#USTFreedomWall23758
A CONFESSION TO MY TROPA
Akala ko matatago ko ito pero hindi. Ang hirap talaga kapag sinasarili mo lang feelings mo sa isang tao lalo na kung sa paningin ng iba ay mali o di karapat-dapat. Kaya eto aamin na ako at sasabihin ko kung ano ang nasa puso ko.
Pre, mahal na talaga kita.
Ever since nung 1st yr natin, iba na naramdaman ko sayo and di ka na talaga mawala sa isipan ko nung time na yun. Sobrang saya ko na kasama kita at tinanggap mo ko bilang tropa mo. Siguro iniisip mo na sobrang bait ko sayo at parang kapatid na ako sayo dahil sa lagi kitang tinutulungan sa mga assignments natin at review sa exam lalo na nung ako gumawa ng mga plates mo HAHAHAHAHAHAHA. Sa totoo lang, ginagawa ko yun kase mahal na kita.
Pre, hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya sa tuwing nanjan ka kasama tropa natin during that time na nagkaproblem ako sa family ko. The way you advice me is really a big help sa akin kaya sobrang salamat pre. Alam mo pre kahit may gagawin talaga ako after class o kapag free day, di ako tumatanggi sa yaya mo na "Tara pre br tayo! G ka ba?" kase iniisip ko na mas lalong makakasama kita kase iba ang araw ko kapag ikaw kakwentuhan ko at sa kalokohan na rin. Namiss ko na rin pagtambay natin sa navarra kelan kaya haha
Last time sinabi mo sa akin "Pre, ganda ba? Gf ko yan magfifive years na kami." Ewan ko ba pero ansakit pero alam ko na wala akong karapatan na masaktan. Fvck eto talaga yung time na di ako makatulog dahil alam ko sa sarili ko na wala akong pag-asa sa feelings ko sayo pre. Alam ko pre na mahal na mahal mo yung gf mo at di ko maiwasan isipin na kahit isang araw lang na ako ang gf mo pero imposible yun hahahahahahahhaha. Eto talaga yung sinasabi nila na mababaliw ka talaga sa pag-ibig.
"Pre, stay strong sa inyo. Basta dito lang ako susuportahan kita" pero taena ansakit. Pero ano pa ba magagawa ko kung mahal niya gf niya at alam ko sobrang mahal siya ng gf niya. The least that I can do is to support them kase alam ko na ang gf niya ang nakapagpapasaya sa kanya. His happiness is also my happiness. Tbh masaya na araw ko makasama ka lang sa kalokohan and every smile on ur face is what I cherish the most sa tuwing magkasama tayo.
Btw, namiss ko night talks natin sa may harapan ng ruaño waiting sa gf mo HAHAHAHAHAHAH shet kahit yun lang sapat na yun
So ayon sana mabasa mo toh pre. Kahit dito lang na mabasa mo, masaya na ako tol atlis nasabi ko feelings ko sayo. Dito lang ako pre willing na tumulong sayo kahit ano man yan. Forever tropa sirrr.
I love you pre. ❤
- 2nd Year Engg Guy 🐯
Submitted: October 25, 2020 11:55:10 PM HKT

BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
AléatoireYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!