Louise's POV
One week na ang nakalipas magmula ng umuwi kami nila Ate at Cassandra sa La Union and to be honest sobrang nag-enjoy ako dahil kalog din naman pala tong si Cassandra kahit na isip bata paminsan minsan.
Mas lalo ko pang nakilala si Cassandra dahil sa pagpunta namin sa La Union, magaling din naman pala syang magpaint kagaya ni Ate pero minsan nya lang daw gamitin ang kanyang painting skills dahil hindi naman daw naappreciate ng parents nya ang gawa nya, maswerte nalang talaga kami ni Ate dahil may Nanay at Tatay kaming very supportive.
"Ms. Guevarra are you listening?" Tanong ni Mr. Dorado.
"Yes po Sir." Sabi ko.
"Mabuti naman." Sabi nya at nagpatuloy na sya sa paglelecture.
Nakakapanibago dahil absent si Cassandra isa din siguro sa rason yon kung bakit lutang ako sa buong klase namin kay Sir Dorado, ang tahimik ng buhay ko ngayon.
After ng class namin ay nagpunta na ako sa court dahil may training kami ngayon ng volleyball, pero habang nagpapalit ako ng damit biglang pumasok si Ms. Alex "Guys? Cancel muna yung training ngayon dahil kulang kayo, next week nalang natin ituloy ang training natin."
"Ok po Ms. Alex." Sabay sabay naming sabi, sinuot ko ulit ang uniform ko at naglakad na ako palabas ng court. Habang naglalakad ako ay nakatanggap ako ng text mula kay Cassandra.
"Hey! Where are you? Nasa labas ako ng school." Sabi nya kaya agad akong lumabas ng school at nakita ko syang kumakaway kaya nilapitan ko sya agad.
"Bakit ka absent?" Tanong ko.
"Dumating kasi si Mommy kagabi tapos hindi na nya ako pinapasok ngayon sa school."
"Sige uuwi na ako." Sabi ko.
"Sa bahay kana magdinner, nagluto ang Mommy ko." Sabi nya.
"Baliw kaba? Magbonding kayo ng Mommy mo for sure miss na miss ka non, tsaka ayokong umextra no." Sabi ko.
"Hello? sa tingin mo ba iba ka? BFF kita kaya tara na." Sabi nya sabay hila sa akin papunta sa sasakyan nila.
"Kuya tara na sa bahay." Sabi nya sa driver nila.
"Alam mo ikaw Cassandra tigas ng ulo mo! Papagalitan ako ni Ate kapag ginabi na ako." Sabi ko.
"Tinawagan ko na si Ate Andeng sabi nya ayos lang daw na gabihin ka basta daw ihahatid ka sa unit nyo." Sabi nya.
"What? Pumayag si Ate?"
"Hindi ka pa naman siguro bingi Louise?" Sarcastic na sabi nya.
After 25 minutes ay nakarating na din kami sa bahay nila at sa totoo lang makalaglag panga ang bahay nil dahil sa sobrang laki at ganda ng style.
"Sigurado kang bahay nyo to?" Tanong ko.
"Alam mo siraulo ka din eh, ititigil ba naman ni Kuya ang kotse sa harap ng bahay na yan kung hindi sa amin yan, tara na naghihintay na si Mommy sa atin." Sabi nya at hinawakan nya yung kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay nilang napakalaki.
Pagpasok namin sa bahay nila bumungad agad ang napaka ganda nilang living area at ang malaki nilang family picture. Maganda pala ang Mommy ni Cassandra at Gwapo din ang Daddy nya pati na din ang Kuya nya.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...