Andrea's POV
Habang pinapakinggan namin nila Mama at Papa yung Audio Tape nakatingin lang ako kay Mama dahil umiiyak sya, dahil maging sya man ay biktima ni Christian. Kaya pala sya napunta sa ibang bansa hindi dahil may offer doon kundi pakana ni Christian ang lahat para mapatay nya kami nila Papa at Louise. Pinapunta nya si Mama sa ibang bansa para maisagawa nya ang planong pagpatay sa amin.
"Gagawin ko ang lahat para mawala sa buhay ni Lorraine ang kanyang mag-aama." Ayan yung isang line na hindi ko kinaya, papatay talaga sya ng tao para sa sarili nyang kaligayahan? napakasama nya talaga tao, sa impyerno sya nababagay.
Napaka bata pa namin ni Louise that time para paslangin nya kami, wala kaming kasalanan sa kanya para pati kami idamay, wala kaming kasalanan nila Papa sa kanya.
"Hayop talaga." Rinig kong sabi ni Papa.
"Bakit?" Tanong ko dahil sobrang bigat ng loob ko. "Bakit kailangan nya tayong ganituhin Ma? Pa?"
Lumapit sa akin si Mama at niyakap nya ako. "Shhh don't cry Andrea, malapit ng matapos itong kaguluhang ito. Bukas na bukas pupunta kami ng Papa mo sa police station para dalhin yang evidence laban kay Christian."
"Ma paano kung baliktarin nya tayo? paano kung itanggi nyang hindi yan sa kanya? Paano kung balikan nya ulit tayo at patayin nya ulit kami?"
"Hindi na mangyayari yan Andrea, hindi na ako aalis sa tabi nyo, hindi ko na hahayaang makalapit sainyo si Christian at sisiguraduhin ko na makukulong sya panghabang buhay." Sabi ni Mama.
Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon matapos naming marinig yung laman nang tape. Paano kung hindi lang kami ang patayin nya? paano kung pati si Mama idamay na nya din dahil sa sobrang pagmamahal nya. Hindi ko na kakayanin pa kapag nawala ulit sa amin si Mama, ayokong mawalan ulit, ayoko ng maulit yung dati.
"Ma? Pa? Bakit hindi nalang tayo pumunta sa States? magpakalayo layo tayo, ayokong maulit na naman yung dati, ayokong may dumanak na naman na dugo." Sabi ko.
"Anak kung hindi makukulong si Christian masusundan nya pa din tayo, pwede natin ituloy yang gusto mo pero kinakailangan na makulong sya bago tayo lumipad patungong States." Sabi ni Papa.
"Pero Pa, paano kung may mangyari na naman sa atin? paano kung hindi lang tayo ang patayin nya? paano kung pati sila Nanay at Tatay idamay nya, paano kung si Mama patayin nya din?"
"Anak hindi ko hahayaang may mangyari ulit sainyo ng Papa nyo." Sabi ni Mama.
Tumabi na din sa akin si Papa at niyakap nya kami ni Mama. Hindi ito yung pinangarap kong buhay noon, hindi ganitong buhay yung ginusto ko, wala akong ibang gusto kundi ang mamuhay kami ng buo at masaya, pero bakit ganito ang binigay sa amin? Anong kasalanan namin? Lalo na kami ni Louise at Cassandra, wala kaming mga kasalanan para magkaganito yung buhay namin.
"Ma sana bukas mahuli agad si Christian para mabuhay na tayo ng walang pinoproblemang Christian."
"Anak matulog na tayo." Sabi ni Mama sa akin.
"Pwede po bang dito nalang kayo matulog ni Papa? Gaya po ng dati, sayang wala si Cassandra at Louise." Sabi ko.
"Sige anak dito na kami matutulog ng Mama mo,next time buo na tayo sa iisang kama." Sabi ni Papa sa akin.
Lumabas muna sina Mama at Papa para mag-ayos ng kanilang mga sarili para sa aming pagtulog, itinabi ko yung audio tape at inilagay ko yon sa box kung saan ito nakalagay kanina. After kong maayos ang lahat ay umupo ako sa gilid ng aking kama at tinawagan ko ang dalawa kong kapatid.
"Hi Ate!" Masayang bati sa akin ni Louise.
"Hello Louise! nasaan ang kapatid nating isa bakit hindi kayo magkasama?" Tanong ko dahil wala si Cassandra sa tabi nya, madalas kasing magkasama sila kaya nanibago ako.
"Kasama ni Nanay sa kusina Ate." Sabi nya.
"Ganon ba, teka nagdinner na ba kayo nila Nanay?" Tanong ko.
"Kakain palang kami Ate, inaayos ko lang yung gamit ni Cassandra kaya nandito pa ako sa kwarto namin, bababa na din ako mayamaya pagkatapos kong gawin itong inaayos ko." Sabi nya.
"Ganon ba."
"Yes Ate, teka bakit parang umiyak ka Ate?"
"Hindi napuwing lang ako." Sabi ko.
"Ok sabi mo eh." Sabi nya sabay tawa.
"Miss ko na kayo." Sabi ko.
"Miss kana din namin Ate, Kayo nila Mama at Papa miss na namin."
"Hayaan mo malapit ng matapos ang lahat, nandito nga pala si Mama, bali dito sya matutulog ngayon."
"OMG Ate! sana makabuo sila Mama at Papa." Pilyang sabi ni Louise.
"Imposible yang sinasabi mo, katabi ko silang matulog." Sabi ko sabay smirk.
"Ate hayaan mo na silang magtabi malay mo naman."
"Shut up Louise! ikaw ha kung ano ano yang nababasa mo pati kala Mama at Papa kung ano ano na naiisip mo." Sabi ko.
"Ok, ok kalma ka lang Ate nagagalit ka agad." Sabi nya kaya tumawa ako.
"Sige na, ikaw muna ang bahala jan, si Nanay wag nyong pagudin please, kapag kaya nyo ni Cassandra yung gagawin kayo na ang gumawa ok?"
"Yes Ate, Bye bye Ate! Ingat kayo jan. I love you."
"Ingat din kayo jan, mas mahal na mahal ko kayo." Sabi ko bago ko iend yung call.
Konti nalang talaga at malapit na tayong mabuo, pasensya na mga kapatid ko kung natagalan mahanap yung ebidensya, basta ipinapangako ko na mabubuo ulit tayo at gagawin ko ang lahat.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...