Chapter 60

233 11 9
                                    

Andrea's POV


After mapick up nila Nanay at Tatay si Louise ay agad naman akong nagtungo sa restaurant dahil madami akong kailangang tapusin na papers. "Good Morning Ma'am!" Bati nung isa kong staff.


"Good morning po!" Bati ko dito at pumasok na din ako sa loob ng office.


Sa sobrang daming nakatambal sa table ko hindi ko na alam kung anong uunahin ko. "Girl!" Biglang tawag ni Grace. "My gosh Villanueva bakit hindi ka kumatok papatayin mo ako sa gulat para kang si Louise." Sabi ko sabay irap.



"Taray mo te! May dalaw ka?" Panirong sabi nya.



"Tse!"


"Anyway kaya ako nandito dahil." Putol na sabi nya.



"Dahil?" Tanong ko.


"Dahilllllllll."



"What the hell is wrong with you Grace? Anong trip yan bilisan mo madami akong dapat tapusin." Inis na sabi ko kasi tumatawa pa sya.

"Woah ang taray mo Guevarra, well gusto ko lang sabihin sayo na may reservation si Christian Zamora dito sa restaurant nyo." Sabi nya.



"Lagyan mo ng lason yung pagkain ni Zamora." Sabi ko.


"Wag naman girl makukulong tayo nya  eh." Tumatawang sabi nya.


"Bakit dito pa yan kakain?" Inis na tanong ko.



"Malay ko basta apat na seats ang pinareserve nya." Sabi ni Grace.


"Patingin ng order slip nila." Sabi ko at binigay naman agad ni Grace yung hinihingi ko.


Malamang si Mama ang kasama ni Christian dahil sa mga order nitong pagkain. "Grace ihanda mo lahat ito at sarapan mo." 



"Oh akala ko ba lalagyan ko ng lason." Sabi nya habang tumatawa.


"Siraulo joke lang yon masyado kang patola, go na umalis kana sa office ko at madami akong gagawin." 


"Yes Ma'am!" Sabi nya at lumabas na sya ng office ko.



Sinimulan ko na ang pag-aayos ng mga papeles sa table ko at habang nag-aayos ako ay sakto namang tumawag si Mama kaya agad ko itong sinagot. "Hello?"


"Andrea anak where are you?" Tanong ni Mama.


"Nasa restaurant po. Bakit po?" Sabi ko.



"Anak kakain kami mamaya jan." Sabi ni Mama.


"I know po."



"Hindi ko alam kung anong balak ni Christian."

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon