Chapter 79

137 4 3
                                        

Lorraine's POV


Nandito kami ni Cassandra sa farm ng pinsan ko, mas maigi nalang na dito nalang muna kami ng anak ko para makapag isip isip din ako ng maayos. Ilang beses kong tinatawagan si Andrea pero hindi sya sumasagot. Sinubukan ko din tawagan si Louise pero naka off din ang cellphone nya.

Tinawagan ko si Isabelle pero ang sabi nya sinundo daw ni Alexander si Louise, hindi ko alam kung nasaan na yung mag-ama ko at yung isa ko pang anak. Hindi ko na alam kung may chance pa bang mabuo kami, minsan napapaisip ako... sino ba yung kalaban ko? ang tadhana ba o sarili ko. Hindi kasi kami mabuo, alam kong matagal ng gusto nila Andrea na mabuo ulit ang pamilya namin pero parang pinagkakait naman ng tadhana ang kagustuhan ng mga anak ko, at kagustuhan ko. 

"Mommy balik nalang tayo sa Manila, ayoko dito wala akong friends." Sabi ni Cassandra.


"Anak 1 month lang tayong titira dito after naman non babalik na tayo sa US, doon na tayo titira for good. Pinapaayos ko lang yung bahay natin don, nawawalan na din kasi ako ng pag asang mabubuo tayo. Mukhang matindi yung kalaban natin." Sabi ko.


"Mommy, bakit hindi mo subukang tawagan si Papa ngayon?" Suggest ni Cass.



"Anak ayoko na din ipilit yung sarili ko sa Papa mo, mukhang hanggang dito nalang ang storya natin, mukhang binuo lang tayo sandali ng tadhana." Sabi ko.


"Mommy ang nega mo." Sabi ni Cass.


"Alam mo bakit hindi nalang tayo mag roadtrip? Diba gusto mo yon." Sabi ko.


"Magandang idea yan mommy."


"Go magbihis kana magpapaalam lang ako sa Tita Brenda mo." Tumakbo naman agad si Cassandra papunta sa kwarto namin upang magpalit ng damit.


"Brenda?" Tawag ko.


"Ate naa ko dinhi sa kusina." (Ate nandito ako sa kusina) Sagot naman ni Brenda kaya agad akong nagtungo sa kusina.

"Brends labas lang kami sandali ni Cassandra. " Sabi ko.

"Asa ka moadto?" (Saan kayo pupunta?)


"Kahit saan basta igagala ko lang si Cassandra naiinip na kasi sya." 


"Sige ate maalam ka naman gumamit ng maps kaya mo na yan basta make sure makakabalik kayo after dinner ha."


"Sure."

"Pag-amping mo."

"Ok see you later!"


Sumakay kami agad ni Cassandra sa kotse, at tahimik naming tinahak ang tuwid na kalsada papalabas ng farm.


Habng nagmamaneho ako si Cassandra naglalaro ata sa cellphone nya kaya hinayaan ko nalang sya, dumaan muna ako sa isang korean store para bumili ng pang snacks namin ni Cassandra.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon