Louise POV
Hindi pa din ako sanay na wala si Ate sa tabi ko at sa totoo lang naninibago ako. Sayang lang talaga at kinailangan naming bumalik sa probinsya pero mabuti nalang at kasama na namin si Papa. Araw araw kong napapansin si Papa na minsan malungkot sya at minsan naman masaya sya.
Lagi nyang hawak hawak yung necklace na may ring at lagi syang nakatingin sa kawalan sa tuwing nasa dalampasigan sya. Minsan napapaisip din ako sa kung anong iniisip ni Papa pero siguro nga laman pa din ng puso at isip nya ay si Mama Lorraine.
Nakakalungkot lang isipin na kami yung nauna pero hindi kami yung huling kasama. Naawa din tuloy ako kay Papa minsan dahil nahuli ko sya ng tatlong beses na umiiyak sa kwarto nya habang hawak hawak ang wedding picture nila ni Mama. Sobrang sakit na makita si Papa na umiiyak at ang mas masakit don yung iniiyakan ni Papa imposible ng bumalik sa amin.
"Anak anong iniisip mo?" Tanong ni Nanay.
"Wala po." Sabi ko sabay ngiti.
"Pwede bang wala eh ang lalim ng tingin mo." Sabi ni Nanay sabay tawa.
"Si Papa po iniisip ko."
"Bakit mo naman iniisip ang Papa mo diba magkakasama na tayo dito sa bahay? wala ka ng dapat pang isipin anak kasi dito sa bahay ng Papa mo safe tayo at malayo sa kapahamakan."
Naglakad ako papunta sa terrace at sumunod naman si Nanay. "Nahuli ko po si Papa na umiiyak nung nakaraan pero hindi lang po yon ang unang beses kong mahuli syang umiiyak."
"Ang Papa mo umiiyak? bago yon ah." Biro ni Nanay.
"Namimiss nya lang po siguro si Mama kaya sya umiiyak, hawak nya po kasi yung wedding picture nila ni Mama nung nahuli ko syang umiiyak sa kwarto nya."
"Ganon naman siguro talaga anak kapag namimiss mo yung isang tao na malayo sayo, mapapaiyak ka nalang talaga lalo na kung matagal mo na itong hindi nakikita pero wag kang mag-alala anak babalik din ang lahat sa dati."
"Sana nga po bumalik na ang lahat sa maayos na sitwasyon, alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa ganitong set up, si Ate din nahihirapan yon pati na din si Papa." Sabi ko.
"Speaking of your Ate tawagan natin sya ngayon." Sabi ni Nanay sabay kuha nung phone nya.
Mabilis namang sinagot ni Ate yung tawag ni Nanay. at niloudspeaker ito ni Nanay para marinig ko ang boses ni Ate, ilang linggo na din kasi syang hindi nauwi dito kaya miss na miss ko na din sya.
"Anak kamusta kana?" Tanong ni Nanay.
"Ayos lang naman po Inay, kayo po kamusta na po kayong lahat jan? Si Louise po ba natulong sa gawaing bahay?"
"Oo naman Ate anong tingin mo sa akin may katulong? hindi ako kagaya nung dati kong kaibigan na porket mayaman kala mo kung sino." Sabi ko.
"Louise diba napag-usapan na natin ang tungkol jan, wala syang kasalanan kaya dapat patawarin mo na sya."
"Hmmmp! kinakampihan mo pa yon kesa sa akin, nalulungkot nga si Papa dahil nasa kanila si Mama." Sabi ko.
"Nabalitaan mo naba yung nangyari sa kanya?"
"No, and I don't care." Maarteng sabi ko.
"Talaga ba?" Pang-aasar ni Ate.
"Yeahhhhhh!" Sagot ko.
"She's in coma." Seryosong sabi ni Ate na ikinagulat ko.
"Are you joking?"
"No I'm not, I thought you don't care?"
"Ate just tell me, bakit sya nacoma?"
"Diba sabi mo nga I don't care, hindi ko sasabihin sayo, bye!" At pinatay na ni Ate yung phone nya.
"Nanay tawagan mo ulit si Ate." Nagmamakaawang sabi ko.
"I thought you don't care?" Sabi ni Nanay habang nakangiti sabay alis. "May phone ka diba? Ikaw na tumawag sa Ate mo."Pahabol ni Nanay.
Bakit ba ang lalakas nilang mang-asar! ughhhhh nakakainis na. Pero bakit nga ba nacoma si Cassandra?
Nagpunta ako sa dalampasigan para makapag-isip isip,pupuntahan ko ba si Cassandra? Or wag nalang dahil naiinis pa din ako sa kanya, pero half sister ko sya at may pinagsamahan naman kami.
Naguguluhan na din ako sa sarili ko. Pero sila yung reason bakit kailangan naming magtago lalo na si Papa.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Ate. "Yes, why?" Bungad ni Ate sa akin.
"Ate gusto kong malaman kung bakit comatose si Cassandra."
"Wow nagbago ang ihip ng hangin." Tumatawang sabi ni Ate.
"Ate seryoso ako gusto kong malaman kung bakit sya nandon at nakaratay."
"Why?" Nagtatakang tanong ni Ate.
"Anong why eh ako nga yung nagtatanong sayo."
"I mean bakit bigla kang nagkainterest malaman kung anong nangyari kay Cassandra, diba galit ka sa kanya?"
"Basta sabihin mo nalang Ate."
"I knew it! you love her because she's your sister am I right?"
"No, mali ka ng iniisip Ate, gusto ko lang talagang malaman kung bakit sya nacomatose."
"Because you love her nga kasi? Bakit ba ayaw mo nalang aminin Louise? Diba you like her naman before? Pero bakit ngayon ayaw mo na I mean dinedeny mo na gusto mo sya. Diba sabi mo sa akin dati gusto mo syang maging kapatid ayan na kapatid mo na nga sya bakit parang ayaw mo na?"
"Ate that was before, ilang months na ang nakalipas kaya nagmomove on na ako. Yeah I like her before kasi hindi ko pa alam yung totoo pero ngayon nagbago na ang lahat kasi sila yung reason kung bakit gabi gabi umiiyak si Papa. Know tell me Ate kung may mali sa ginagawa ko." Matapang na sabi ko.
"Yes may mali sayo Louise at alam mo kung ano yon?"
"What?"
"Dinadamay mo yung mga taong wala namang kinalaman sa mga nangyayari sa atin. Anyway kung gusto mong puntahan si Louise nasa St. James Hospital sya room 248. Bye." Sabi ni Ate.
Dapat ko pa bang puntahan si Cassandra? Paano kung magkita kami ni Mama?
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...