Chapter 50

209 9 3
                                        

Lorraine's POV

Nandito kami ni Andrea ngayon sa mall dahil may gusto daw syang bilhin at gusto nya din daw akong makabonding dahil madaming araw daw ang hindi kami magkasama at hindi kami magkasama sa birthday salubong nya.


Nakakatuwa ang anak ko dahil ibang iba na sya kumpara dati, kung dati ay madalas syang tahimik ngayon naman napakadaldal nya at medyo kikay, siguro dahil na din sa environement na nakuha nya doon sa mga kumupkop sa kanya.


"Ma I want this." Sabi ni Andrea na nakaturo sa high heels.


"Anak are you sure ayan ang gusto mo?" Tanong ko kasi masyadong mataas yung heels isa pa noong bata pa sya ayaw nyang magheels pero bakit ngayon gusto na nya, sabagay people change.

"Yes Ma, gusto ko talaga yan."


"Ok, kukunin natin yan." Sabi ko at tinawag namin yung sales lady.


"Ate size nine." Sabi ni Andrea.


"Anak lumaki na pala ang paa mo, parang dati lang maliit lang ang paa mo."

"Mama syempre bata pa ako noon, ngayon dalaga na ako." Sabi nya.


Pagdating nung sales lady ay sinukat agad ni Andrea yung high heels. "Mama bagay po ba?" Tanong nya.


"Yup." Sabi ko.



"I'll take it." Sabi ni Andrea doon sa sales lady, bakit ngayon ko lang napansin na walang birth mark ang braso ni Andrea.

"Ma bayaran na po natin." Sabi nya at nagpunta kami sa cashier.


After namin magbayad inaya nya ako sa isang store ng mga bag, hinayaan ko nalang syang mamili ng gusto nya wala din naman kasi akong regalo sa kanya noong nagbirthday sya noong nakaraan. 


"Ma hindi mo po ba ako sasamahang pumili?" Tanong nya.



"Kaya mo na yan anak dito muna si Mama ok? tawagin mo nalang ako kapag may napili kana." Sabi ko at tinalikuran na nya ako.


Pinabayaan ko nalang na mamili si Andrea hanggang sa makapili na sya at nagbayad kami, next naman na pinasukan namin ay store ng mga clothes, umupo nalang ulit ako dahil wala ako sa mood maghanap ng para sa akin dahil iniisip ko si Cassandra, mabuti nalang gising na sya kaso lang hindi naman namin sya makausap.



"Mama bagay po ba sa akin ito?" Sabi ni Andrea at pinakita nya yung yellow na dress sa akin.


"Yes anak bagay na bagay sayo." Sagot ko.



"Wait Mama isusuot ko lang po ito tapos ipapakita ko ulit sayo." Sabi nya at nagsmile lang ako.

After 1 minute ay lumabas na din si Andrea sa fitting room at pinakita nya sa akin yung dress na suot nya. 


"Gorgeous."  Sabi ko.



"Thank you Mama." 

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon