[The Elbi Files]

102 2 0
                                    

Hi TEF pips!

I had an old friend back in my elbi days. Sa tropa namin, kami talaga ung nagclick. Iba talaga ung naging connection namin. Tipong despite our differences, masaya pa din kasi feeling namin natututo kami sa isa't isa.

Nung una, lagi kaming napagkakamalang bf-gf ng iba naming univ friends dahil sa closeness namin. Maraming nagduda kasi nga freshie pa lang sya close na agad kami.
Dumating pa nga sa point na natulungan nya pa ako magka-gf nung torpe days ko. She would help me in writing my love letters and planning dates para sa nililigawan ko at that time, na eventually ay naging gf and ex ko. Two of my ex-gfs pinagselosan sya kasi nga naging dependent ako sa kanya.

Bago ako mag 3rd year, I realized na more than friends pala ang tingin ko sa kanya.
Itinago ko ung feelings ko nung una kasi nga ayokong masira yung friendship namin. Alam ko kasing wala pa sa plan nya ang magka-bf at gc din kasi sya. Alam ko rin yung doubts nya sa romantic relationships between close friends. Hindi nagtagal, napansin na din ng tropa na mukhang nagkaka crush na ako sa kanya.

Nagkaroon sya ng bagong circle of friends. Tapos may naging close syang guy from her class. Nakita ko sa kanilang dalawa kung paano kami nung umpisa. I got jealous. Oo, childish pero it pushed me to confess my feelings to her. Nagulat sya, but treated it as if a joke. Tapos kunwari, walang nangyari.

Nung nagkausap kami, I explained my intentions. Ang sabi ko pa nga, I was willing to wait for her. Hayaan nya lang akong i-express yung feelings ko. I took her silence as a yes at nanligaw ako.

Sinusundo ko sya sa last class nya para makapag dinner kami together bago ko sya ihatid sa dorm nya. Madalas ko din syang samahan sa library para magreview. Mas naging frequent din yung chats namin compared nung una. Feeling ko MU kami.
Akala ko okay na sa akin yung ganun. Eventually, napansin ko na ayaw nyang may makakakita sa aming kakilala sa labas na kami lang dalawa.
I realized, I wanted more. Yung turing nya sa akin, katulad pa rin kung paano sya akin nung friends pa rin kami.

During my last sem, naging busy kami sa acads. Nabawasan ung chats at kita. Then I met a girl in class.
Naging kami. She was a great gf and I decided na ipakilala na sya sa tropa. Pero feeling ko, ang awkward na ipakilala rin ung gf ko sa bestfriend kong niligawan ko.
Nung pinakilala ko yung girlfriend ko sa tropa, i didn't invite my bestfriend.
What I didn't expect was she was having a dinner with her classmates in the same place. She realized what's happening. Sabi ng friends namin, nagtampo sya.

We didn't talk for a month ata, pero bago yung graduation, nag-usap naman kami pero ang distant na, di na tulad ng dati.
I recently broke up with my gf kasi alam kong unfair sa kanya. I realized na mas masaya ako with my ex-bestfriend.

I want to apologize to both of them. Pareho ko silang nasaktan unintentionally.

KungPwedeLangIbalikAngNakaraan, 201*, CAFS

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon