Andrea's POV
Mag-iisang linggo na kami ni Louise dito sa La Union at habang tumatagal kami dito ay nakakalimutan ko na yung mga problemang kinasangkutan ko noong mga nakakaraan.
After kong mabuksan yung box na iniabot sa akin ni Tatay Vicente noong nakaraang nag-usap usap kami sa basement ay parang puzzle ang lahat ng nangyayari sa amin na tila ba ay pinagdudugsong dugsong ko ngayon.
Pagbukas ko ng box last time binasa ko lahat ang mga letter na nasa loob ng box, lahat ng letter ay galing kay Papa, may flashdrive din na laman ang box kaya sinalpak ko ito sa TV ko dahil may note nakadikip sa flashdrive na panoodin ko daw ang laman nito. Nasa maayos na kalagayan si Papa kaya nakahinga na ako ng maluwag. Noong pinanood ko yung laman ng flashdrive doon na nagsilabasan ang mga luha ko, masaya akong malaman na buhay si Papa at hindi din magtatagal ay makakasama namin sya ng panghabang buhay. Napaka laki ng pinagbago ni Papa dahil mula sa maliit na pangangatawan nya dati ngayon namin ay napaka laki na ng katawan nya, malayong malayo sa dating nakasanayan ko.
Naalala ko yung sinabi ni Papa na sana mapatawad ko sya sa pagtatago nya ng katotohanan, ginawa nya lang naman daw yon dahil para sa kaligtasan namin. Hindi ako galit kay Papa dahil ginawa nya naman yon para sa kapakanan naming magkapatid, ang hindi ko lang talaga matanggap ay yung hindi kami makilala ni Mama.
"Ate let's go! sayang ang oras." Sabi ni Louise.
Ngayong araw nga pala kami pupunta sa address na nakasulat don sa isa sa mga letter na ipinadala sa akin ni Papa.
Sabi sa letter puntahan daw namin yung address na yon kapag handa na daw kami dahil palagi naman kaming handa ngayon na namin ito pupuntahan. Hindi ko alam kung bakit may halong kaba akong nararamdaman. Sana sa pagpunta namin sa binigay ni Papa na address na yon nandon sya, sana si Papa ang madatnan namin doon.
"Ate!" Sigaw ni Louise Kaya bumaba na ako sa salas. "Napakabagal mo talaga Ate!"
"Nay oh si Louise hindi na ako nirerespeto!" Sabi ko.
"Lulu anong sinabi ko sayo?"
"Respetuhin po ang nakakatanda, eh kasi naman po napakabagal kumilos ni Ate,nauna na nga syang gumising pero nauna pa din akong matapos sa kanya."
"Alam nyo mahuhuli kayo sa lakad nyo." Sabi ni Tatay.
"Louise Ann halikana at baka matraffic tayo."Sabi ko at sumunod naman sya. Inihatid kami ni Nanay at Tatay sa labas ng bahay namin.
"Andeng mag-iingat sa pagmamaneho ok? Magtext kayo kapag nakarating na kayo sa address na binigay ng Papa mo. Louise wag pasaway sa Ate Andeng ha! May nilagay pala akong mga pagkain sa likod kapag nagutom kayo kainin nyo yon." Sabi ni Nanay.
"Opo Inay!" Sabi ni Louise.
"Inay sigurado po bang hindi ka talaga sasama? I mean si Papa yung pupuntahan namin sure kaba talagang ayaw mong sumama?"
"Nako anak sa susunod nalang isa pa magbobonding kayong tatlo at ngayon lang ulit kayo magkikita kita, nakakausap ko naman ang Papa nyo kaya ayos lang na sa susunod na mga araw nalang ako makikipagkita sa kanya." Masayang sabi ni Nanay.
"Sige po Inay aalis na po kami! Mag-iingat din po kayo ni Tatay! Sana po pagbalik namin may kapatid na kami!" Masayang sabi ko at nagtawanan naman silang dalawa ni Tatay.
Lumabas na kami sa aming munting farm at bumyahe na kami patungo sa Pangasinan.
"Ate excited na akong makita ulit si Papa." Sabi ni Louise.
"Ako din naman." Sabi ko.
"Ate mga ilang araw tayo maglalagi sa bahay ni Papa?"
"Mga two days lang siguro, basta depende." Sabi ko.
Nagpatuloy lang kaming dalawa ni Louise sa pagbyahe hangang sa lumipas ang dalawang oras ay nakarating na din kami sa address na ibinigay ni Papa. Isang napaka simpleng bahay na malapit sa dagat. Kaya pala nagbago ang kulay ni Papa ay dahil nakatira sya malapit sa dagat.
"Ate tara na pasok na tayo." Sabi ni Louise.
"Ok." Sabi ko.
Pagbaba namin ni Louise ay agad kaming nagdoorbell, mga tatlong beses kaming nagdoorbell tsaka lang mas lumabas na lalaki. "Magandang tanghali po ano pong sadya nyo?" tanong ng lalaki.
"Manong magandang tanghali po itatanong ko lang po sana kung dito po ba nakatira si Alexander Guevarra?" Tanong ko.
"Ano pong kailangan nyo kay sir Alexander?"
"Papa po namin sya." Singit ni Louise kaya sinita ko sya. "Louise!" Sabi ko. "Sorry Ate excited lang talaga akong makita si Papa."
"Teka lang po tatawagin ko lang po sya." Sabi nung lalaki at iniwanan na nya kami, ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik din yung lalaki at sinabing. "Ma'am pasok na po kayo." Pinagbuksan nya kami ng gate at pumasok kami ni Louise.
"Ma'am sundan nyo nalamang po ako." Sabi nung lalaki kaya naman sinundan nalang namin sya.
May kalakihan din itong lupa na kinatitirikan ng bahay ni Papa, may garden at swimming plus may magandang view pa ng dagat.
"Ma'am dito nyo nalang po hintayin si sir Alex."
"Thank you po." Sabi ko.
Habang naghihintay kami ni Louise dito sa may terrace ng bahay ni Papa napansin ko yung isang malaking portrait na nakasabit sa loob ng bahay kaya naman pumasok na ako sa loob at iniwan ko muna si Louise sa terrace. Kami yon noong buo pa kami, mabuti nalang at may kopya si Papa ng family picture namin.
"Ate diba sabi nung lalaki sa labas lang tayo bakit kapumasok?" Sabi ni Louise.
"Bahay naman ito ni Papa kaya ayos lang yon, tignan mo ito Louise." Kinuha ko yung picture naming dalawa noong bata pa kami. "Ito yung kuha ni Mama bago ka maaksidente noon, I mean bago ka magkasugat sa likod noon."
"Mga anak." Napalingon kaming dalawa ni Louise ng bigla kaming tawagin ni Papa.
Tumakbo agad si Louise papunta kay Papa upang yakapin ito ng mahigpit, pakiramdam ko nasa isang panaginip ako ng makuta ko si Papa, mahigit sampung taong kaming hindi nagkita kaya naninibago ako. Basta ang alam ko masaya ako na kasama na ulit namin si Papa.
BINABASA MO ANG
We Met Again
Hayran KurguSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...