[RAL] "BRA" (Rated SPG)

585 3 0
                                    

"BRA" (Rated SPG)

Ganito kasi ang eksena:
Sa jeep kanina lang mga bes!

De ayon, sumakay ako sa jeep. Wala pang gaanong sakay yung jeep nung sumakay ako. Pero pag dating ng stop light, nagsiksikan na. Ang lagay eh nandun ako sa gitna nung isang lalaking nasa kanan ko mukhang papasok sa work at yung si kuyang bastos 'daw' (di ko talaga alam bes) na nasa kaliwa ko, mukhang tambay pero keri lang. Siksikan na bes e! Tapos eto na nga. Pagbaba ko papunta sa sakayan ng shuttle namin, bumaba shn yung katapat ko na lalaki. Tapos parang may sasabihin sakin kasi inaantay niya ako. Natakot pa ako ng medyo slight.

NV,
Kuya: Miss chinachansingan ka na nung katabi mo di mo pa nararamdaman!
Ako: Po? Hala kuya di ko po alam. (Habol ko lakad niya, mukhang nagmamadali)
Kuya: Kanina pa yon. Di mo ramdam?
Ako: Hala di po talaga kuya. Yung lalaki po ba sa kanan ko o kaliwa?
Kuya: Yung nasa kaliwa mo.
Ako: Hala. Di ko po talaga ramdam kuya.

(Tapos ayon, tuluyan nang nauna si kuya habang ako'y naiwang nag iisip at balisa)

Naisip ko, kung sa gawing legs or katawan ko yon, mararamdaman ko yon for sure. Pero naalala ko, flat chested pala ako. At sobrang kapal ng foam na gamit ko ngayon. Baka dun siya napahawak bes! Di ko talaga mararamdaman yon. HAHAHAHAHA!

PS: Di nakakatuwa yung nangyari, pero natawa ako ng medyo slight.  Akala niya naka chansing siya ah. Akala niya lang yon.
PPS: Salamat sa foam.
PPPS: Wag kalimutan magsuot lagi ng bra na may foam, para may proteksyon.

Atemongflatchested
Laguna

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon