Andrea's POV
Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko si Papa naman ay nagluluto ng paborito kong Caldereta, halos kakauwi nya lang galing sa supermarket si Louise naman ay naonood ng movie sa sala naman, wala talaga akong maaasahan sa kapatid ko kasi hindi nya ako tinutulungan, baby pa din talaga sya. "Anak mag-iingat sa doon madaming limatik doon, kaya dapat madami kang baon na pants at long sleeves." Sabi ni Papa.
"Papa ano po yung limatik?" Tanong ni Louise.
"GMT mo Louise." Sabi ko sabay tawa at binigyan nya lang ako ng masamang tingin kaya nagpeace sign nalang ako.
"Limatik is yung uod na dumidikit sa katawan mo kapag naakyat ka ng bundok parang linta sila ganon. Madaming ganon sa Makiling." Sabi ni Papa.
Tumawa lang ako dahil napaka inosente pa din ni Louise. Hindi namin sinabi ni Louise kay Papa yung nangyari sa amin nung nakaraan, ayokong dumagdag pa sa isipin ni Papa yung nangyari sa amin ni Louise mas maigi pang itago nalang namin yung nangyari sa amin.
"Anak seryoso ba yung 3 days na wala ka?" Tanong ni Papa.
"Eh sana nga po biro lang yon, mamimiss ko po kayong dalawa ni Louise. Babalik na po ba kayo sa Pangasinan?" Tanong ko.
"Oo anak babalik muna kami diba doon naman tayo magcecelebrate ng birthday mo?"
"Yes Pa, kaso hindi ko kayo makakasama sa birthday salubong ko kasi until morning ng 24 pa kami doon."
"Ayos lang yon anak mabuti nga at makakasam kita sa birthday mo, basta tumawag ka lang sa akin or sa Nanay Isabel mo kapag pauwi kana ha."
"Ok Pa!" Sabi ko at itinuloy ko na ang pagbabalot ko ng gamit.
Hinubad ko yung necklace ko dahil baka mawala ko ito doon, ito nalang yung isa sa mga patunay na ako nga si Andrea.
"Anak ready na yung pagkain mo." Sabi ni Papa.
"Ok Pa! Palabas na po ako." Sigaw ko.
"Wow Ate parang hindi kana babalik ang laki ng maleta mo." Sabi ni Louise.
"Wag kang mag-alala di na talaga ako babalik." Sabi ko sabay tawa.
"Ate naman hindi mabiro, basta babalik ka pa din ha." Sabi nya.
"Oo naman babalik pa ako no, hindi ako pwedeng mawala hanggat hindi pa natin nababawi si Mama."
"Anak halina kayo at kumain na tayo." Sabi ni Papa at sabay na kaming nagpunta ni Louise sa kitchen.
"Louise pwede bang iwanan mo muna kami ng Ate mo." Sabi ni Papa.
"Yes po Pa, wait lang po kukuha lang ako ng pagkain ko." Sabi nya sabay tawa kaya natawa din kami ni Papa.
"Pa bakit po?" Tanong ko.
"Possible na nandon si Christian, mag-iingat ka sa kanya ok?"
"Yes Papa, ako na po ang bahala tsaka nag-aral naman po ako ng martial arts kaya hindi nya ako masasaktan agad agad, kaya ko po ang sarili ko." Sabi ko sabay kain.
"That's my girl!" Sabi ni Papa at tinap nya yung ulo ko.
Inubos ko agad yung pagkain ko dahil baka malate ako. "Papa alis na po ako." Sabi ko.
"Ihahatid na kita parking lot." Sabi ni Papa at tinulungan nya akong magdala ng gamit.
"Louise tulungan mong magligpit si Papa dito, alis na ako." Sabi ko at kiniss nya naman ako.
"Bye Ate! Ingat ka."
"Thank you, ikaw din."
Sabay kaming lumabas ni Papa ng unit at hinatid nya na ako sa parking lot. "Anak yung bilin ko Sayo mag-iingat ka doon, yung lotion mo nandito na ba?"
"Papa malaki na po ako, kompleto na po lahat wala na po akong naiwanang gamit." Sabi ko.
"Yung bilin ko sayo mag-iingat ka kay Christian, mahirap na na lalo na at alam nya ng anak kita."
"Ako ang bahala Papa, basta kitakits nalang po sa birthday ko, tatawaag po agad ako kapag pauwi na ako sa bahay mo."
"Sige na umalis kana, mag-iingat ka ha, I love you."
"I love you too Papa." Niyakap ko si Papa bago ako sumakay ng sasakyan.
Sana maging masaya yung mga activity na gagawin namin sa tatlong araw naming pamamalagi sa Laguna at sana walang masamang mangyari sa akin lalo na at posibleng kasama ko si Christian, pero handa naman ako sa posibleng mangyari sa akin, pinalaki ako nila Nanay Isabel at Tatay Vicente na laging handa sa kahit anong sakunang dumating.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...