Read this kaiyak to grabe. (SPG)
Just call me Claude. Hindi ako alam kung anong meron sakin pero naging ideal guy ako karamihang babae sa University namin.
"Hi crush!"
"Kuya ano daw pangalan mo?"
"Kuya ano daw name mo sa fb?"
"Pwede daw po makuha number mo?"
Sa araw araw na ginawa ng Diyos nakakasawa na lang na laging ganyan ang eksena. Pangungunahan ko na kayo. Hindi ako mabait. Pero hindi rin ako mayabang. Ayokong nakikisalamuha sa mga tao. Ayokong kinakausap ako. Ayokong may mga malalanding babaeng lumalapit sakin para magtanong ng pangalan o kung anu-ano. Sobrang nakakasira ng araw ko yun. Isa lang kaibigan ko, si Jason lang. Sya lang naman kasi nakakaintindi sakin sa kabila ng panghuhusga ng lahat na magaspang ugali ko, mayabang ako, mapride at kung anu-ano pa. Syempre wala naman akong pakialam sa iisipin nyo.
Lahat ng babaeng lumalapit ay dinededma ko lang na parang walang naririnig o nakikita. Pero alam nyo kung anong nakakainis? May animal na babaeng di nagsasawang buwisitin at sirain ang araw ko. Her name is Cutie. Cute lang pangalan nun pero don't expect na cute yung kumag na yun.
Araw araw nalang pagmumukha nya bumubungad sakin. Napakakulit nya. Funny and cheerful. Pagtapos ng klase nya, pupunta pa yun sa room para hintayin ako. Pag lunch break, sasabay samin ni Jason yun kumain. Ewan ko ba. Pero kada makikita ko sya napapa-P*T*NG*N* na lang talaga ako. Kay Jason walang problema sakanya na sumasama sama samin yung kumag na yun. Actually naging close sila at magkasabwat pa sa pambubuwisit sakin.
I'll describe her. Mukha syang Nerd na isip bata na ewan. Yung mga pormahan non? Kasagwa pare. Alam mo yung nakaleggings yata sya tapos dodoblehan ng shorts? Tapos kainit init nakaLong Sleeve ang kumag. Nakatali buhok nya na pambata like tirintas. Yung parang sungay ganon. May Ribbon pa. Kaumay. Tapos nakasalamin napagkalaki laki. Malabo talaga mata nya. Maganda naman sya. Kaya lang baduy talaga.
Araw araw may good morning message sya sakin. Letter yun, sa Locker ko nilalagay ng gago. Tuwing umaga yun. Walang palya. Araw araw. Parang syang siraulong di ko maintindihan.
One time nagulat ako. She visited me. Sa bahay pa talaga pre. Ang kapal ng mukha diba? Mom saw her.
"Bat di mo sya papasukin sa loob, Cj?"
Hindi ako pumayag. Pinapauwi ko sya non. Di nya ako pinansin deretso syang pumasok. Katwiran nya pinapasok naman sya ni mama. Tangina pre inis na inis ako.
Kasabay namin sya kumain ni Mom. Ang daldal nya. Dinadaldal nya si Mom. Di ako makakain dahil naiirita ako sakanya. Si Mom naman tuwang tuwa sakanya. Tawa ng tawa tuwing magkukwento yung kumag na yun. Sipsip e.
Pinahatid sya sakin ni Mom sa labas. Hinatid ko naman dahil ayoko ng maraming usapan. "May kotse ka naman. Hatid mo nga ako."
Tangina lang diba?
"Kapal ng mukha. Umalis ka dito. Wag ka ng babalik." Sabay sinarado ko yung gate.
Lumipas ang mga araw, buwan, taon, ganun na talaga lagi eksena. Mapabahay, school, bahay, school. Sya nalang ng sya. Wala akong ibang naramdaman kundi inis. Kung hindi kotong, tulak, sabunot, ay sipa inaabot nya saken. Lagi yon. Pero wala lang sakanya tinatawanan pa ko.
Kilalang kilala na sya ni Mom. Pati mga maids namin close nya. Mahusay syang makisama.
Pero pagdating sa school kawawa sya. Yung mga epal na admirers ko don madalas sya ibully. Kesyo hindi kami bagay. Ganun. Pero di ko naman sya pinagtatanggol syempre. Mas ok na yun para tigilan ako.
Ayoko talaga sa mga babae. Lahat naman kayo sa umpisa lang magagaling diba? Wanna know the reason why I hate girls? Sige, tawagin nyo nalang akong bitter. Minsan na akong nasaktan. Yung ex girlfriend na hanggang ngayon mahal na mahal ko. Na hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik sya. Pero wala na. Wala kaming closure actually. Kaya hindi ako makapag move on. Nangibang bansa sya. Pinutol nya lahat ng communication namin. I really love Veronica. Pinangako ko sa sarili ko na hihintayin ko sya. Na hindi ako titingin sa ibang babae. Hanngang ngayon umaasa pa rin ako.
Anyway, back to kumag. One time niyaya nya ako sakanila. Ipakikilala daw nya ako sa papa nya. For what? Diba? Syempre kahit ayoko, pag nangulit sya, wala akong kawala. Edi sumama naman ako. Labag sa loob ko yun syempre.
"Tay, si Claude po. Boyfriend ko."
Nanlaki mata ko nun mga pare. Kinginang babaeng to. I was like "Pakyu kang kumag ka, mamaya ka saken."
Mabait naman tatay nya. Maganda pakikitungo saken. Sweet sila ni Cutie sa isa't isa. Doon ko lang napagtanto na makatatay pala sya. Nakaramdam ako ng inggit. Kasi ako, iniwan na ako ni Dad when I was a kid. Kinausap ako ng masinsinan ng tatay na. "Ingatan mo anak ko ha? Sya nalang ang pamilya ko. Nawalan na ako ng asawa't dalawang anak. Hindi ko kaya pag nawala pa anak ko sakin."
Nakaramdam ako ng awa non. Lumambot puso ko nun pero,
TANGINA NAMAN DI KO NAMAN SYOTA YAN E!
Pero di ko na sinabi sa tatay nya ang totoo. Na hindi kami! Pweee!
Simple lang pamumuhay nila. Kumakayod tatay nya para makapagaral sya. At ramdam kong mahal na mahal nya ang nag-iisang prinsesa nya. Na peste naman sa buhay ko.
Hinatid ako ni kumag sa labas ng gate nila.
"Sabi ni tatay bisita ka dito pag may oras ka."
Yut! Bat' ko sya bibisitahin. Tengene pele nye e.
Lumipas ang marami pang mga araw, tangina di ko na maintindihan nararamdaman ko. Pag malapit na uwian namin, sisilip ako sa bintana, pag nakita ko syang nasa labas ng room at inaabangan ako sumasaya ako pre. Hinihintay ko na din sya sa meeting place namin nila Jason pag lunch break. Don kami kumakain tatlo. Di ako kakain pag di pa sya dumadating. Pag gabi naghihintay ako ng message nya. Ganun din sa umaga. Ung mga letters na iniiwan nya sa locker ko, hindi ko na itinatapon. Tinatabi ko na lahat. Pag may nambubully sakanya, to the rescue naman ang kuya nyo. Kaibigan ko syang ituring, ganon din sya saken. Pero tingin ko, hindi lang kaibigan ang gusto ko para samin.
Lumalim ng lumalim ang pagmamahal ko sakanya sa pagdaan ng mga araw. Ewan ko. Pero sya, hindi nababago ang kakulitan nya. Mula nung una palang paulit ulit nyang sinasambit sakin ang salitang "Mahal kita." Kung noon naiinis ako pag binabanggit nya yun, ngayon pre nagbago lahat. Gustong gusto kong naririnig yun sakanya. Pero hindi ko sya masagot ng "Mahal din kita." Pakiramdam ko kasi pinagtitripan nya lang ako sa bawat pagbanggit nya ng salitang yun.
Dumating ang araw na dating inaasahan ko. Dati. Araw na ngayon ay nagpakumplikado ng lahat. Umuwi ang ex ko from singapore. Nagulat ako dahil ang akala kong si Cutie na nag Door Bell sa labas ay si Veronica pala. "Veronica?"
She hugs me. Mahigpit. "Finally, maipagpapatuloy na natin ang naudlot nating relationship."
Kilala ni Cutie sa Veronica noon pa. Lagi kasi kinukwento ni Jason sakanya. Syempre pag nagtatanong sya sakin, sinasagot ko naman.
Nag-enroll si Veronica sa University na pinapasukan namin. Naguluhan ako bigla. Tuwing uwian, dalawang babae ang nag-aabang saken. Sa lunch naman, apat na kame. Mas madalas nang bumisita samin si Cutie. Nagdadala ng kung anu-ano like foods. Lalong napalapit sya kay Mom. Maging si V ay ganun din. Pakiramdam ko ay nagkukumpitensya yung dalawa. Lumipas ang mga buwan, nanatiling gano'n si Veronica. Pero Cutie, bigla nalang nagbago. Wala nang Letters akong nadadatnan sa locker ko. Di na sya nagtetext, di na rin sya nangungulit tumawag. Di na sya pumupunta sa bahay. Sa school, todo iwas sya. Malayo palang, pag natanaw na nya ako, iibahin nya yung way nya para di ko sya makasalubong. Hindi ako sanay sa ganun. Nasanay ako sa araw araw na pangungulit nya.
One time, maaga uwian namin. Inabangan ko si Cutie sa labas ng gate ng University. Nung nakita ko sya, agad akong lumapit bago pa sya lumayo. "Ihahatid na kita, Cutie."
May dala akong single non. Saka mga pre, first time ko syang inalok na ihatid. Noon wala akong pake dyan kahit mag-commute yan.
Hindi sya kumikibo non. Sabay naman na paglabas ni Veronica sa gate.
"Wala ka na pala sa room mo, di mo sinabi agad. Hinintay pa naman kita." sabay tingin nya kay Cutie.
"Veronica, halika dito." Hinila nya si Veronica papalapit sakin. "Kanina ka pa hinihintay ni Claude. Sabay na daw kayo."
Putangina pre napakunot noo ko nun. At sa muling pagkakataon nakaramdam ako ng inis sakanya. Umalis sya agad pagtapos nyang sabihin yun. Naiwan kami ni ex. No choice, edi hinatid ko 'tong isa.
To be honest, nawalan ako ng feelings kay ex. Kung dati hinihintay ko pagbabalik nya, ngayon iniisip ko na sana di nalang sya bumalik.
Isang linggo ang lumipas, wala ng Cutie ang nagparamdam. Ni anino nya hindi ko na nakita sa school. Panay din tanong ni Mom kung bat' di na sya bumibisita. "Di ko alam." Yan lang naisasagot ko. Napaka-Incomplete ng bawat araw na lilipas sakin. Lagi akong walang gana. Maya't maya tingin sa phone. Umaasa nakahit text man lang makatanggap ako sa kanya. Laging chinecheck locker, baka may sulat sya. Wala pre. Wala na.
Miss na miss ko na yung hayup na yun. Tinatawagan ko sya. Cannot be reach na amputa! Asar na asar ako. Gusto ko sya makausap. At di na ako nagdalawang isip naglakas loob ako na pumunta sakanila. Katok ako ng katok. Sigaw ng sigaw ng pangalan nya. Lumabas yung isa nilang kapitbahay. "Boy wala namang tao dyan. Umuwi sila ng probinsya nung isang linggo pa."
Lakas makaputangina pre. Umalis walang pasabe.
Wala na akong nagawa. Tuluyan na syang nawala. Pinilit kong maging masaya na si Veronica ang kasama. Pero hindi katulad ng kay Cutie. Hinahanap hanap ko yung presence nya. Tuwing kausap ko si Veronica, i was like, "Sana ikaw nalang sya."
