Cassandra's POV
Gusto kong maging kaibigan si Louise kaso ngalang parang ayaw nya sa akin, kanina habang naglalaro kami feeling ko ako yung pinupuntirya nya dahil malakas yung pagkakahampas nya ng bola pagdating sa akin.
Gustong gusto ko talaga syang maging kaibigan dahil feeling ko sobrang cool nyang maging kaibigan, parang si Louise yung tipo ng kaibigan na ipagtatanggol ka sa lahat. Matapang si Louise at isa yon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Sana bigyan ako ng chance ni Louise na mas makilala ko pa sya at mas makilala nya din ako.
Bukod sa maganda na si Lousie ay matalino pa bonus pa yung pagiging magaling nya pagdating sa volleyball. Siguro masaya yung parents nya kasi may anak silang kagaya ni Louise na matalino, maganda at magaling maglaro ng volleyball. Ako kasi saktong talini lang ang ipinaglaloob sa akin at saktong galing lang din sa oaglalaro ng volleyball kaya ayon ang Daddy ko saktong pagmamahal lang ang ibinibigay sa akin pero si Mommy sobra yung ipinagkakaloob nya sa akin na pagmamahal.
Kung sakto kay Daddy iba yung kay Mommy, sobra sobra yung kay Mommy halos sya na ang nagpupuno ng pagkukulang ni Daddy kaya masasabi kong the best si Mommy sa buong mundo.
Madalas mang wala si Mommy palagi nya namang pinaparamdam sa akin kung gaano nya ako kamahal. Naalala ko tuloy dati noong nabasag ko yung isa sa mga collection ni Daddy na vase si Mommy ang umako na sya ang nakabasag non at hindi ako, mabuti nalang talaga at nasa tabi ko si Mommy noon dahil kung nagkataon na wala si Mommy baka napalo na ako ni Daddy.
"Baby kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ni Mommy sa akin.
"Ayos lang po Mommy. Ikaw po kamusta naman po yung araw mo?" Tanong ko.
"Teka bakit parang malungkot ata yung prinsesa namin? May nangyari bang hindi maganda?"
"Kasi Mommy may nahanap na sila Ms.Alvarez na kapalit ni Jerielle kaso yung pumalit kay Jerielle mukhang suplada. Gusto ko syang maging kaibigan Mommy."
"Alam mo balang araw magkakasundo din kayong dalawa." Sabi ni Mommy.
"Pero kailan po yung balang araw?" Tanong ko.
"Hindi natin alam anak, basta kausapin mo nalang sya ng kausapin hanggang sa bumigay sya. One day magigising nalang sya na gusto kana din nya na maging kaibigan."
"Mommy kailan ka po babalik dito? Malapit na po bang matapos yung work mo? Gusto na kitang makasama sawang sawa na ako sa mukha ng mga kasama ko dito sa bahay." Nakasimangot na sabi ko, totoo naman talaga na sawa na ako halos araw araw sila at sila lang din ang kasama ko.
"Anak anong sabi ni Mommy sayo? Bad yung ganyan dapat nga nagpapasalamat ka kasi may kasama ka sa bahay, yung ibang bata nga wala lng kasama sa bahay ikaw madami kang kasama."
"Pero Mommy ikaw yung gusto kong makasama, si Daddy uuwi dito sa bahay kapag gabi lang then sa morning naman after magbreakfast naalis agad, ni hindi ko na nga po nakakasabay si Dad sa pagkain, tapos si Kuya Kyle naman wala naman pong pakialam sa akin kaya Mommy uwi kana dito please."
"Malapit ng matapos ang project ni Mommy dito, malapit na tayong magkasama anak."
"Talaga Mommy? Pwede bang pag-uwi mo dito invite ko yung classmates ko?"
"Sa birthday mo nalang anak diba next month na ang birthday mo?"
"Yes Mommy."
"Basta bago ka magbirthday uuwi si Mommy." Masayang sabi ni Mommy.
"Talaga Mommy?" Tanong ko.
"Yes."
"Yeheyyyyy!"
"Sige na anak ibababa na ni Mommy yung phone ko may mga dapat pa akong tapusin na trabaho."
"Pero Mommy gusto pa kitang kausapin." Nakasimangot na sabi ko.
"Pero anak kailangan ni Mommy magwork, para naman sa future mo to."
"Sige na nga po Mommy."
"Ok! Magpakabait ka muna kala yaya, basta wag maging pasaway ok?"
"Bye Mommy I love you so much!" Sabi ko.
"I love you too. Bye!" Sabi ni Mommy.
Naglakad ako papunta sa kwarto nila Mommy at Daddy dahil namiss kong magpunta don. Pagpasok ko nakita ko agad yung picture ni Mommy na malaki at yung iba naming pictures nila Dad at Kuya.
Noong bata pa kami ni Kuya malapit kami sa isa't isa pinagtatanggol nya ako sa mga kalaro ko, hindi ko alam kung anong nangyari ngayon di na kami katulad ng dati na sobrang close.
Nakakamiss yung dating pamilya na nakasanayan ko, yung pamilyang hindi nagkakahiwahiwalay noon at ang pamilyang kasabay ko sa pagkain. Lahat ng members ng family ko may kanya kanya ng pinagkakaabalahan samantalang ako laging iwan dito sa bahay. Sana kahit hindi ko birthday buo kami.
BINABASA MO ANG
We Met Again
ФанфикSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...