PATAWAD, MAHAL
It was May 15 2013 when we got married. Masayang masaya ako noon kasi kasal na ako sa bababaeng pinangarap kong maging ina ng mga anak ko, at ikaw iyon. Seven years ang gap ng age natin pero hindi iyon naging hadlang para magsama tayong dalawa. Minadali ko ang lahat dahil sa sobrang awa at pagmamahal ko sa'yo. Kagaya ng sinabi mo sa akin, ulila ka na atang tanging sweldo mo lang sa pagiging kasambahay ang bumubuhay sa'yo. Hindi kita matiis eh at isa pa 28 years old na ako noon at doctor na habang 21 ka pa lang.
Masaya ang pagsasama natin bilang mag-asawa. Ikaw iyong tipo ng babae na maganda, mabait, maalaga, maintindihan, malambing, at may takot sa diyos. In short, ikaw iyong hinahangad ng mga kalalakihan. Ang swerte ko nga dahil sa akin ka napunta. Iyon nga lang palaging kulang ang oras natin para sa isa't isa. Mula hapon hanggang gabi ang duty ko at pang-umaga naman ang schedule ng klase mo kaya sa tuwing dumarating ako ng bahay ay nadadatnan kitang tulog na. Naiintindihan mo naman ako sa lagay na iyon na sobrang okay sa akin dahil hindi ka kagaya ng mga naging ex ko na nakakasakal.
Pero kagaya nga ng iba, hindi perpekto ang relasyon natin. Palagi tayong nagkakatampuhan na ako lagi ang dahilan dahil nga seloso akong tao, possesive. Gusto ko kung ano iyong akin, akin lang. But one time, naisip kong sunduin ka sa school nyo dahil gusto kitang makasabay sa lunch at namimiss kita. Hindi na kita minessage dahil gusto kong surpresahin ka pero halos magwala ako sa galit nang makita ko kung gaano ka kasaya sa mga kasama mong lalake. Although alam ko naman na puro thesis lang iyong usapan nyo ay hindi ko pa rin talaga maiwasang magselos. Nasayo na ang lahat at halos hindi na kita mabigyan ng oras kaya natatakot akong maagaw ka ng iba. Natatakot akong mahulog ka ng tuluyan sa kanila and in the end, iiwan mo ako. Ewan ko ba, masyado yata akong paranoid. Ipinangako mo sa akin noon na after ng thesis nyo ay lalayuan mo na sila which is you really did na ikinatuwa ko ng sobra.
Not until that worst night happened. It was our first wedding anniversary, nag pareserve pa ako noon ng table natin sa isang mamahaling restaurant. I bought you so many things but on our way to that restaurant, minessage ka ng kaklase mong lalake. May mali raw sa ginawa nyong thesis and you have to fix it overnight dahil deadline na kinaumagahan. Syempre nagalit ako kasi may sagabal na naman. Pinapili pa nga kita kung iyong thesis ba o ako and you choosed me. Pero sinabi mo na after our dinner date, mag o-overnight ka sa bahay ng kaklase mo na babae kasama ang groupmates nyo. Napamura ako noon sa sobrang galit at kung ano-anong masasakit na salita ang nabitawan ko sa'yo hanggang sa hininto ko ang sasakyan sa isang madilim na lugar. Pinilit kitang bumaba noon at basta-basta na lang iniwan. Pumunta ako sa bar at doon nagpakalunod sa alak. Ni hindi ko man lang inisip ang kalagayan mo hanggang sa makauwi ako ng bahay. Kinaumagahan noon ay nadatnan kita sa kusina. Pansin kong matamlay ka kaya agad kitang dinaluhan at niyakap. Nag sorry ako sa nangyare noong gabing iyon at agad mo naman akong pinatawad. Later that day, naging okay ulit tayo at ipinagpatuloy ang date natin.
After three weeks matapos ang first wedding anniversary natin, napansin ko ang pangangayat mo. Nagkaroon ka ng lagnat, nagsusuka, at palaging masakit ang ulo mo. And since I'm a doctor, alam ko na ang mga nangyayari specially noong nalaman kong nagkakaroon ka ng skin rashes at night sweats. Ayaw kong maniwala noon sa sarili kong kakayahan kaya naman dinala kita sa pinagtatrabauhan ko at ako mismo ang nag check up at nag examine sa'yo ng patago. And my conclusion was right, you're an HIV positive. Noong una hindi ako makapaniwala hanggang sa kung ano-anong bagay ang pumasok sa isip ko noong nag overnight ka sa bahay ng kaklase mo. Tinanong mo ako kung ano ang sakit mo but I didn't answer you. Not until when we came home. Isinampal ko sayo noon ang resulta ng check-up mo. "Please let me explain." iyan lang ang bukang bibig mo noon pero sarado ang isipan ko at kung ano-ano na namang masasakit na salita ang naitapon ko sa'yo. And ever since that day, nagbago na ang lahat, pati ang turing ko sa'yo.
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
De TodoYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!