After 6 months, hindi pa rin ako makamove on. Nakarecieve ako ng text from Jason.
"Pre, nandiyan na sila Cutie sakanila. Napadaan ako don sakanila at nakita ko tatay nya. Puntahan mo."
Eto na yun pre. I need an explanation from her. Pumunta ako agad agad.
"Hoy kumag! Lumabas ka nga diyan!"
Ganun ko sya tawagin. Sa sobrang galit na rin siguro. Lumabas si tatay Benji, tatay nya.
"Umuwi ka na. Ayaw ka nyang makausap."
Tumanggi ako. Tinatawag ko pa rin sya. Pinipilit kong pumasok pero ayaw ng tatay nya at pinilit akong pauwiin. Wala akong magawa non. Umuwi nalang ako at sa kwarto nagdabog.
"Punta ka sa park mamayang 11:00pm kung gusto mo akong makausap."
Nakarecieve ako ng ganyang text around 9 pm.
Di ako mapakali. Nagbihis ako agad. Mga 10:00 pm pa lang nandun na ako. Hinihintay sya. Sa totoo lang nanginginig laman ko non. Gusto ko syang suntukin sa ginawa nya.
Mga bandang 11:30 ng makita ko sya. Lumapit sya sakin. At ang galit na naramdaman ko ay napalitan ng awa. Umiiyak sya non. Ang laki ng binagsak ng katawan nya. Sobrang payat. Hindi ko sya nakilaka nung una. Kung alam nyo lang, nakalubog na mga pisngi nya na parang bungo nalang.
Niyakap nya ako. "Sorry."
Don ako lumuha. Tinanong ko sya kung anong nangyari sakanya. Itinago nya pala saken na may sakit sya. Para akong binabaon sa lupa nung mga sandaling yon. Ang dami kong tanong. Bakit tinago nya. Bakit di nya sinabi agad. Ang daming bakit! Pero isa lang ang sagot nya.
"Mahal na mahal kasi kita, ayokong saktan ka."
Sobrang bigat sa pakiramdam. Niyakap ko sya. Gulong gulo ako. Gusto kong humagulgol sa sobrang sakit. Yung mga panahon galit na galit ako sakanya sa pagiwas nya, ay ang mga panahong pinapahirapan sya ng sakit nya.
Araw araw, pagkauwi galing school, pupunta ako sakanila. Dinaldalhan ko sya ng mga pagkain. Cake, prutas, pizza, pati yung paborito nyang Leche Flan. Di ko kayang matapos yung isang araw ako na di ko sya nakikita. Katulong ako ni tatay Benji sa pagaalaga sakanya. Pag may pagkakataon, pinapasyal ko sya sa iba't ibang lugar.
Alam nyo kung anong nakakabilib sakanya? Kahit nahihirapan na sya sa sakit nya, di sya nagbago. Napakakulit nya pa rin. Napakagaslaw. Napakalikot. Tuwang tuwa naman ako pag ganon sya. Sa kanya din ako natutong kumain ng mga Betamax. Streetfoods. Sabay kaming kakain non. Napakasimple nya. Ang sarap nyang kasama. Ang sarap nyang mahalin.
Lumilipas ang araw, lumalala sakit nya. Nandon yung di na sya makalakad, namimilipit sya sa sobrang sakit. Tangina ang hirap pre! Yung makita mo yung mahal mo na naghihirap. Ayaw nya kasing magpadala sa hospital, wala naman sana silang poproblemahin sa gastos kasi sasagutin na ni Mom yun pero tinatanggihan ni Cutie.
"Kung mamamatay man ako, gusto ko dito nalang sa bahay. Para kasama ko kayo sa huling hininga ko."
Tuwing umiiyak sya sa sakit, pinapatahan ko sya. Pero umiiyak din ako. Niyayakap ko sya. Pero maloko talaga babaeng yun, ngingiti pa yun tapos "Wag kang umiyak sus! Cancer lang 'to. Malalampasan ko 'to. Oo masakit. Pero mas masakit pag nakikita kitang umiiyak."
Alam ko way nya yun para mapagaan ang loob ko. Pero mahirap talaga. Nawalan ako ng oras at panahon kay Veronica. Hindi ko na sya naalalang itext o tawagan. Nawalan na ako ng pake sakanya. Yung pagmamahal ko na dapat para sakanya, ay nabaling lahat kay Cutie.
OO! WALANG KAMI! PERO MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA.
Isang araw nasa school ako, tumawag si tatay Benji. Pinaalam nya saken yung nangyayari. Hirap na hirap na daw huminga si Cutie. Anytime pwede nang nawala. Sa kalagitnaan ng discussion tumakbo ako palabas ng classroom. Nagmadali ako magmaneho para makarating agad. Kabang kaba ako pero hindi ako umiiyak. Sinabi kasi sakin ni Cutie na wag daw akong iiyak kahit anong mangyare. Nagmadali akong pumasok sa bahay nila. Napahinto na lang ako sa pinto ng kwarto, nandun si tatay Benji, umiiyak.
"Buti naman dumating ka na. Kanina ka pa hinihintay ng anak ko."
Tangina di ko mapigilang umiyak nung nakita si Cutie. Naghahabol na sya ng hininga. Hirap na hirap na sya na parang pinipilit nalang mabuhay. Umupo ako sa tabi nya. Hinawakan yung kamay nya. Tinutok ko yung bibig ko sa tainga nya at pabulong na binitawan yung salitat hanggang ngayon tanda ko pa.
"Alam kong pagod ka na. Wag mo na akong alalahanin. Yung sinabi mo sakin na hinding hindi ka magpapahinga kapag hindi ako masaya, Cutie simula palang na dumating ka sa buhay ko masayang masaya na ko. Sorry. Nangako akong hindi ako iiyak pero eto ako ngayon. Thank you for being part of my life. You're the person I will never forget til' the day I die. I will always love you. Forever. Makakabangon din ako, wag kang mag-alala. Sige na. Pahinga ka na mahal ko."
Pagkatapos kong sabihin yan, nag-enhale sya ng malalim, at huling exhale, hindi na yun nasundan. Doon lang ako humahulgol ng malakas. Nagiiyakan kami ni tatay Benji. Pareho kaming naulila.
Dumating yung araw ng libing nya, nagpakita sya sakin kinagabihan sa panaginip. Sobrang saya ng mukha nya. Parang gusto nyang sabihin na masaya na sya. Ayoko na sanang gumising ng mga panahong yon. Pero nagising ako sa kalagitnaan ng panaginip at muli na naman lumuha.
"Paano ako babangon Cutie? Paano ako magsisimula ulit?"
It's been a year since she left. Sariwa pa rin yung sakit ng pagkawala nya. Sa ngayon, hindi ko alam estado namin ni Veronica. Pero isa lang alam ko, masaya na akong kaibigan sya. At mananatiling magkaibigan na lang.
Hindi ko naman isinasara ang puso ko para magmahal ulit. Kung makakatagpo ako ng isa pang Cutie, hinding hindi ko na pakakawalan pa.
Cutie,
Nasaan ka man ngayon, hiling ko na sana masaya ka na. Heto ako ngayon, unti unting nakakabangon, pero hindi makakalimot. Graduate na ako Cutie, para sayo din 'to. Di man nagkatotoo yung "Gagraduate tayo ng sabay." Kinaya kong magtapos kahit wala nang inspirasyon. Yung sakit na iniwan mo sa buhay ko ay nagsilbing aral na pahalagahan ang taong nagmamahal sayo ng totoo bago pa mahuli ang lahat. Isa lang ang hiling ko kay God. Kung mamamatay man ako, sana hayaan nya tayong magkita. Yung pagmamahalan natin na naudlot, itutuloy natin.
You'll always be my Great and True Love. I Love You to the moon and back. Thank you for everything. I won't forget you.-Claude
ctto.
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
RandomYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!