[UST FW]

45 0 0
                                    

#USTFreedomWall26897

13 years old ako nang mamulat sa kalokohan ng daddy ko, alam kong niloloko niya ang mommy ko. Isang beses nahuli ko siya na nag i love you sa kabit niya, hindi ako nagdalawang isip na sabihin sa mommy ko yon. Nag-away sila nang sobra, isang buwan na araw-araw puro sigawan. Walang pisikalan at walang murahan na nangyari pero masasakit yung nabibitawang salita. 13 years old ako nang ichat ko yung asawa ng kabit ng daddy ko. Natigil yon. Naayos kahit papaano.

After ng apat na taon, 17 years old ako, naulit na naman. Galing kaming boracay noon nang nakipag kita ang daddy ko sa kabit niya na ex girlfriend nya noong high school sila. Hanggang makauwi kami nang Manila, nag-uusap sila nung babae. Sinabi ko ulit 'yon sa mommy ko. Nag-away sila to the point na wala ni isa sa aming tatlo ang natutulog ilang balde na rin ang luhang naubos namin ng mommy ko.

September 9 ng umaga, linggo iyon, hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Nagising na lamang ako sa tunog ng mga kaldero, kutsara, tinidor at plato na inihahagis dahil sa galit. Hinang hina na ako noon. Gusto ko na lang hindi gumising. Wala akong ginawa. Pumikit na lang ako at hinayaang tumulo ang luha. Wala na akong pakielam. Pagod na pagod na ako.

19 years old na ako ngayon. Pagod na pagod pa rin sa buhay. Alam niyo? Nagkakaroon ako ng panic attacks pag naririnig ko boses ng daddy ko, nanlalamig ako at nasusuka, pag may sumisigaw, pag may kutsara at tinidor na nahuhulog. Dala ko hanggang ngayon yung trauma nung sigawan at awayan simula 13 ako.

May dalawa pa akong kapatid, parehong lalaki. Lagi lang nila akong iniiwan ng kuya ko na 10 years older sa akin. Hinahayaan nya akong pumagitna sa parents ko sa murang edad. May konting sama ako ng loob sa kanya. Hindi ako magkakaganito kung hindi siya tumatakas sa responsibilidad bilang anak.

Ngayong college na ako, gusto ko maintindihan yung sarili ko. Gusto ko na maging malaya sa pakiramdam na 'to. Sana isang masamang panaginip na lang lahat.

- m

Submitted:  January 31, 2021 2:26:56 PM HKT

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon