Chapter 63

230 10 6
                                        

Lorraine's POV

Habang nag uusap si Andrea at Christian nakatingin lang ako kay Andrea, gusto kong putulin na yung usapan nila pero hindi ko magawa, alam kong hindi komportable si Andrea na kausapin si Christian pero nagagawa nya pa din magpanggap na ayos lang na kausapin nya si Christian. "Good job baby." Sabi ko sa isip ko.

"Pwede kang pumasok sa company namin anytime tutal nakapagtapos ka naman at related naman sa business ang course mo." Sabi ni Christian at tumingin sya sa akin sabay hawak sa kamay ko. "Diba love?"


"Yeah, tama sya." Sabi ko habang nakatingin kay Andrea at nakatingin naman si Andrea sa kamay ko na hawak ni Christian.



"Talaga po?" Masayang tanong ni Andrea, I know nagpapanggap din sya pero hindi ko hahayaang makapasok si Andrea sa company namin dahil alam kong may malaking binabalak itong si Christian.


"Yes." Sabi ni Christian.



Hindi ako makapagfocus sa pagkain dahil sa pag-uusap ni Christian at Andrea idagdag pa na nasa labas si Alexander at nagbabantay.



"Excuse me, magrestroom muna ako." Sabi ko at tumayo ako.



Hindi naman talaga ako pupunta sa restroom kundi sa labas dahil pupuntahan ko si Alexander, dumaan ako sa fire exit para hindi ako mapansin nila Christian na lumabas ako, pagdating ko sa labas ay agad kong pinuntahan si Alexander sa kotse nya pero laking gulat ko ng may humila sa akin.




"My gosh Alex!" Inis na sabi ko. "Papatayin mo ba ako sa gulat!"



"Ang cute mo." Sabi nya.



"I hate you!"


"But I love you." Sabi nya sabay nakaw ng halik.


"Magnanakaw." Sabi ko sabay tawa.



"I know you like it." Bulong nya.


Tumawa naman ako sabay sabing "Hey ang landi mo."



"Sayo lang naman ako malandi." Sabi nya sabay kindat kaya naman hinampas ko na sya.


"I know." Sabi ko.


"So kamusta ang dinner nyo?" Tanong nya.



"Ayos lang naman, kinakabahan lang ako kasi gustong pumasok ni Andrea sa company."


"What? wala sa usapan yon diba."


"Oo pero matagal na nyang balak pumasok sa company." Sabi ko.


"Kakausapin ko sya." Sabi ni Alexander.



"Alex kakausapin ha hindi papagalitan." Sabi ko.


"Yes Ma'am!" Sabi nya kaya naman napatawa ako kasi tinawag nya akong Ma'am.



"Inaayos ko na nga pala yung papers ni Cassandra, baka sa mga susunod na araw makalabas na sya." Sabi ko.


"Nasabi mo na ba kay Christian?" Tanong nya.


"Hindi pa, maigi na yung malaman nya kapag nakaalis na si Cassandra."


"Ok, ipapahanda ko na yung bahay ko sa Pangasian at doon ko muna sila patutuluyin, sila Vicente at Isabel muna ang bahala sa mga anak natin habang wala pa tayo."


"What? May bahay ka sa Pangasinan?" Tanong ko.


"Yes, doon ako namalagi ng ilang taon, dont worry makakarating ka din doon." Sabi nya.


"I think kailangan ko ng bumalik sa loob, tumatawag na si Andrea." Sabi ko.


"Yung fake?"


"No, yung totoong anak natin." Sabi ko.


"Ok go ahead mag-iingat ka."


"Yes, ikaw din! I love you."




"I love you too." Niyakap ko sya bago ako tuluyang umalis.


Pagpasok ko ng restaurant ay dumiretso agad ako sa table namin, hindi ko na naabutan si Andrea sa table namin. "Ang tagal mo." Sabi ni Christian.


"Madami kasing tao sa CR." Sabi ko.


"Ganon ba, anyway si Andrea may kinukuha lang sa office nya." Sabi ni Christian.


"Ah." Sagot ko.


After 2 minutes ay bumalik na din si Andrea dala dala ang picture frame.


"Sila po ang pamilya ko." Sabi ni Andrea. " Ito po si Nanay Isabel, si Tatay Vicente at Louise." Pagpapakilala ni Andrea sa mga nagpalaki sakanya.


"Kamukha ni Louise ang Nanay mo." Sabi ni Christian at ngumiti lang si Andrea. "Familiar ang Nanay mo or may kahawig lang." Seryosong sabi ni Christian.


"Baka naman nakasama mo na sya sa isang event kaya nasabi mong familiar." Singit ko.



"No, basta may kahawig sya." Sabi nya, alam ko kung sino ang tinutukoy nya si Alexander yon at wala ng iba.


"Baka tama po si Ma'am Lorraine, siguro nga po sa isang event nyo sya nakita." Sabi ni Andrea.




Kung ano man ang balak ni Christian aalamin ko agad ito at di ko hahayaang may mangyari na naman sa mga anak ko at kay Alexander.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon