





Pagdating namin sa bahay ay sinalang ko na agad yung karne para sa lulutuin kong kare kare. Naghiwa ako ng mga sangkap na gagamitin ko, sana magustuhan ito ng Mommy ni Cassandra. 




"Mahal pupunta lang ako kala Mang Obet magpapakuha ako ng buko para mamaya." Sabi nya.





"Sige Mahal mag-iingat ka!" Sigaw ko at umalis na sya.




Habang nagbabalat ako ng mga gulay biglang tumawag si Andrea kaya sinagot ko ito agad. "Hi Anak!" Bati ko.




"Hello po inay! wala pa po ba jan sila Louise?" Tanong nya.



"Nako anak wala pa sila pero baka malapit na din sila." Sabi ko.





"Ganon po ba, eh ano pong ginagawa nyo ngayon?"





"Nagbabalat ako ng mga gulay para sa sipo at kare kare." Sabi ko.




""Awwww sayang at hindi ako makakauwi ngayon, hindi ko tuloy matitikman yung luto mo." Sabi nya.




" Hayaan mo anak pagbalik nyo dito ni Louise next week ipaghahanda kita." 


"Teka si Tatay po pala nasaana?"



"Nakala Mang Obet magpapakuha daw sya ng buko."



"Wow naman talagang pinaghandaan nyo ang pagpunta nila Cassandra Inay."



"Syempre naman, ay nga pala nak yung kwarto mo ipapagamit ko muna kala Cassandra, ayos lang ba?" Tanong ko.



"Yes po Nay, ayos lang po." Sabi  nya.




"Paano maiwanan muna kita dahil magluluto pa ako. Ingat ka sa byahe ok?"




"Opo Inay! Kayo din po ingat kayo jan."


After maputol ang usapan namin ni Andrea ay ilang oras lang lumipas dumating na sila Louise kasama si Cassandra, hindi pa nababa ang Mommy ni Cassandra sa kotse dahil may kausap pa daw ito.




Lumapit sa akin ang dalawang bata at nagmano sila. "Inay nasaan po si Itay?" Tanong ni Louise.





"Nangunguha lang ng buko, mayamaya lang nandito na din yon." Sabi ko. "Kumain muna kayo ng tinapay may binake ako nasa lamesa lang."





"Sige po." Sabay nilang sabi.





Nagpatuloy lang ako sa aking pagluluto hanggang sa "Ikaw ba ang Nanay ni Louise?" Lumingon ako at nakita ko yung babaeng nagtanong.




"Hi! Ako nga, at ikaw naman ang Mommy ni Cassandra?" Sabi ko.




"Yup! Hmmm ang bango ng niluluto mo." Sabi nya at lumapit sya sa akin."Kare kare?"



"Oo, ito kasi yung nirequest ni Lulu."




"Lulu?" Nagtatakang tanong nya.




"Si Louise, Lulu kasi ang binigay na palayaw ng asawa ko sa anak namin at Andeng naman sa panganay namin."




"Ang cute naman pala ng palayaw ng mga anak mo." Nakatawang sabi nya. "May maitutulong ba ako?" Tanong nya.





"Maupo ka nalang muna, ako nalang ang bahala dito."




"Ok, pero wait lang ano nga ulit ang pangalan mo?"





"Isabel... Isabel Guerrero, at ikaw naman si?" Sabi ko.





"Lorraine Zamora."





"Kasing gandan mo yung anak mo." Sabi ko.





"Ikaw din kasing ganda mo si Louise at parehas kayong masiyahin."




"Paano nakilala na natin ang isa't isa, puntahan mo muna yung dalawang bata malapit na din naman akong matapos dito."





"Nako yung dalawa nasa bukid na, nakita ko silang sumampa sa kalabaw." Tumatawang sabi nya. "Tulungan nalang kitang magbalat ng itlog tutal madami yan at paniguradong matatagalan ka kung ikaw lang ang magbabalat." Umupo sya at nag umpisa ng magbalat.




Mukhang lumaki si Lorraine sa mayamang pamilya dahil makikita mo ito sa pananalita nya at kutis nya, kaya naman pala maganda si Cassandra kasi maganda din si Lorraine.


We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon