Lorraine's POV
Nagtaxi ako papunta sa hospital dahil kukunin ko yung sasakyan ko sa paraking area, bago ko kunin ang sasakyan ko ay dumaan muna ako kay Cassandra. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Cassandra nakasalubong ko yung personal nurse ni Cassandra.
"Magandang hapon po Mrs. Zamora!"
"Magandang hapon din sayo, kamusta si Cassandra?" Tanong ko.
"May imporvement po kay Cassandra, nakakapagsalita na po sya ng bahagya at nakakapagsulat na din po ng maayos." Sabi nya.
"Ah ganon ba, sige mauna na ako salamat." Sabi ko at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko papunta sa kwarto ni Cassandra.
Pagdating ko sa kwarto ni Cassandra naabutan ko syang nagsusulat. "Hi Baby!" Bati ko at ngumiti lang sya sa akin.
Inilapag ko ang gamit ko sa sofa bago ako lumapit ng tuluyan kay Cassandra. "Anak may sasabihin si Mommy sayo." Sabi ko.
"First of all gusto ko munang magsorry sayo anak dahil sa pagtatago ko sayo ng katotohanan, anak hindi ka talaga totoong adopted, galing ka talaga sa akin at si Andrea and Louise mga ate mo sila at ikaw ang bunso namin. Ang daddy mo naman ay si Alexander." Sabi ko at nakita ko naman ang gulat sa mga mata no Cassandra,
"Anak sorry kung kinailangan ni Mommy itago sayo ang lahat gusto ko lang iparamdam sayo na may tatay ka pero nagkamali ako dahil sinaktan ka nya, dadalhin kita sa La Union kasama ang Ate Louise mo doon safe kayo kasama si Isabel at Vicente."
"M--mom." Utal na sabi ni Cassandra habang umiiyak.
"Shhh I know mahirap paniwalaan pero anak talaga kita, anak ka namin ni Alexander at si Andrea at Louise mga kapatid mo sila."
"Mm--om I lo--ve you."
"I love you too anak, basta magpromise ka kay Mommy na walang ibang makakaalam na anak kita." Tumango lang sya bilang sagot.
"Kailangan na ni Mommy umalis, babalik si Mommy bukas at aasikasuhin ko yung papers mo."
Niyakap ko sya ng mahigpit bago ako tuluyang lumabas ng kwarto nya, humanada ka Christian simula palang ito ngpagbangon namin, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat.
Pagdating ko sa parking lot ay pinuntahan ko agad ang kotse ko at nagtungo na ako sa restaurant ni Andrea na tunay kong anak.
After 15 minutes ay nakarating agad ako sa restaurant nagmessage ako kay Christian na nasa labas na ako ng restaurant at sumagot naman agad sya at sinabing papunta na daw sila ni Ericka samantalang si Anthony ay malapit na daw dito sa restaurant kaya naman pumasok agad ako para makita ang anak ko, I know kanina lang kami nagkita pero gusto ko ulit syang makasama.
"Hi! Nasaan si Andrea?" Tanong ko sa isa sa mga staff ng restaurant.
"Nasa kitchen po." Sabi nung lalaki na sa tingin ko ay kaedad ni Louise
"Pwede bang pakitawag, paki sabi nandito si Lorraine."
"Sige po Ma'am." Sabi nung binatilyo.
Ilang segundo lang ay lumabas na ng kitchen si Andrea at kinawayan ko sya, mabilis itong lumapit sa akin at sinabing. "Ma doon po tayo sa office." At sumunod ako sakanya.
Pagpasok namin ng office nya at nilock ko yung pinto at niyakap ko sya. "I miss you anak." Bulok ko.
"I miss you too Mama." Sabi ni Andrea at ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya.
"My gosh kanina lang tayo mag kasama anak pero miss na miss na kita agad."
Naramdaman ko namang tumawa sta ng bahagya at sinabing "Mahal na mahal kita Mama."
"Mas mahal na mahal kita anak." Sabi ko at hindi pa din kami bumibitaw sa pagkakayakap.
"Ma pwede bang ganito nalang tayo palagi?" Mahinang tanong nya.
"Kapag nakakulong na si Christian araw araw natin itong gagawin anak." Sabi ko.
"Mama Thank you."
"Thank you for?" Tanong ko dahil ako dapat ang nagsasabi non.
"Thank you dahil ikaw yung naging nanay ko."
"Anak ako dapat ang magthank you sayo,sa dami ng pananakit ko sainyo lalo na sayo nagawa mo pa din akong patawarin."
"Dahil ikaw ang nanay ko at wala akong karapatan na magtanim ng sama ng loob Mama." Sabi nya at humiwalay na sya ng pagkakayakap sa akin at ganon din ako.
Hinawakan ko ang mukha ni Andrea at dinikit ko ang ilong ko sa ilong nya. "Anak kahit na anong mangyari mahal na mahal kita, salamat dahil napatawad mo agad ako."
"Ma kung papipiliin ako ng magulang sa kabilang buhay, kayo pa din ni Papa ang pipiliin ko dahil the best kayong magulang."
"I love you."
"I love you too Mama." Sabi nya at niyakap nya ulit ako.
Bakit ganon parang ayoko ng humiwalay sa anak ko, gusto ko na syang makasama ayoko ng magtago pero kailangan kong gawin yon para sa kapakanan naming mag iina.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanficSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...