Chapter 56

258 12 8
                                    

Louise POV


Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni Ate na nandito si Mama sa bahay namin, noong sinabi ni Ate na nandito si Mama parang nabingi ako dahil baka namali lang ako ng dinig kaya pinaulit ko kay Ate, ngayon andito ako sa hagdanan at dahan dahang umaakyat papunta sa kwarto ni Papa.



Baka hindi ako matanggap ni Mama dahil sa nasabi ko sa kanya kahapon pero sana matanggap nya ako, nabigla lang naman ako kahapon kasi sinaktan nya si Ate pero sana talaga di sya galit sa akin.



Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Papa ay hindi na ako kumatok dahil binuksan ko agad ang pinto at laking gulat ko ng makita ko si Papa na nasa ibabaw ni Mama. "Oh my gosh! I'm so sorry!" Sigaw ko dahil sa sobrang gulat.



Naitulak naman ni Mama si Papa at kitang kita ko ang lamumula ng pisngi ni Mama. "Bakit hindi kasi kayo naglalock ng pinto! My gosh Ma! Pa!" Inis na sabi ko.



"Bakit hindi ka kasi kumakatok!" Nakangising sabi ni Papa.




Si Mama nakatingin pa din sa akin kaya naman umiiwas ako ng tingin kasi ako yung nahihiya sa ginagawa nila kanina, my gosh yung virgin eyes ko.



"Let's eat na po." Sabi ko at tumalikod na ako.



"Ann." Malambing na tawag ni Mama.



"P----po?" Utal na sabi ko dahil kinakabahan ako.


"Come here, ayusin natin ang hair mo." Sabi ni Mama.



"Maiwan ko muna kayo tutulungan ko muna si Andrea sa kitchen." Sabi ni Papa at tuluyan na syang lumabas ng kwarto.



Lumapit ako kay Mama at sinabi nyang, "Sorry."


Sinusuklayan ni Mama ang buhok ko habang humihingi sya sa akin ng tawad. "Alam mo sobra akong nangulila sainyo ng Ate mo pati ng Pala mo. Araw araw kong pinagdarasal na sana makasama ko din kayo kahit sa panaginip lang pero wala eh, kaya naman pala hindi kayo nagpapakita sa panaginip ko kasi buhay kayo."



Nakikinig lang ako kay Mama habang inaayos nya ang
buhok ko.



"Alam mo noong una kitang nakita sa bahay namin iba yung naramdaman ko, naaalala mo pa ba yung tinanong kita kung bakit ka may peklat sa likod?"


"Opo."



"Ikaw pala yung anak ko kaso walang chance na makilala kita agad dahil parang pinaglalayo talaga tayo ng tadhana." Sabi ni Mama.



After nyang maayos ang buhok ko humarap ako sa kanya. "Ma, sorry din sa masasakit na salita na nasabi ko, sorry dahil wala akong alam noon. Mahal na mahal kita Mama."



"Mahal na mahal din kita anak." Sabi ni Mama at kiniss nya ako sa lips. Yes sa lips dahil ganon kami noong mga bata pa kami.


"Naaalala mo pa po pala yon." Sabi ko.


"Oo naman anak, ginagawa ko din yan kay Cassandra kaya imposibleng makalimutan ko yon."


Speaking of Cassandra gusto kong tanungin si Mama about don sa sinasabi sa akin ni Ate dati.



"Ma tanong lang po, adopted po ba talaga si Cassandra?"  Tanong ko.


Ngumiti sa akin si Mama sabay sabing "No."

"Po? What do you mean Mama?" Naguguluhang tanong ko.




"Anak hindi ko alam kung maiintindihan mo basta hindi adopted si Cassandra dahil kapatid mo sya."

"Ang ibig mo pong sabihin anak sya ni Papa at kapatid namin sya ni Ate Andrea? Pero naguguluhan po ako bakit sabi ni Cassandra adopted sya samantalang anak mo naman po pala sya."

"Hindi mo na kailangan malaman pa ang dahilan anak, tara na puntahan na natin ang Papa at Ate mo."

Pero paano si Cassandra baka saktan ulit sya nung Christian na yon. "Ma bakit hindi mo muna iuwi dito si Cassandra?"

"Anak kailangan ko pang pag isipan ng maigi kung anong gagawin ko nag usap naman na kami ng Papa mo tungkol kau Cassandra."




"Ma ang ibig sabihin po ba si Cassandra ang bunsi at hindi ako?"


"Yes anak pero hindi ibig sabihin non nabawasan na yung pagmamahal ko sayo, pantay pantay ang pagmamahal na ininibigay ko sainyo anak kahit noong mga panahong nawala kayo." Sabi ni Mama.



"Ma, thank you." Sabi ko at niyakap ko sya.

"Anak ako dapat ang pagmasalamat sayo kasi tinanggap mo ulit ako kahit nasaktan kita ng ilang beses."


"Basta Mama mahal na mahal po kita." Sabi ko at niyakap ko sya ng napaka higpit.

"Tara na anak baka naghihintay na sila." Sabay kaming nagpunta ni Mama sa kitchen at naabutan namin sila na naghahain na.


Sana ganito pa din kami bukas pero pakiramdam ko hindi dahil kailangan ni Mama na umuwi sa bahay nila.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon