PROF KONG POGI
I was in 3rd year college that time. First day of second sem.
Lahat inaabangan sino magiging prof namin ng accounting. Nagdadasal na sana hindi kami mapunta sa terror. Wala pang isang minuto biglang may anghel na dumating. Grabe, sis. Lakas naman namin kay Lord, itong napunta sa amin mabait na, magaling pa, at POGI PA. Mga nasa 24 siya that time. He's very approachable kaya lahat kami close sa kanya. PERO HAHAHA ako pinakaclose sa kanya, ako ung pinakakilala niya since ako lagi highest sa quiz or exams (duh siyempre inspired at nagpapa-impress hahaha). Yes, sa akin niya sinesend yung notes, powerpoint and stuff. Pag may announcement, sa akin niya din pinapasabi. Single si sir at walang nililigawan so gora lang ako that time hahaha. Pasimpleng landi ganon pumaparaan pag may chance haha. Happy crush lang naman talaga before but then we became closer.
Pag nahihirapan ako (totoo to most of the time pero minsan echos lang din 😂), ichachat ko siya or i-message ko siya and he'll always help me. We even share personal stories and dramas to each other. Bumabanat ako sa kanya minsan sa text haha pero tinatawanan niya lang ako. Siguro kasi sanay na din siya sa mga estudyante niyang may gusto din sa kanya. Meron yung time na nakita ko siya sa labas, sakto padinner na noon, niyaya niya akong kumain. Pagpasok namin, sabi nung waiter, "ma'am, sir, couple po?" So sabi ko, "hindi po" tapos sabi sayang may promo daw kase sila for couples kase February that time. So being the malandi that I am, hinawakan ko kamay ni sir sabay sabi sa waiter na, "ay kami talaga, magkaaway lang kase kami kanina" tapos tumatawa lang si sir HAHAHAHAHAHA KILIG AKO SIS!!!!! ❤️ Hanggang sa pati yung buong klase, inaasar na kami. Gusto ko pero awkward hahaha pero sis si sir chill lang go with the flow lang hanep. Ayun diko namalayan, nahulog na ako.
Last day of that sem, I made up my mind, aamin na ako. Niyaya ko siya kumain sa labas sabi ko treat ko. Hanggang sa nagconfess ako saknya. Alam kong bawal, pero umasa ako na mutual ung feelings. But all my illusions have been shattered by 6 words, "Alam mo namang hindi pwede di ba?" Sobrang sakit. Solid. Napanood ni'yo na ba ung "Past, Present, Perfect" sa Iwanttv? Ganon na ganon. After that, he texted me, nagchat pa nga pero I was brokenhearted that I chose to ignore him. Hanggang sa nawalan na kami ng communication. The next thing I know, hindi na daw siya magtuturo the following sem.
Life goes on. Wasak pero babangon. May choice ba ako? I graduated and eventually passed the board exam. CPA na and currently working in an accounting firm. While I was at work, I received an email from one of my batchmates in college. May reunion daw, actually wala akong balak pumunta pinilit lang ako ng mga kaibigan ko. I saw my friends. Amidst the crowd, nagulat na lang ako nung bigla ko siyang makita. Gwapo pa rin. Yummy pa rin char hahaha. 6 years nang nakakalipas pero bakit parang walang nagbago sa kanya. Tapos itong mga loka-loka kong kaibigan, hinila nila si sir sa table namin. Jusko pinagtabi pa kami as in dikit na dikit. E di ayun nagkakwentuhan hanggang sa tinanong siya nung mga kaibigan ko kung single pa din daw ba siya, OO DAW SIS!!! E di ngiting aso ung mga kaibigan ko sa akin. May nililigawan daw ba siya? WALA DAW SIS!!!!! And then there comes the pambubugaw ladies and gentlemen 🙂🙂🙂 Tawa tawa lang si sir. E di para hindi ako obvious, go with da flow na lang ako pabiro kong sabi, "Tigilan ni'yo nga si sir, binasted na ako niyan noon noh hahaha!"
Hanggang sa nagkaroon ng pa-dance keme ung emcee. Ayun isinayaw rin ako ni sir dahil na rin sa pambubugaw sa akin ng mga kaibigan ko. Nagkamustahan kami, blablabla. Actually hindi ko siya marinig sa sobra kong kaba that time. Hanggang sa tinanong niya ako kung may boyfriend daw ba ako. So sabi ko wala tapos sabi niya, "Ha? Bakit naman sa ganda mong yan?" ANAK NG. Gasgas na yan eh, pero bakit nung sa kanya galing iba ung dating. Naloka na, bumalik na naman ung feelings ko sa kanya in a very short span of time. Imagine ilang taon din ako nagmove on, tapos sa isang iglap bumalik agad. WOW. IBA KA SIR.
Nung malapit na matapos yung party, nagpaalam na kami ng mga friends ko sa isa't isa. Hindi ko na din nakita si sir, kasama niya na ata ibang faculty that time. Ang sad nga eh, di ako nakapagpaalam. So yun nakauwi na ako ng bahay, pagkahiga ko ng kama may nagtext. "Hello, nakauwi ka ba ng maayos? Sabi kasi nila medyo tipsy ka daw bago kayo umuwi." Unknown number. So sabi ko sino to, then he replied immediately saying, "Si name ni sir to, sorry di ako nakapagpakilala kanina." SHOOKT AKO MARS PARA AKONG BULATE NA BINUHUSAN NG ASIN HAHAHA. Pero inisip ko baka mga kaibigan ko lang yun, pinagtritripan ako. So sabi ko, "tigilan nyo nga ko jan Ruby, alam ko kayo to" THEN HE CALLED WHAT THE HECK. SIYA NGA MGA MAMSH. Galing daw sa friend ko number ko. Hindi ko nga lang natanong kung binigay ba sa kanya ng kusa o hiningi niya. Nevertheless, tinext nya pa rin ako!!!! Our convo ended with him saying, "Good night, it was nice seeing you again, hope we can hang out sometime. 😊" and I replied, "Sure sir hehe" he then replied, "Drop the sir, Tin. I'm not your teacher anymore and you're no longer my student. 😊"
Super haba na guys, sa susunod na lang ung katuloy. I'll update you guys na lang if ever sa next ganap namin ni sir hehehehe Thanks for reading. 😊
- Christine

BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
RandomYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!