Andrea's POV
Hindi ko alam kung bakit sumama sa akin si Mama na maglakad lakad alam ko namang tamad syang maglakad pero ewan ko ba anong naisipan nya at sinabayan nya ang trip ko. Wala naman talaga akong balak maglakad lakad gusto ko na sanang bumalik sa kwarto namin pero sayang kasi yung moment na ito alam kong minsan lang to kaya sinusulit ko na.
Napapangiti na lang nga ako kanina habang sinasabi nyang paborito daw ng anak nya yung butter cookies, naaalala pa pala nya yung paborito ko samantalang ako di nya maalala or makilala man lang pero ayos lang yon dahil naniniwala akong malalaman nya din yung katotohanan.
Binabagalan ko lang ang aking paglalakad at kunyare ay tinitignan ko ang ang paligid ko pero ang hindi alam ni Mama sinusulit ko lang yung oras na kasama ko sya dahil alam ko na kapag bumalik kami sa Manila magbabago na naman ang lahat.
"Andrea bakit nga pala ikaw ang umattend dito?" Tanong nya sa akin.
"Dahil may out of town po sila Nanay at Tatay." Sabi ko dahil totoo naman nasa Pangasinan sila at wala sa La Union.
"Kayo po bakit ikaw po ang umattend?" Tanong ko.
"Dahil wala akong choice." Sabi nya sabay tawa.
Walang duda, Mama ko nga sya talaga.
Naglakad nalang kami ng naglakad hanggang sa mapadpad kami sa may batis. "Pwede mo po ba akong kuhanan ng litrato?" Tanong ko kay Mama.
"Yah, sure." Sabi nya at iniabot ko naman yung phone ko.
"Ok, 1.....2.....3 say Tinapay!" Sabi ni Mama kaya mas lalo akong napangiti, ayan ang lagi nyang sinasabi kapag kinukuhanan nya kami ng litrato ni Louise noong mga bata pa kami.
"Hindi mo naman sinabi na nagselfie ka kanina habang tulog ako sana ginising mo ako." Sabi ni Mama na nakapagpapula ng pisngi ko, gosh bakit hindi ko sya nilagay sa ibang folder.
Humiga ako ng malalim at sinabing "Trip ko lang po magselfie kanina, pero kung gusto nyo po buburahin ko na."
"Ayos lang ang cute ko naman jan, keep mo nalang." Sabi ni Mama kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Thank you!" Sabi ko at umupo nalang ako sa gilid ng batis.
"Ang ganda dito no." Sabi ni Mama.
"Ngayon ka lang po ba nakapunta dito?" Tanong ko.
"Pangalawang beses ko na dito." Sagot ni Mama.
"Pwede mo po bang ishare kung sino ang kasama mo dito?"
"Si Alexander ang kasama ko dito noon yung dati kong asawa, isinama nya ako dito dahil nakakarelax dito. Namimingwit kami ng isda noon at niluluto din naman din namin ito agad, masaya kami kahit kaming dalawa lang ang nandito ni Alexander." Kwento ni Mama.
"Paano kung hindi sila nawala?" Tanong ko.
Tumayo naman si Mama at kumuha sya ng bato ay ibinato nya sa batis. "Kung hindi sila nawala masaya kami pero dapat ang tanong mo kung hindi ako umalis siguro hindi sila mawawala."
"So sinisisi mo ang sarili mo sa pagkawala nila?" Tanong ko.
"Yes dahil kung hindi ako umalis noon hindi naman sila pupunta sa Nueva Vizcaya, kung sana hindi ko pinili ang pangarap ko noon malamang hindi ako nahihirapan ngayon."
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanficSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...