Chapter 33

170 8 2
                                        


Andrea's POV

Sa pagkakatanda ko natulog ako kagabi sa sofa at hindi dito sa kama ko na malambot, nakakapagtaka lang kung paano ako napunta dito, nag sleep walking ba ako? Pero malabo mangyari yon dahil............ "Anak gising kana pala?" 



"Wait nasa panaginip ba ako?" Mahinang sabi ko.



"Wala ka sa panaginip anak, totoo ang lahat." Nakangiting sabi ni Papa. "Good Morning." Pahabol ni Papa

"Good morning din po! Pa pakikurot nga po ako." Sabi ko at lumapit sya sa akin para kurutin ang pisngi ko.

"Aray!" Sigaw ko. 

"See, wala ka sa panaginip." Sabi ni Papa.



"Paano ka nakapunta dito Pa?" Tanong ko.



"Malamang sumakay ako sa kotse." Pilosopong sabi ni Papa.

"I mean bakit pala nandito ka?" Tanong ko.



"Yung kapatid mo kasi nag-ayang pumunta dito." 



"Nasaan po si Louise?" Tanong ko ulit.

"Nasa kwarto nya, alam mo tama na ang tanong kumain kana. pinagluto kita ng pancake." Sabi ni Papa kaya nagulat ako.



"Marunong kana magluto Pa?" 

"Oo naman." Proud na sabi nya.



"Wow bago yon ah." Sabi ko.



"Halikana at lalamig yung pagkain mo." Sabi ni Papa at hinawakan nya na yung wrist ko.



"Papa ipasan mo ako please." Sabi ko with puppy eyes.

"Anak ang laki laki mo na papasan kapa sa akin? Hayyys sige na nga." Sabi nya.



Umakyat ako sa kama ko para makasampa ng maayos sa likod ni Papa. "Anak ang bigat bigat mo na, parang dati lang kasing bigat mo yung dati nating aso." Biro ni Papa.



"Si Papa talaga ikinumpara pa ako sa aso." Nakangusong sabi ko.



Nagpunta na kami sa kitchen at bumaba na ako mula sa likod ni Papa.

"Pa bakit ka nga pala sumama dito? Handa kana po ba na harapin sila?" Tanong ko. 

"Dahil gusto kong malamn kung ano ang status nyo dito, at oo handa na akong harapin sila."

"Tha's my Papa!" Sabi ko sabay hug.

"Kumain kana baka malate ka sa Resto marami pa namang nag-aanaty sayo doon."



"Ok lang po na malate ako Pa." Sabi ko sabay tawa.



"Anak hindi porket ikaw ang boss pwede kanang malate, dapat ikaw ang tinutularan ng mga staff mo kaya dapat maaga kang pumapasok." Sabi ni Papa.



"Ok po!" Sagot ko at nagsimula na akong kumain. "Pa masarap itong luto mo, anong tawag mo dito? ilalagay natin ito sa menu ng resto." Sabi ko.



"Chocolate Marble Pancake lang yan anak huwag mo ng ilagay yan sa menu."



"Pero Papa masarap po sya promise, ipapatikim ko ito kay Gracemagbabaon po ako neto Pa." Sabi ko.



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon