[The Elbi Files]

63 0 0
                                    

Wala pang one year pagpasok ko sa org, bigla kitang napansin. Compared sa other brods, tahimik ka kasi. Pero on-stage, ang lupit mo tumugtog - sobrang confident at skilled talaga kaya naging crush kita. Yun nga lang, SOBRANG SUPLADO ka chaka crush ka rin ng sis natin at ng isa kong dormmate. As in pareho silang niroo-root ng mga tao na sana makatuluyan mo. So ako, quiet on the sidelines na lang.

Until one finals night ng org natin sa resort. Medyo lasing ka nun kaya nagulat lahat (lalo na'ko) nung hinabol mo ako habang pauwi na ako. As in naka hug ka talaga sa'kin while saying: "Dito ka muna please. Wag ka munang umuwi, mamimiss kita eh." So biniro pa kita na magstastay lang ako kung ililibre mo'ko ng lunch ng buong sem. Nashock kami lalo kasi umoo ka talaga, basta wag akong aalis. Kaso dahil napapansin ko ng hurt na hurt sis nating sobrang may gusto sa'yo, I decided to leave na.

2 years after (kakagraduate mo lang noon), nagkwekwentuhan kami ng mga brods sa tambayan ng biglang may di sinasadyang naikwento yung isang brod natin.

Aplikante pa lang daw ako, nakasubaybay ka na pala tuwing reporting ko. Nung nagreport ako sa'yo, napansin nila lahat na iba raw ngiti mo, to think na kilalang SUPLADO ka. Nung nakapasok na'ko sa org at naaksidente ako after isang meeting natin, inoffer mo sa mga sisses natin na gamutin yung sugat ko sa kwarto mo - na never kang nagpapasok nang kahit sinong kaorg.

At nung finals night na yun, pagkaalis ko, sobrang tumahimik ka raw. Nasa isang corner lang habang umiinom mag-isa.

Natulala ako sa kwento na yun. Sabay sabi pa ng brod natin: "Na'ko sis, hindi mo ba alam na sobrang crush na crush ka nun? Hindi mo ba napapansin na ikaw lang ang hindi sinusungitan? Liligawan ka nga sana nun kaso baka isipin mo raw na matanda na siya masyado chaka baka hindi mo naman daw siya trip."

Yung puso ko tumumbling. All these years, may gusto pala tayo sa isa't isa. Kaya naisipan kong i-contact ka after ng meeting. Ito na yung sign ng universe eh.

Kaso after ng kwentong yan, may brod na dumating na may bagong kwento...

Nakabuntis ka raw, kaya biglaan kang pinapakasal right after graduation. 💔

- SinglePaRinSiSis, 20**, CEAT

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon