Family? What?
Bata pa lang kami palagi na kaming pinagkukumpara. Yung ate ko raw maganda, yung ate ko raw matalino, top sa ganito, top sa ganiyan. Champion sa ganito, Champion sa ganiyan. Yung ate ko raw na mabait, yung ate ko na magaling daw sa lahat ng bagay. KULANG NA LANG SABIHAN NILANG SANTO AT SAMBAHIN EH. Pero pagdating sa akin, wala. Tinitignan lang ako. Iniiwisan ng tingin. Never ko ngang narinig sa mga bibig nila na tinawag akong maganda eh. Hahahaha.
Pero hindi ko makakalimutan yung biro ng kumare ng mama ko noong 8 pa lang ako. Bakit hindi raw ako katulad ng mama at ate ko, ampon lang daw ba ako. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko yun. Hahahaha. Hard!
Tapos kapag may family reunion, si ate lang ang pinupuri ng mga relatives namin. Siya lang yung madalas pinapansin. Siya lang yung madalas inaasikaso.
Samantalang ako? Nasa sulok.
Dahil hindi ako maganda. Hindi ako maputi. Hindi ako matalino. Hindi ako TOP 1 sa school. Wala akong honors. Kung ituring nila ako parang hindi kadugo.
Kaya ngayon, sobrang laki ng inggit ko sa ate ko. Graduate siya ng U.P Diliman with honors. Kasalukuyang nag-aaral ng Law. Eh ako? May dalawang failed subjects pa. Napaka-loser! Hahahaha. Pabigat sa magulang, bat hindi pa mag-bigti, eh no? Hahahaha.
Dapat kasi inabort na lang ako ng nanay ko noon eh. Para hindi ko nararamdaman na never akong naging welcome sa pamilya dahil hindi ako katulad ng ate ko. Dahil hindi ako katulad nila.
Grace
2013
IARFA
FEU Manila
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
De TodoYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!