Si Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...
Nasundo ko na si Louise sa bahay nila Isabelle, mabuti nalang at ako talaga ang Ama ni Andrea. Pinagsisisihan ko na hindi ako nakinig kay Lorraine, sana pala nagtiwala nalang ako sa kanya at sa nararamdaman ko.
"Pa saan natin pupuntahan si Ate?" Tanong ni Louise.
"Sa dating bahay natin." Sabi ko.
"Pa, alam na po ba ni Cassandra na pupunta tayong Cebu para sunduin sila?" Tanong nya.
"Nope." Maiksing tugon ko.
"Eh kung ganon gaano kalaki ang kasiguraduhan mong nasa Cebu talaga sila?"
"Dahil may connection ako anak, wala kabang bilib sa Papa mo?" Tumatawang sabi ko.
Ilang minutong tumahimik si Louise ng biglang "Pa, dapat pala di nalang ako nagalit kay Mama or kahit sayo. Wala namang may gusto sa mga nangyari sa atin eh, natakot lang akong makitang mag away kayo. You know what Pa, sobrang namiss ko kayo, sobrang tagal nating hindi nagkasama."
"Alam mo anak, miss na miss ko na din kayo. Hayaan mo sinisigurado kong makukumpleto tayo sa pasko at bagong taon, magsisimula ulit tayo ok? bubuo tayo ulit ng magagandang alaala at kakalimutan na natin yung mga masasamang nangyari sa atin sa loob ng madaming taon."
"Pa, alam mo ba nung nalaman kong buhay ka at si Mama, sobrang saya ko kasi mararanasan kong magkaroon ulit ng buong pamilya, hindi yung nakikipamilya lang kami ni Ate kala Inay Isabelle, hmmmm pamilya pa din naman natin sila pero iba kapag magulang na yung nag alaga talaga diba Pa."
"Syempre naman, iba pa din kapag totoong magulang ang kasama mo, noong nasa America ako sobrang nakakalungkot doon kasi wala akong pamilyang kasama and that time naghahanda lang ako sa pagbabalik ko dito para makasama kayo."
"Pawala ka namang naging anak diba? si??? ano...hmmm yung anak lang ng friend mo yung naging anak mo don yung bata ano nga ulit name nya?" Tanong ni Louise.
"Si Angelo." Sagot ko
"Hmmm kailan ba natin sya makakasama?"
"Balak ko sana kunin na natin sya before christmas para naman may family picture tayo diba."
"That's a good Idea Pa. Pwedeng makita picture nya?"
"Yeah, kunin mo yung wallte ko sa bag." Sinunod nya naman yung utos ko. "Nanjan yung picture nya kasama ng mga picture nyo.
"Awww ang cute naman ng baby boy namin." Nakangiting sabi ni Louise.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Anak sa tingin mo dapat bang ipachange natin ang apelido nya?"
"Siguro po wag nalang, yung nalang din po kasi yung alaala ng parents nya eh." Sagot ni Louise.
After ilang oras ay nakarating din kami sa bahay namin, halos kadarating lang din ni Andrea. "Ate!" Sigaw ni Louise at tumakbo ito patungo kay Andrea para yakapin ito ng mahigpit. "I miss you so much!" Sabi ni Andrea kay Louise. "I miss you too Ate!" At binigyan nya ng kiss ang Ate nya.
"Ako ba hindi mo namiss?" Biro ko kay Andrea.
"Sobrang namiss ko ang Pogi kong Papa." Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako ng mahigpit. "I miss you so so sooooooooo much Papa." Bulong nya sa akin. "Namiss din kita anak." Sagot ko.
"Thank you for loving me Pa." Sabi nya at bumitaw na ito sa pagkakayakap nya sa akin. "And thank you sa pag intindi sa pamilya natin." Sagot ko.
"Pasok na po muna tayo sa loob Pa." Sabi ni Andrea at pumasok na kaming 3 sa bahay namin. "Pa dumaan po pala ako sa resto at bumili po ako ng pagkain natin, tara na po sa kusina. Ayokong magutom kayo ni Louise sa byahe natin." Tumatawang sabi nya.
"Manang mana ka talaga sa Mommy mo."
"Ayieeee miss na miss si Mama?" Pang aasar ni Louise.
"Symepre." Sabi ko sabay kindat.
"Nako tara na Pa kumain na tayo bago pa tayo malate sa flight natin." Sabi ni Andrea.
Mahal ko mag hintay ka, mabubuo na talaga ang pamilya natin, hinding hindi ko na hahayaan pang masira ulit ang pamilya natin.