Picture of death.
01-27- 16
3:38amThis is my first time sending a confession. Also, This might be my suicide note as well, I'm axel, a freelance photographer from bulacan. It all started way back 6 months ago. Tapos na yung klase ko so I've decided to kill some time and roam around kasama ng girlfriend ko. While walking, may nakita kaming store. I can't recall kung anong name pero they sell things there. Gadgets and stuffs including cameras at accesories non. Nakita ko yung gusto kong model ng camera doon at naka sale. To make the story short, I purchased it without thinking. Sana pala hindi ko ginawa. Sa lahat ng desisyon ko ito ang pinakapinagsisisihan ko.
Things started to get weird noong ginamit ko sya sa kasal. Since freelance photographer pa lang ako, Mostly tinatanggap ko kung anong ioffer para na rin mapractice yung skills ko. Kasal ng dating batchmate ko yun at ako ang kinuhang photographer. TBH, everything went well. Hanggang sa ieedit ko na sana. One picture caught my attention. The photo of the bride and groom. Kitang kita kong wala ng mata yung bride. Malinaw na wala na syang mata dun sa litrato. dinelete ko yun kasi ang creepy. Kinabukasan tumawag ang batchmate ko na patay na yung bride. Car accident nung pauwi na sila. Upon the burial, lubog na parang napipi na yung muka nya. Especially sa part ng mga mata. Ang sabi napuruhan daw ang ulo at durog ang mga mata nya.
Nanginginig ako na parang nanglalambot pag uwi. Inisip ko nalang na coincidence lang siguro. After a week, Freelance model ang kinunan ko. Upon editing, may nakita akong nasa background. Parang nakabelo yung suot pero parang nadaan lang kasi blurred. Hindi ako kinabahan kasi nagshoot kami sa medyo mataong lugar. Baka kako tao yun na dumaan lang. 2 days after the shoot. Namatay yung model. Ewan ko kung anong kinamatay. Hindi din ako nagpunta sa burol or what. Basta ko nalang nabalitaan.
Graduation ng kapatid kong si ayer, ako ang kumuha ng photos. This time, babaeng maganda ang nakita ko sa table ng mga guest of honors. On the spot ko syang nakita nung sumilip ako sa camera . Pero nung tiningnan ko naman, walang babaeng maganda doon at puro nasa mid 50's ang nakaupo. nung nakauwi, hinanap ko yung shot na may babaeng maganda. That time ang iniisip ko talaga kung namamaligno na ko or what. Pero hindi. Kitang kita sa litrato na nandon nga yung babaeng maganda. Nung nagzoom ako sa part na yun ay natabig ko talaga yung iniinom kong tubig sa mesa. Ayun yung model na kinunan ko na namatay weeks ago. Ambigat ng hinga ko noon nung naalala kong may nagappear na babaeng nakabelo sa isa sa mga kuha nya. At bago sya, bride ang kinunan kong namatay din sa aksidente. Nabuo na ang mga ideyang iyon sa isip ko. At kung may mamamatay na isa sa guest of honors sa graduation ng kapatid ko, iyon ang mag aappear sa susunod kong kukuhanan ng litrato. Katulad ng inaasahan ko, may isa sa mga guest of honors nga ang namatay. Dahil don, bumalik ako sa shop na binilhan ko Pero nung pumunta ako sa place ibang shop na yung nandon. Bilihan na nang pet supplies. So I immediately asked kung nasan na yung shop na dating nakatayo dun. Ang sabi nung owner 5 years nang nakatayo yung shop nila don.
Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun. Pero inisip kong itago nalang at wag nang gamitin. Before ko patayin yung camera, isa isa kong binura lahat ng kuha ng mga iyon. Alam kong may kung anong meron sa camera at hindi ko na babalakin pang alamin ang mga iyon. May dahilan kung bakit hindi pwedeng magKrus ang mundo nila saatin. Pero isang litrato lang ang hindi ko mabura. Ang kuha ng sarili ko mula sa malayo habang natutulog. hindi ko alam kung sino ang kumuha noon pero alam kong may nakasilip sa bintana ko na parang matandang lalaki at wala na kong lakas ng loob para izoom pa iyon.
Alam ko na. Alam na alam ko na. Pero thankful na din ako na ako. At hindi si mama o si ayer. Siguro nga hanggang dito nalang.
UE
AAB
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
AcakYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!