Chapter 6

199 9 1
                                    

Andrea's POV


Nakauwi na kami dito sa unit namin at yung dalawng bata naman ay nasa kwarto na dahil excited na daw silang magmovie marathon, sabi ko na nga ba magugustuhan din ni Louise si Cassandra.


Gagawan ko muna sila ng maiinom at magluluto na din ako ng fries. Habang sinasalang ko yung fries ay lumabas bigla si Louise ng kwarto.


"Ate ako nalang muna ang magluluto, pumasok kana sa kwarto mas pagod ka kesa sa akin." Sabi ni Louise.


"Ako na samahan mo nalang muna si Cassandra sa kwarto. Manood nalang muna kayo ng kahit anong palabas. Ayos lang ako di naman ako masyadong napagod." Sabi ko.


"Ako na ang magluluto Ate, ikaw naman ang makipag-usap kay Cassandra. Tsaka magpalit kana ng damit mo, Go na ako na ang bahala dito." Sabi nya at itinulak nya ako papasok sa kwarto ko.


Nagpalit muna ako ng damit bago pumunta sa kwarto ni Louise, naabutan ko naman si Cassandra na nakahiga at agad syang bumangon ng mapansin nya ako na nasa pintuan.


"Ate!" Masayang bati nya sa akin, napaka bungisngis nyang bata at napaka ganda din.


"Kamusta naman kayo ni Louise?" Tanong ko.


"Ayos lang po kami ate, masaya po dahil nakilala ko sya ng tuluyan at nagustuha nya din po ako."


"Pagpasensyahan mo na yang kapatid koo na yan,ayaw lang talaga nya sa isip bata." Tumatawang sabi ko.


"Ayos lang po yon Ate." Sagot ni Cassandra.


"Teka nasaan pala ang parents mo?" Tanong ko.


"Si Mommy po nasa ibang bansa then si Daddy naman kasama ko sa bahay pero parang hindi dahil sobrang busy nya, feeling ko nga nakalimutan na nya ako kasi si Kuya lang lagi ang napapansin nya. Swerte nga po ni Cassandra kasi may Ate syang kagaya mo tapos yung parents nyo malambing pa sainyo kahit malayo sainyo."


"Paglumaki kapa mas maiintindihan mo kung bakit ganyan ang parents mo, siguro nga bata kapa kaya di mo sila naiintindihan kung bakit sila busy ngayon." Sabi ko.


"Ate pwede bang dito nalang muna ako? Wala namang naghahanap sa akin sa bahay, si Mommy paminsan minsan lang naman tumatawag sa akin. Kapag nandito ako sigurodong magiging masaya ako." Sabi ni Cassandra.



"Pwede ka namang mag stay dito kaso kailangan mo din mag paalam sa parents mo baka kasi mamaya hinahanap kana nila tsaka baka makasuhan pa ako ng kidnapping." Sabi ko.



"Pero Ate wala naman silang pakealam sa akin kaya ayos lang na dito muna ako."


"Hindi totoong wala silang pake sayo Cassandra, lahat ng magulang mahal ang anak nila at gagawin nila ang lahat para sa anak nila kaya wag mong isipin na wala silang pake sayo, busy lang talaga sila kaya ganon."

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon