Lorraine's POV
Paakyat na kami ngayon sa bundok dahil magtatanim na kami ng puno kakabalik lang ng unang batch kaya kami naman ang aakyat ngayon. Nakakatuwa yung outfit ni Andrea dahil full gear sya at mukhang ayaw nya talagang madikitan ng limatik, kagayang kagaya ko si Andrea noong una kong punta dito full gear din ako dahil inabisuhan ako ni Alexander na magsuot ng long sleeve at pants dahil nga sa mga limatik.
"Bakit po kayo tumatawa? May nakakatawa po ba sa suot ko?" Tanong ni Andrea dahil nahuli nya akong nakatingin sa kanya.
"May naalala lang ako." Sabi ko.
"Pero bakit nakatingin ka po sa akin?"
"Dahil may naalala lang ako sa suot mo, noon kasi full gear din ako nakasalamin pa nga ako noon nung unang sama ko dito."
"May nagsabi po kasi sa akin na madami daw pong limatik dito kaya pinagdala nya ako ng ganitong klase ng damit." Sabi nya.
"Sa left side nyo naman po matatanaw ang Laguna Bay." Sabi nung tourguide namin kaya sabay kaming lumingon ni Andrea at namangha naman ito.
"Wow ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang view." Sabi ni Andrea.
"Alam mo parehas na parehas tayo, ganyan din ang reaction ko ng matanaw ko ang Laguna Bay." Sabi ko habang nakangiti, inayos ko naman yung buhok ni Andrea na nakaharang sa mukha nya at inipit ko ito sa teanga nya.
Halatang nagulat sya sa ginawa ko dahil hinawakan nya ang kamay ko. "Bakit nyo po ginawa yon?" Tanong nya.
"Nakaharang kasi sa mukha mo yung buhok mo hindi ko makita yung magandang view." Sabi ko at namula naman ang pisngi nya. "Bakit namumula ang pisngi mo?" Tumatawang sabi ko.
"Wala po." Sabi nya at naglakad na sya ulit sa akin papalayo, mukhang may napipikon.
Nagpatuloy nalang kami sa aming paglalakad patungo doon sa lugar na pagtataniman namin. Pagdating namin doon sa site inilatag agad namin yung panlatag na ibinigay sa amin at yung mga gamit namin at inilapag muna namin sa lapag. Si Andrea ay humiga agad dahil na din siguro sa pagod nya.
"Meron po tayong one hour para magpahinga." Sabi nung guide kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Humiga ako sa tabi ni Andrea at ipinikit ko ang mga mata ko. "And sarap po pala dito." Mahinang sabi ni Andrea.
"Sobrang sarap dito kasi malayo sa mapulusyong lugar."
"Sana ganito din kaganda ang buhay natin." Sabi nya kaya ngumiti nalang ako.
Si Alexander ang una kong nakasama dito at ngayon nalang ulit ako nakabalik dito, wala pa din nagbabago dito, sariwa pa din ako hangin.
Tumayo si Andrea at may kiniha sa bag nya. "Gusto nyo po?" Alok nya sa akin.
"Butter Cookies?" Tanong ko.
"Yup!" Sagot nya, kumuha ako ng isang pirasong butter cookie.
"Sinong gumawa nito?" Tanong ko dahil kalasa sya nung cookies na kinakain namin madalas ni Alexander.
"Si Nanay po." Sabi nya.
Imposibleng si Isabel din ang gumagawa ng butter cookies na laging binibigay sa akin ni Alenxander.
"May problema po ba sa lasa?" Tanong ni Andrea.
"Wala naman, pamilyar kasi ang lasa." Sagot ko.
Kumain lang kami ng kumain ni Andrea hanggang sa maubos na namin yung nasa tupperware nya.
"Alam mo paborito yan ng anak ko." Kwento ko at ngumiti lang si Andrea sa akin. "Ikaw ba paborito mo ba yan?" Tanong ko.
"Bata palang po ako ito na yung madalas kong kainin, kahit nga po araw araw ganito ang baon ko sa school ayos lang po sa akin." Sabi ni Andrea.
"Talaga? Alam mo ganyan din yung anak ko kasi yung Papa nya laging may pasalubong na butter cookies hindi kami nawawalan ng butter cookies sa bahay kasi nga paborito sya ng anak ko."
"Ang swerte naman po ng anak nyo." Sabi ni Andrea sabay inom ng tubig.
"Ikaw din naman maswerte ka sa parents mo."Sabi ko.
Ngumiti sya sa akin sabay sabing "Sobrang swerte ko po talaga."
After ng one hour naming pahinga ay nagsimula na kaming magtanim ng puno. Mqgkatabi yung tinanim naming puno ni Andrea dahil kami ang magkateam.
"Sana pagbalik ko nandito kapa din." Sabi ni Andrea bago nya tuluyang tabunan ng lupa yung buto.
"Pwede ba tayong magpicture?" Tanong ko kay Andrea at halata namang nagulat sya dahil inaya ko sya.
"Seryoso po ba kayo?"Tanong nya.
"Mukha ba akong nagbibiro Andrea?"
"Sige po game na po ako." Sabi nya kaya napatawa naman ako.
Mga limang shots ang ginawa namin para madami kaming souvenir ni Andrea.
"Thank you." Sabi ko at nginitian nya lang ako.
"Pwede po kayong maglakad lakad sa paligid basta sundan nyo lang po yung mga lubid na nakatali sa puno, sikapin nyo pong tandaan yung mga dinadaanan nyo." Sabi nung guide.
Si Andrea naman ay inaayos na yung gamit nya kaya lumapit ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Hmmm maglalakad lakad lang po." Sabi nya.
"Gusto mo bang samahan kita?"
"Kung wala naman pong problema sige po." Sagot nya kaya naman inayos ko na din yung gamit ko.
Hindi ko alam kung bakit nag-iba yung nararamdaman ko pero sana walang mangyaring masama sa amin ni Andrea.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanficSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...