Chapter 42

172 8 1
                                    

Andrea's POV

Nakahiga pa din ako dito sa kama kong napaka lambot at may malamig na hangin sa buong kwarto, napaka ganda ng umaga ko dahil magkatabi kami ni Mama at nakayakap sya sa akin magdamag, ngayon nalang ito ulit nangyari at sa totoo lang parang ayoko ng bumangon.



Nakatitig pa din ako sa mukha ni Mama dahil ngayon ko lang ito natitigan ng malapitan, habang nakayakap sa akin si Mama ay ginantihan ko din ito ng yakap, bahala na kung magising sya basta nagawa ko naman yung gusto, susulitin ko itong araw na ito at sana mamaya na gumising si Mama para sulit talaga.



Ang haba ng eye lashes ni Mama kagaya ng sa amin ni Louise, makapal na mahaba. Sana nandito si Papa at Louise para mas maganda kaming tignan.




"Mama pwede bang bumalik na tayo sa dati? Matagal na kaming naghihintay sayo magmula nung bata pa kami, si Papa hinihintay kapa din nya kahit na may iba kana." Mahinang sabi ko.




Dahan dahan kong kinapa yung phone ko sa gilid ng kama, ginawa ko ang lahat para hindi magising si Mama at mabuti nalang talaga masarap ang tulog ni Mama. "Ikaw talaga ang Mama ko na masarap palagi ang tulog." Mahinang sabi ko.





Binuksan ko yung camera ng phone ko nagselfie ako habang tulog si Mama syempre kasama si Mama sa mga selfie ko, ipapakita ko ito kapag alam na nya ang lahat. Madami akong shots na ginawa para sulit talaga may shot na nakakiss ako sa forehead ni Mama, kunyare tulog kami at ang paborito ko ay yung nakasmiale ako habang tulog si Mama.



After kong magselfie ay ibinalik ko na ulit yung phone ko, nakayakap pa din si Mama sa akin at nakayakap pa din ako kay Mama, nagpanggap ako na tulog dahil naramdaman kong gumalaw sya. 




Knock.....knock.....knock......



"Andrea wake up!" Sigaw ni Mrs. Marquez kaya dahan dahan akong bumangon at nakita ko naman si Mama na nakadilat na ang mga mata. "Ako na po ang magbubukas." Sabi ko.





Pagbukas ko binati ko agad si Mrs. Marquez "Good Morning Tita!" Sabi ko sabay beso.

"Morning! Babalik na ako ng Manila may emergency kasi sa store."Sabi ni Tita.





"Ganon po ba, sayang naman po at hindi tayo makakapagtanim ng puno na magkasabay, may next time pa naman po." Sabi ko.



"Paano mauna na ako, mag-enjoy kayo may mga activity pa kayong gagawin, bye!" Sabi ni Tita at umalis na sya.



"Ingat ka Tita!" Pahabol ko.

Bumalik na ako sa kama at hindi ko naabutan si Mama baka nasa CR sya.

Kinuha ko ulit ang phone ko para tignan yung mga picture namin ni Mama, napapangiti nalang ako dahil ngayon nalang ulit kami nagkaroon ng picture ni Mama.



"Mukhang masaya ka ata ngayon?"



"Ay palakang kalabaw!" Sigaw ko kaya naman tumawa si Mama ng malakas.

"Sorry nagulat ata kita, good morning!" Sabi nya habang tumatawa.



"Sorry din po, good morning din po." Bati ko at pasimple kong pinatay yung phone ko.

"Tara mag-breakfast na tayo sa lounge." Sabi ni Mama.



"Sige po." Sabi ko at tumayo na ako, nagulat naman ako sa ginawa ni Mama na ibinigay nya ang kamay nya sa akin at sinabing "Hold my hand."



"Kung nasa panaginip man ako wag na sana akong magising." Bulong ko sa isip ko at symepre kinikilig din ako dahil ang lahat ay ngayon lang naulit.

Pagdating namin sa lounge ay nakatingin sa amin yung ibang mga tao dahil siguro sa suot naming pajama ni Mama, hindi na kami nagpalit pa dahil sayang naman ang damit namin kung magpapalit kami ng hindi pa naliligo.

"You want taho?" Tanong ni Mama.



"Ahm no." Bawal ako sa taho dahil may allergy ako sa mga soy.

"Bakit ayaw mo masarap to try mo, kuya 2 cups of taho." Sabi ni Mama, lagot na wala pa naman akong dalang gamot.

Kumuha ako ng ibang pagkain sa lounge para hindi ko makain yung taho, madami akong kinuha na bacon at pancake, kumuha din ako ng chocolate drink mga dalawang baso para talaga hindi ko makain yung taho. Pagbalik ko sa pwesto namin si Mama naman ang tumayo at kumuha ng pagkain nya kaya ng ginawa ko ininom ko yung dalawang chocolate drink na kinuha ko.

Nagsimula na din ako kumain hanggang sa dumating na si Mama. "Andrea hindi mo pa nababawasan ang taho mo."



"Sorry po Mrs. Zamora pero hindi ko na po kaya kasi nakainom na po ako ng dalawang baso ng chocolate drink, kung gusto mo po sayo nalang po ito." Sabi ko sabay usod ng baso sa harapan nya.



"Sige mamaya ko nalang kakainin yan." Sabi nya.

Breakfast with Mama is the best! Sigaw ko sa isip ko.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon