Chapter 64

194 9 1
                                    

Alexander's POV


Tatlong araw ang lumipas magmula ng magkita kami ni Lorraine sa restaurant at ngayong araw magkikita kami ni Lorraine at Cassandra sa expressway dahil ihahatid namin si Cassandra sa Pangasinan. Nauna na sa samin si Andrea dahil sya ang mag-aayos ng kwarto ni Cassandra, si Louise naman ay papunta na din sa Pangasinan.


After 30 minutes na paghihintay dumating na din ang ambulansya na nagsakay sa mag-ina ko, mabuti nalang talaga at naniwala si Chrisitian sa mga dahilan ni Lorraine. "Hey." Sabi ni Lorraine habang kumakatok sa pintuan ng kotse ko kaya naman agad akong lumabas upang alalayan si Cassandra sa pagpasok sa kotse ko.


"Hi Baby!" Bati ko kay Cassandra. "Ako ang Papa mo." dagdag ko sabay yakap at gumanti din sya ng yakap sa akin.


"Let's go?" Sabi ni Lorraine.


"Sure." Sagot ko at inayos ko ang seatbealt ni Cassandra.


Habang nasa byahe kami ay magkahawak ang kamay namin ni Lorraine. "Thank you." Sabi nya sa akin habang nakatingin sya sa labas.


"Thank you for what?" Tanong ko.


"Sa lahat." Sabi nya sabay ngiti sa akin.


"Hindi mo kailangan magpasalamat, asawa pa din kita sa kabila ng lahat." Sabi ko.


"About pala sa amin ni Christian, magpafile ako ng annulment." Sabi nya kaya ngumiti ako at di na muling nagsalita. 



"Anak ayos kalang ba jan?" Tanong ni Lorraine kat Cassandra.

"Yes mommy." Mahinang sabi ni Cassandra, mabuti nalang talaga at bumibilis ang paggaling ni Cassandra, araw araw may pagbabago sa kanya.


"Pa?"

"Hmmm?" Tugon ko.

"Ang mga Ate po ba nasa bahay nyo na?"


"Yes anak, si Andrea kagabi pa dumating sa Pangasinan at si Louise naman papunta na doon ngayon." Sabi ko.




"Babe yung phone ni Cassandra hindi ko pa din nakikita." Sabi ni Lorraine sa akin.


"It's ok." Sabi ko.


"Mommy, Papa?" 



"Yes anak?" Tugon ni Lorraine kay Cassandra.


"I heard everything." Sabi nya kaya inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.



"Ano ang narinig mo anak?  Sabihin mo sa amin ng Mommy mo wag kang matakot." Sabi ko.



"Pinapatay nya kayo nila Ate, sya ang dahilan kung bakit kayo naaksidente. Planado daw ang lahat Papa, ang paglipad ni Mommy papunta sa States sya ang may gawa non, ginawa nya yon para mag-away kayo ni Mommy at para na din maghiwalay kayo. Noong nagtagumpay sya pinlano nyang patayin kayo Papa, sya ang may kasalanan ng lahat." Umiiyak na sabi ni Cassandra. "Yung phone ko nandon ang lahat Mommy may video ako doon kung saan may kausap sya sa phone, kaya nya ako nahuli dahil natabig ko yung vase dahilan para mabasag ito at mahuli ako ni Daddy, sinubukan kong tumakbo pero naabutan ako ni Daddy, nakita nya yung phone ko na nakaopen ang Camera kaya pilit nyang kinukuha ito pero pilit din akong nagpupumiglas para makawala hanggang sa umabot kami sa hagdan, ayaw nya pa din akong bitawan Mommy hanggang sa tinulak nya ako at mawalan ng malay. Mommy yung phone  ko nandoon lahat." Patuloy pa din na umiiyak si Cassandra.


"Shhhh don't cry na anak, mahuhuli din si Christian hindi ka na nya masasaktan pang muli, sa bahay ko safe kayo walang mananakit sainyo doon." Sabi ko.


"Papa what if makita nya kami? baka hindi lang ako ang saktan nya pati na din sila Ate at kayo ni Mommy." Sabi nya.



"Hindi na mangyayari yon anak, basta pinapangako ni Papa hindi na nya kayo muling malalapitan."


Sisiguraduhin ko na hindi lang sa kulungan babagsak yang si Christian pati na din sa impyerno, ipaparanas ko sakanya yung hirap na naranasan ko noon.


"Babe lets go?"


Pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko at nagpatuloy nalang kami sa aming pagbyahe patungo sa Pangasinan. After 5 hours ay nakarating din kami sa aming bahay at sinalubong kami ni Louise, Andrea, Isabel at Vicente.


"Welcome Home!" Ayan ang nakasulat sa banner na dala ni Louise.


Pagbaba namin ng sasakyan ay sinalubong agad kami ni Andrea. "Hi Ma! Hi Pa!" Bati nya at niyakap nya kami. "Si Cassandra po?" Tanong ni Louise.


"Nasa loob ng sasakyan anak." Sabi ni Lorraine at tumakbo naman si Louise patungo sa passenger seat kaya nagkatinginan kami ni Lorraine. "Well mukhang di na sila mahihirapan mag-adjust." Sabi ko.


Inalalayan ni Louise si Cassandra na maglakad, si Andrea naman nakangiti lang  habang pinapanood ang kanyang mga kapatid. "Ang ganda nilang tignan." Sabi ni Andrea at niyakap namin sya ng Mama nya.



"Anak ikaw ang punot dulo ng lahat, ikaw ang dahilan kung bakit tayo nabuo ulit. Salamat at hindi ka sumuko, mahal na mahal ka namin." Sabi ni Lorraine at ngumiti nalang si Andrea.


We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon