Your gift
For our 9th anniversary, kinuntsaba ko si tita(your mom) to make a surprise for you. May pasok ka nun kaya sabi mo sa rest day mo na tayo magcelebrate which is 2 days after ng mismong anniversary date natin. Pero syempre di ako papayag. I want to make our day special kahit na busy ka.
Hinanda ko lahat. Balak ko kasi pinturahan yung kwarto mo ng all white at ayusin na rin para naman umaliwalas yung pakiramdam mo kapag uwi mo galing trabaho.
Feb 2, 2019. Exact anniversary natin, katext ko si tita mga bandang 6am, gising ka na daw at nag-aayos para pumasok, nasa 7/11 na ko nun malapit sa inyo para makapagsimula na agad ako pagkaalis mo. At yun nga, pagkaalis mo nagstart na ko agad magpintura. Medyo malaki din kasi ang kwarto mo pero desidido talaga kong pinturahan lahat yun. Hindi ako nagpatulong kay tita kahit gusto nya kasi gusto ko ako lahat ang gagawa para sayo. Dalawang oras rin bago ko natapos. Kinuha ko na rin sa mga dala ko yung binili kong bed sheet at punda. Kulay black kasi fave mo yun diba. Lalakeng lalake. Pero part lang ng surprise kaya nilagyan ko ng fairy lights yung pader na katabi ng kama mo saka ko sinabitan ng mga pictures natin. Naglagay na din ako ng mga lobo sa sahig. At dahil madami pa kong oras, bumili na rin ako ng lobo at pinuno ko yung kisame ng kwarto mo saka ko sinabitan ng mga pictures natin na may mga message yung tali ng lobo. Naglagay din ako ng frames sa ibabaw ng drawer mo, na may mag pictures natin. Hindi ka naman siguro mauumay dun diba? At syempre di mawawala yung "Happy 9th Anniversary" na isinabit ko din sa pader na kaharap ng pintuan mo para pagpasok mo makita mo agad. I did all that for almost 6 hrs. I still have time to cook, dun na ko nagpatulong kay tita. Niluto namin yung fave mong sisig. Gumawa din ako ng coffee jelly kasi mahilig ka sa kape. Umorder din ako ng ice cream cake online kasi syempre yun din yung favorite mo. Past 4pm, natapos na lahat. 5pm ang uwian mo. Excited na ko sa magiging reaction mo. Nagpaalam si tita sakin na may pupuntahan sya at binati pa nya ko ng happy anniversary daw satin. Ang swerte ko kasi ang bait ng mommy mo sakin.
Nagbihis na ko ng dress na binili mo sakin months ago kasi sabi mo bagay sakin yun. Nag-ayos ako ng sarili ko. Excited na talaga ko sa magiging reaction mo.
5pm, tinatawagan kita pero di ka sumasagot. Pero alam ko pauwi ka na nun. Kaya hindi na kita tinawagan ulit para di maspoil yung plano.
At exactly, 5:37PM, narinig ko na yung gate nyo na bumukas, nataranta ko kaya kasama sa plano, pumasok ako sa aparador mo dahil gusto kong dagdagan yung pagka surprise mo. Nakasilip ako sa siwang sa aparador mo ng makita kong bumukas na yung pinto ng kwarto mo. Napapangiti na ko. Para kong kinikiliti sa kilig kasi makikita na kita. Pagpasok mo, napatingin ka sa paligid. Lalabas na sana ko kaso may hawak ka. Kamay ng ibang babae.
Hindi ko na nakita yung reaction mo kasi sa reaction ng babaeng kasama mo ako napatingin. Napataas yung kilay nya sabay sinabi na "Anniversary nyo?" Di ka nakasagot. Dahan dahan na kong lumabas sa aparador non kasi anytime alam kong magcocollapse na ko dahil nanlalambot na ko. Nakita ko yung gulat mo. Hindi yung gulat na ineexpect ko.
I know i shouldn't be crying in front of you dahil magmumukha akong kawawa pero di ko na kinaya. Dala na rin siguro ng pagod at sobrang expectations sa araw na yun. Naka freeze tayong tatlo. No one dares to speak. Iyak ko lang yung naririnig sa kwarto mong akala ko mapupuno ng saya. Nilakasan ko nalang yung loob ko maglakad palabas sa kwarto mo. Ni isang salita wala akong narinig sayo. Kahit anong paliwanag, wala. Ni hindi mo ko pinigilan. Kahit binagalan ko na yung paglabas kasi naghihintay ako na hawakan mo ko. Na sana ako ang piliin mo kesa sa babaeng kasama mo. Pero hinde. Hindi mo ginawa. Sobrang sakit. Ayokong maniwala sa nangyayari pero wala na kong ibang dahilan para hindi pa maniwala. Nasa harapan ko na mismo. Niloko mo ko. Sa mismong anniversary natin. Pero wala naman yun sa panahon kung kelan mo ko niloko e. Nandun yun sa niloko mo ko. Niloko mo ako.
Hanggang ngayon, simula non, wala kang ginawa para mag-explain sakin. Hindi ka na nagpakita sakin. Ilang buwan, hanggang ngayon hinihintay ko pa rin yung paliwanag mo. Yung sorry mo. Pero wala talaga e. Ganun nalang sayo yung 9 years natin. Nung ayaw mo na, ayaw mo na. Kahit ako wala na ring magagawa kung ikaw mismo e hindi naman nagsisisi sa nangyare. Anong gagawin ko? Ako pa ba maghahabol sayo? Hindi na. Hindi nalang. Papagudin ko lang yung sarili kong maghabol sa taong di naman alam yung worth ko. Masakit pa rin pero sana masaya ka. Sana napatunayan mo sa sarili mong masaya manloko. Kumbinsihin mo sarili mo na sasaya kayo kahit may niloko kayong tao. Kumbinsihin mo sarili mo saka ka magpakita sakin tapos ipamukha mong ako yung wrong choice mo at sya yung tama. Para matigil na tong kabaliwan kong 'to.
Tina Ymer
2010
College of science and computer studies
Other
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
SonstigesYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!