Lorraine's POV
Maaga kaming gumising ni Andrea dahil kailangan namin magprepare ng breakfast, oo ako na ang hindi masyadong maalam pagdating sa kusina, maswerte lang talaga ako dahil may Andrea ako na sobrang magaling magluto.
"Ma tara na po sa kitchen." Sabi ni Andrea sa akin habang hawak ang kamay ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ako kaswerte sa kabila ng nagawa ko sa pamilya ko.
"Mama?" Malambing na tawag sa akin ni Andrea.
"Yes anak?"
"Ano pong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Andrea.
"Pancake and Bacon nalang." Sabi ko. Umikot ako sa likod ni Andrea para kunin yung lagayan ng chocolate powder, gusto ko syang ipagtimpla ulit ng hot choco dahil noong mga bata pa sila ni Louise lagi ko itong ginagawa sa kanila.
"Ma anong ginagawa mo?"
"Ipinagtitimpla kita ng hot choco." Sabi ko.
"Ma ako na ang gagawa nyan umupo ka nalang muna sa harap ko." Sabi nya pero di ko sinunod.
"Anak minsan nalang nga kita maipagtimpla tapos pipigilan mo pa ako." Sabi ko.
"Sige na nga po." Sabi nya sa akin sabay smile.
Habang nagtitimpla ako ng hot choco ni Andrea bigla kaming nakarinig ng yabag at sign na si Alexander yon kaya bumalik na kami sa ginagawa namin parehas ni Andrea. Pinagtimpla ko na din ng coffee si Alexander dahil dumiretso sya sa mini office nya na malapit sa salas.
"Anak dalhin ko lang to sa Papa mo." Sabi ko kay Andrea at tumango lamang sya sa akin.
Habang naglalakad ako papunta sa office ni Alenxander naririnig ko syang may kausap sa laptop nya hindi ko alam bat parang may humila sa akin na pakinggan yung pinag-uusapan nila.
"Angelo wag kana umiyak magkikita pa naman tayo eh, diba sabi ko naman sayo babalikan kita may inaayos lang ako dito. Kapag naayos ko na yung mga dapat kong ayusin dito kukunin kita." Problemadong sabi ni Alexander.
"Pero ang tagal mo, ayokong sila Nana ang nagbabantay sa akin gusto ko ikaw." Sabi nung bata.
Angelo? sino yon? May anak na ba si Alexander sa iba.
"Alex?" Tawag ko sa kanya at napatingin naman sya agad sa akin.
"Babe kanina kapa ba nandyan?" Tanong nya sa akin.
"Hindi naman." Pagsisinungaling ko.
"Come here may ipapakilala ako sayo." Sabi nya
"Sino? anak mo?" Tanong ko.
"What?" Inis na sabi ni Alexander."Nagseselos kaba?" Tanong nya.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...