Andrea's POV
Maaga akong nakarating sa unit namin ni Louise pero hindi ko sinabi kay Louise na dumating na ako dahil may iba pa akong kikitaing tao, alam ko maya maya lang ay darating na sya galing sa La Union mag iiwan nalang siguro ako ng letter or magmemessage nalang ako. After kong magshower ay nagpahinga lang ako sandali at nagpunta na ako sa location na sinend sa akin ng kausap ko.
Pagdating ko sa The Coffee Club nakita ko agad si Mr. Buenaobra kaya agad akong lumapit sa kanya. Si Mr. Buenaobra ang kaibigan nila Nanay at Tatay na nakabase dito sa Manila, isa syang Abogado at nirecommend sya sa akin ni Nanay at Tatay.
"Good Afternoon Andrea! napakaganda mo talagang bata manang mana sa Nanay at Tatay." Sabi nya.
"Good Afternoon din po sayo Mr. Buenaobra. Well magaling lang po talagang mag-alaga si Nanay at Tatay." Sabi ko
"Nasaan na pala yung kapatid mong si Louise? Bakit hindi mo sya kasama ngayon?" Tanong nya.
"Pauwi palang po sya galing La Union." Sabi ko.
"Ganon ba, okay sige magproceed na tayo sa agenda natin today."
"Ahmm mag oorder lang po muna ako, ano pong gusto nyo?" Tanong ko.
"Red Eye nalang." Sabi nya at tumayo ako para magpunta sa kiosk dahil self service sa coffee shop na to.
Nag order ako ng Frappuccino, Red Eye, and dalawang Blueberry Cheesecake. After kong magorder ay bumalik na ako sa pwesto namin ni Mr. Buenaobra.
"Proceed na po tayo." Sabi ko.
May ilang papeles na inilabas si Mr. Buenaobra.
"Nakikita mo ba lahat ng documents na ito?" Tanong nya.
"Yes po, ano po ba yan?" Tanong ko.
"May kinalaman ito sa company ng Papa mo. May iniwang shares ang Papa mo sayo at sa kapatid mong si Louise. Dahil panganay ka malaki ang iniwan sayo ng Papa mo, 50% ng company ay mapupunta sayo at 20% naman ang sa kapatid mong si Louise. Ang iba nyong ari-arian ay mapupunta sainyong dalawang magkapatid, yung lupain nyo sa Nueva Vizcaya, Batangas, Laguna at ang Bahay bakasyunan nyo sa Baguio pati na din ang bahay nyo dito sa Manila. Ang iba nyo pang ari-arian ay nakapangalan na sa Mama nyo, pero dahil ang alam nga ng marami na patay na kayo napunta ang lahat sa pangalan ng kaibigan ng Papa mo na si Christian, wala na kayong ibang kamag-anak kaya kay Mr. Christian napunta ang lahat even yung small businesses ng parents mo."
"Po? Paanong nangyari na kay Tito Christian napunta ang lahat? buhay pa naman si Mama."
"Hindi ko din alam kung paano napunta ang lahat kay Mr. Christian."
"Una palang sakim na talaga yang si Tito Christian." Mahinang sabi ko.
"Ok, ang sabi ko nga kanina halos lahat ng ari-arian nyo ay napunta kay Christian, kung nagpakita lang siguro kayo noon pa malamang hawak mo ngayon ang company nyo pero si Christian na ang nagmamanage neto at soon maililipat na ito sa pangalan ng anak nyang si Anthony."
"Wala na po bang paraan para mabawi yung company ni Papa at ibang ari-arian ng parents ko?" Tanong ko.
"Kung magpapakilala ka at mapapatunayan mong ikaw talaga ang anak ni Mr. Guevarra makukuha mo ito agad agad at kung aapila sa korte may posibilidad talaga na maibalik sainyo ang company ng Papa mo lalo na at mas malaking share ang iniwan sayo ng Papa mo."
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...