Chapter 67

165 10 3
                                    

Andrea's POV


After kong matapos yung duty ko sa restaurant ay agad kong inayos ang mga gamit ko, pinalagay ko kay Michael sa sasakyan yung pagkain na iuuwi ko sa bahay namin. Maaga pa naman kaya pwede pa akong dumiretso sa Mall, bibilhan ko si Mama at Papa ng regalo dahil magmula nung makita namin ang isa't isa ay hindi ko pa sila nabibilhan ng regalo.


"Girl aga mo namang umuwi." Sabi ni Grace.


"Kailangan eh, hayaan mo next time gigimik tayong dalawa." Sabi ko.



"Kahit wag na, araw araw naman kitang kasama  kaya ayos na yon."



"Ang sweet talaga ng kaibigan ko pakiss nga Graciana!" Pang-aasar ko.


"Ayan kana naman, sige na umalis kana." Sabi nya kaya naman tumawa ako.


Hinatid ako ni Grace hanggang sa parking lot, "Ingat ka!" Sabi nya sa akin at tuluyan na akong umalis.


Habang nagmamaneho ako ay sakto namang tumawag si Mama kaya agad ko itong sinagot. "Hello Ma? Napatawag ka po? Nasa bahay kana po ba?" Tanong ko.


"Yes nasa bahay na ako, ang Papa mo natutulog kaya pala hindi nya ako sinasagot." Sabi ni Mama.



"Si Papa talaga kahit kailan antukin." Sabi ko at umiling ako.



"Wait nagmamaneho kaba anak?" Tanong ni Mama.



"Yes Ma." Sagot ko.


"Diba I told you na wag na wag kang gagamit ng phone kapag nagmamaneho ka, sige na anak umuwi kana dito." 



"Ma ikaw po kaya ang tumawag sa akin." Sabi ko sabay tawa.



"I'm so sorry, I'll end this na, see you later."



"Bye Ma!" Sabi ko at ibinababa na ni mama yung tawag.



After 10 minutes ay nakarating na din ako sa Mall, dumiretso ako sa store ng rolex, gusto kong bilhan sila Mama at Papa ng couple watch dahil gusto ko kapag nakikita nila yung wrist watch nila ako agad ang naalala nila. "Good evening Ma'am!" Bati sa akin nung isang staff.


"Good evening!" Bati ko din.


Pumunta ako sa istante ng mga couple watch para doon mamili ng relo para kala Mama at Papa. "Ate pwedeng patingin ako nito?" Sabi ko doon sa staff at inilabas nya yung couple watch.



Kinilatis ko munang maigi yung relo, "Kukunin ko ito." Sabi ko at nilagay naman agad nung babae yung watch sa box. Habang pinaprocess yung payment ay tumingin naman ako ng mga watch for teens. "Bilhan ko na din kaya yung dalawa kong kapatid?" Sabi ko sa sarili ko.


"Miss bilhan mo na sila." Sabi nung lalaki sa likod ko kaya humarap naman ako.


OMG yung lalaki sa cake shop nandito sya. "Oh it's you again birthday girl!" Gulat na sabi nya.


"Hi!" Bati ko.


"By the way my name is Gian Miguel, but you can call me Migs." Sabi nya at inilahad nya yung kamay nya kaya naman tinanggap ko ito, "Andrea Liv Guevarra, Andrea nalang." Sabi ko sabay ngiti.


"So taga Manila ka pala akala ko taga probinsya ka." Sabi nya.


"Actually taga probinsya naman talaga ako nandito lang yung business ng Parents ko." Sabi ko.


"What kind of business?" Tanong nya.


"Food Business, may ilang mga branches na din kami dito sa Manila at Visayas." Sabi ko at nakita ko namang nanlaki ang mata nya. "May problema ba?" Tanong ko.



"Wala naman, base kasi sa itsura mo mukhang hindi ka marunong magluto." Sabi nya sabay tawa kaya naman sumimangot ako at nagpunta nalang ako sa cashier para kunin yung binili ko kala Mama at Papa, next time ko nalang bibilhan yung dalawang kapatid ko. "Thank you Ma'am." Sabi nung staff at nginitian ko nalang ito.


Bago ako lumabas ng store ay tinignan ko ulit yung lalaking antipatiko na tumatawa pa din at nakatingin sa akin. Inirapan ko nalang sya, sana hindi na magtagpo ang landas namin dahil nabubwisit ako sakanya, anong akala nya sa akin wala alam pagdating sa kusina, nagkakamali ata yung lalaking yon, baka sya yung walang alam pagdating sa kusina.


"What!" Sigaw ko dahil may humila ng wrist ko, yung antipatikong Miguel lang pala. "What do you want?" Inis na sabi ko.



"Ang taray mo naman, nakalimutan mo yung card mo Ms. Sungit!" Sabi nya sabay kurot sa ilong ko.


"What the hell is wrong with you!" Inis na sabi ko sabay kuha ng card ko.



"Wala man lang thank you?" Nakasmirk na sabi nya.



"Edi Thank you po Manong Miguel!" Sabi sabay alis.



Bwisit talaga yung lalaking yon akala nya ba madadala nya ako sa pagpapacute nya? hell no! Ang sakit ng ilong ko, balang araw makakaganti din ako sa lalaking yon.





We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon