"Revenge"
Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Gino (not my real name) I just want to share my story kung paano ako ginago ng pinakamamahal kong ex girlfriend at kung paano ko sya ginantihan.
5yrs na kami ni Kaye and magppropose na sana ako sa kanya this coming October sa 6th anniversary namin pero di na matutuloy kase nakipaghiwalay na ko sa kanya. Sa 5yrs namin may karelasyon pala syang iba and 3yrs na sila. Gago diba? Two timer and wala akong kaalam alam, masyado ko syang minahal at pinagkatiwalaan kaya di ko sya minsan pinagdudahan until January 7 2017 sa SM 4:25pm tandang tanda ko yung date, lugar at oras nung nahuli ko sya kasama yung puto nya. Lalake eh so puto kapag babae puta. Haha so ayon, I saw them sa parking lot ng SM. Nagtext kase ako sa kanya na susunduin ko sya sa SM nagparebond kase, expected nya 5pm pa ko darating kaso mali tantya nya, maaga ako nakarating kase walang traffic. Nakapark na ko non, nasa loob pa ko ng sasakyan and itetext ko na sya na nakapark na ko but then I saw her with someone else. Di ko pinagdudahan kase akala ko tropa or katrabaho nya until they kissed passionately. Nanlamig buong katawan ko that time, gusto ko magwala at sapakin yung lalake pero wala akong nagawa kundi titigan sila, umiyak ako ng umiyak non di ko akalain na magagawa saken yon ni Kaye. After a couple of min. umalis na yung lalake at pumasok na ulit sa mall si Kaye. I calmed myself, punas luha, ayos buhok sabay lumabas na ko ng sasakyan. My mind is blank that time at di ko pinahalata kay Kaye yon. After that 3days akong di makatulog non, tinamaan na ko ng kawalan ng tiwala sa kanya kaya nung tulog na sya I browsed her messages, btw we're living together. I was scrolling down and I saw a name in his contact named "Jenny" binasa ko convo nila and nag iiloveyouhan sila, super sweet pero babae yung name sa contact, I followed my instinct and tinawagan ko yung Jenny using her phone number. Habang nagriring kinakabahan na ko tapos yon lalake sumagot
"Love?"
Binaba ko agad yung phone. Dun ko na confirm na yun yung puto nya. Nanginginig na ko non I wanted to confront her, gusto ko sya murahin at sigawan pero nanaig parin yung pagiging edukado ko kaya that night I came up with a plan. Kinuha ko yung number nung lalake and I texted him.
"Hi is this the boyfriend of Ms. Kaye ******? This is Dr. Gino Natividad, I just want to talk to you about Kaye's health condition, she's suffering from a long time now and she doesn't want to tell her condition even from her family members. This is a serious matter I will tell you the full details personally, please do visit me tomorrow 10am at ******** ********* center. Thank you!"
After a couple of minutes he replied saying na pupunta sya. Sinabi ko rin na wag muna ipaalam kay Kaye kase ayaw nya malaman ng iba. He agreed. What an idiot. Hahaha
Btw, yung pinsan ko is doctor sa sinabi kong lugar and I talked to him regarding this and he agreed na magpanggap akong doctor. Next day, 9am naka full attire na ko ng pang doctor. Dun ako sa office ng pinsan ko. Nakaupo. Nag iintay. 9:45am dumating na yung lalake. As soon as I saw him walking inside muntik ko ng tusukin sa lalamunan tong gagong to gamit yung thermometer sa lamesa. Buti napigilan ko sarili ko.
N.V
Siya: Doc Gino?
Me: Yes?
Siya: Ako po yung boyfriend ni Kaye.
Me: Please have a seat. (TANGINAMO! nasa isip ko)
Siya: Joshua po pala name ko doc. Ano po yung pag uusapan natin tungkol sa health ni Kaye?
Me: Direct to the point na ko Joshua. Si Kaye kase madalas dito 3yrs na syang pabalik balik dito para magpacheck up. Wala ba syang nababanggit sayo? Tutal ikaw naman boyfriend nya. (ANIMAL KA!!!)
Siya: Wala po doc.
Me: Okay kase ganito yan Joshua, si Kaye, may AIDS sya matagal na.Kitang kita yung pamumutla ni gago parang nawalan ng dugo sa mukha hahahaha! Sobrang natatawa ako pero di ko pinahalata sa kanya.
Siya: t-talaga po? S-since when po?
Nagstutter si puto hahahaha!
Me: Actually 5yrs na syang may AIDS kaya I'm sorry Joshua, kung may sexual intercourse kayo for sure napasa narin nya sayo yon.
Di na sya mapakali hahahahaha parang naiiyak na ewan. To make the long story short pinaniwala ko sya na may AIDS si Kaye at meron narin sya. Lumabas sya sa office ng paluha na hahahahaha! Nung umuwi ako wala si Kaye sa bahay so inempake ko lahat ng gamit at damit nya. Nilagay ko sa trashbag, wala syang maleta eh at akin lahat to pati tong bahay, wala syang naipundar dito ni singkong butas. Yung Johnson's baby powder lang pagmamay ari nya sa lahat ng gamit dito sa bahay. Iniintay ko syang umuwi. Nung narinig kong bumukas yung gate. Sinalubong ko sya dala yung mga gamit at damit nya sa trashbag. Halatang bagong iyak si gago, pulang pula mata im sure na hiniwalayan na sya nung puto nya hahahahaha binigay ko sa kanya lahat ng gamit nya. Sinabi ko narin sa kanya na alam ko lahat ng kagaguhan nya. Umamin din naman sya saken, nagmamakaawa pero bato na ko sa sakit. Hinatid ko sya sa kanila at sinabi ko rin sa parents nya yung dahilan out of respect kase super bait saken ng magulang nya.
Until now she's trying to win me back pero ayoko na. Ginago nya ko, binigay ko sa kanya lahat ng meron ako pero niloko nya parin ako. Cheating is a choice and if you're caught, be ready for the consequences.
Gino
2010
Others
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
De TodoYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!