Lorraine's POV
Last night was the best night for me dahil nakabonding ko ang anak ko at ngayon ko lang sya nakitang ganon kasaya, dumagdag pa sa kasiyahan ng anak ko si Louise, nakakatuwa silang dalawa last night dahil naglaro sila ng racing. Tuwang tuwa si Cassandra dahil ngayon lang daw sya nakaranas magkaroon ng kalaro.
Masaya ako na masaya din ang aking anak na si Cassandra. Sayang lang kung nabubuhay yung dalawa kong anak na si Andrea at Louise. Siguro kung nandito silang dalawa mas masaya ang bahay namin. Kapangalan ni Louise ang isa kong anak kaya inakala kong sya yon pero alam ko namang imposible dahil patay na sila.
Ngayong araw dadalawin ko sila sa Centennial Garden na malapit sa dati naming bahay. Ten years ng patay ang mga anak ko at ang dati kong asawa na si Alexander. Miss na miss ko na sila sa totoo lang, kahit ilang taon na ang nakalipas hindi ko pa din sila malimutan dahil maal na mahal ko sila higit pa sa inaakala nila.
Siguro kung nandito sila ngayon sa tabi ko hindi ko mararamdaman itong sakit na nararamdaman ko ngayon.
After 16 minutes ay nakarating na din ako sa Centinnial Garden, kinuha ko yung bulaklak sa likod ng sasakyan ko at nagtungo na ako sa puntod ng asawa at ng mga anak ko.
"Hi! I miss you so much!" Mahinang sabi ko. "Sana hindi nalang ako umalis noon, pasensya na kung naging makasarili si Mama. Sorry kung ako yung naging dahilan ng pagkakaaksidente nyo, kung hindi lang sana ako umalis that time hindi din kayo aalis ng bahay at pupunta sa Nueva Vizcaya. Sana nandito kayo sa tabi ko ngayon. Siguro ang laki laki nyo ng dalawa Andrea at Louise, hindi ko man lang nasaksihan ang pagdadalaga nyong dalawa. Pwede bang dalawain nyo ako sa panaginip, kahit ayon lang ang iregalo nyo sa akin ngayong pasko masaya na ako. Mahal na mahal ko kayo."
After kong mag-alay ng dasal sa mag-aama ko ay nagtungo na ako sa school nila Cassandra. Halos 30 minutes na ako dito sa labas ng school nila at kanina pa naglalabasan ang mga studyante kaya nagdecide akong pumasok na sa campus nila.
Naghanap ako ng pwedeng pagpaparkingan at kapag nga naman sinuswerte ako nakahanap ako ng maganda spot. Pagbaba ko sa kotse ko ay may sumalubong sa akin na isang babae at sa tingin ko principal ito.
"Hi Mrs Zamora! Finally nakita na din kita sa personal."
"Good afternoon po Ms?"
"Ms. Alvarez." Sabi nya at nakipag shake hands sya sa akin.
"Pasensya na ngayon lang ulit ako nakabalik dito, last time na nagpunta ako dito si Mrs. Lorenzo pa ang principal."
"Ahmmmm ano po palang maipaglilingkod ko sayo Mrs Zamora?"
"Susundiun ko lang sana si Cassandra at si Louise."
"Nasa gymnasium po sila nagtetraining, malapit na po kasi ang tournament kaya puspusan ang training nila ngayon, kung may lakad po kayo ng mga bata pwede nyo naman po silang isama na basta magpaalam nalang po kayo kay Mr. Dorado."
"Thank you Ms. Alvarez, I have to go." Sabi ko at nagtungo na ako sa gymnasium nila, naabutan kong naglalaro si Louise at si Cassandra naman ay Nagpapahinga sa gilid.
Agad naman akong napansin ni Cassandra at lumapit ito sa akin. "Mom what are you doing here?"
"Sinusundo ko lang kayo ni Louise." Sabi ko.
"Wow." Sabi nya at kitang kita ko naman yung saya sa mukha nya.
"Come here pupunasan ko yung likod mo, pawis na pawis ka." Sabi ko at iniabot nya naman yung towel sa akin.
"5 minutes water break!" Sigaw ng coach nila, napansin din naman agad ako ni Louise kaya lumapit sya sa akin.
"Hi Tita!" Bati nya.
"Hi! Come here punasan ko yung likod mo."
"Thank you Tita pero kaya ko na po." Magalang na sabi nya.
"Ok, hmmm what do you want for dinner?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Mom sa restaurant nalang tayo nila Louise kumain." Sabi ni Cassandra.
"May Restaurant kayo?" Tanong ko kay Cassandra.
"Sa parents po namin yon." Sabi nya.
"Ayos lang ba kung doon tayo magdinner mamaya?" Tanong ko.
"Ayos lang po sana kaso sarado po sya ngayon."
"Kung ganon ipagluluto ko nalang kayo."
"Sige po/ Sige Mommy!" Sabay nilang sabi.
Matagal din akong naghintay sa dalawang bata at after nilang magtraining ay umuwi din agad kami. Magaling din palang maglaro si Louise ng volleyball siguro magagaling din ang parents nya.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...