[UCF] SARDINAS (PART 2)

165 3 0
                                    

SARDINAS (PART 2)

Natapos ang game nyo, panalo kayo. Masayang masaya ka, pero iba pa rin ang kislap sa mga mata mo sa tuwing titingnan mo ako. At sa pagkakataong yun, hindi ko na pinigilan ang sarili kong mahalin ka.

June 16, 2017:
Dalawang hakbang ang layo mo mula sakin. Tiningnan kita mula ulo hanggang sa ingrone ng paa mo HAHAHA joke lng wala kang ganun. Nakatalikod ka sakin, pero alam kong nakangiti ka ngayon. Abala ka rin sa pagsipat sa bawat bush na madaanan mo, sa Serrano St. kung saan tayo laging dumadaan pauwi, ng mga maliliit na bulaklak na kulay puti, parang sampaguita pero hindi. Naalala ko tuloy ang sinabi ko sayo mga limang minuto ang nakaraan.

NV.
Ako: Kapag may nakitang kang bulaklak na ganyan (naka turo sa puting bulaklak) na may six petals, tayo na. Oh, ano? Game?
Sya: *ngumiti* Sabi mo yan ha? Walang bawian. Yes!

Masayang masaya ka habang naghahanap ng six petals na bulaklak na ganon. Di ko alam ang pangalan, pero puti sya at maliit. At ang alam ko, five petals lang talaga yun. Nakakatawa ka, kasi parang desidido ka talagang makahanap ng six petals kahit alam mong baka imposible.

Nung araw na yun, hindi ko alam kung ilang taon ka ng naghihintay para sakin. Simula nung nag break kmi ng ka LDR ko, ikaw ang laging nasa tabi ko. Hindi ka naman pala mahirap mahalin. Sadyang tanga lng ako noon.

Sabi ko sa sarili ko, baka ito na ang oras na ibigay ko sayo ang "oo" na matagal mo ng hinihintay. Kahit naman kasi hindi ka makakita ng six petals na bulaklak na yun, sasagutin na kita. Pero nagulat ako nang humarap ka sakin at nakangiti nang malapad.

NV.
Ako: Oh, pa smile'2 ka pa. Anong meron?
Sya: Pano ba yan? Tayo na?
Ako: Ha? Bakit? May six petals ka bang nakita? *naguguluhan*
Sya: (binigay sakin yung bulaklak) oh, pano ba yan?
Ako: *gulat na gulat* No way...

Binilang ko ang petals ng bulaklak na nahanap mo. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima...... Anim! Oo nga! Anim talaga!

Ako: Lah! Akala ko walang six petals to? Ang daya! Hahaha
Sya: Pano ba yan? Tayo na? *abot tenga ang ngiti nya*

Pesteng lalaki. Kung makangiti sakin, parang tutunawin ang puso ko. Taas baba pa ang mga kilay mong sakto lng ang kapal na bumagay naman sa gwapo mong mukha. Ang mapula mong labi ay hindi nawalan ng ngiti at ang mga mata mo ay nagliliwanag din. Paano ba ako makakahindi sa lalaking to? Bakas sa mukha mo ang saya, ang kilig, ang pagmamahal. Sinagot kita sa araw na yun, at ang six petals na bulaklak na binigay mo ay tinago ko. Souvenir kumbaga.

Unang beses mong hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan, na para bang humingi ka ng permisong hawakan ako. Tumango ako sayo, at sa oras na lumapat ang balat mo sa balat ko, dumaloy sa sistema ko ang isang pakiramdam na matagal ko ng hindi naranasan ulit. Kilig. Nakangiti ka din sakin na mas nagpatunaw sa puso ko. Habang naglalakad tayo, kinakantahan mo ako.

Sya: "Mamahalin kita, hanggang sa aking makakaya"

Tumingin ka sakin, at hinalikan mo ang kamay ko.

Sya: "Di ka iiwan, hanggang sa dulo ng walang hanggan"

Tumigil ka sa paglalakad at inayos mo ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

Sya: "Aalagaan ka, di ka na muling luluha. Nandito lang ako, hanggang magunaw man ang ating mundo. "

Ngumiti ka sakin, at para akong maiiyak sa sayang nararamdaman ko.

Sya: Mahal na mahal kita.

Sabi mo sabay halik sa noo ko. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para ibigay ka sakin ng Panginoon. Pero masayang masaya ako. Sabi nga nila, perfect couple tayo. Gwapo ka, may katangkaran, maputi, heartthrob. Ako naman, pandak, cute, saka matalino. Hahaha! Bigay nyo na sakin to. Nu ba kayo hahaha

Hindi ka nagkulang sa pagpaparamdam na mahal mo ako sa bawat araw na lumipas. Masaya tayo, kahit hindi maiwasan ang mga simpleng away na normal lng naman. Nung sagutin kita sa araw na yun, sinabi ko agad kay papa. Masaya sya para sakin, kasi masaya na daw ako ulit. And a week after, nakasalubong namin kayo nila papa sa mall, ikaw, si mama mo saka ang kapatid mong si Pau. Nagkamustahan si mama mo saka si papa, at saka pormal na din nating pinakilala sa mga magulang natin ang isa't-isa.

Sa ngayon, kakatapos lng ng 1st anniversary natin, at sa bawat araw na dumaan, mas minamahal lng kita. Nagpapasalamat ako kasi hinayaan mo akong pumasok sa buhay mo, kasi naghintay ka, kasi hindi ka napagod, at kasi mahal mo ako.

Minsan nga tinutukso kita. "Crush mo lang ako noon, tapos ngayon gf mo na. Ayiieee dream come true, par! " Hahaha naasar ka sakin minsan, pero ngumingiti ka lng. Ang ngiti mo, sa lahat ng bagay, ang pinaka hindi nagbago. Ganun ka pa rin, pati ang kislap sa mata mo sa tuwing tumitingin ka sakin.

Oo, open kmi sa possibilities na maaari kaming maghiwalay. Hindi naman kasi namin hawak ang tadhana. Kung paghihiwalayin man kami, alam kong hahanap ng paraan ang Panginoon para ibalik siya sakin, kung si Jed ay para talaga kay Faye. Oo, advance kami mag isip.

HAHAHAH hanggang dito na lng. Thank you sa lahat ng mga positive comments. Dun naman sa hindi naniniwala at pang wattpad daw, sorry pero totoo po ang kwentong to. Kung may nabasa kayo sa wattpad na ganitong kwento, yun ang nagpapatunay na hindi lahat ng nakasulat sa wattpad ay kathang isip lng, o hindi makatotohanan. Kasi for me, as a writer and a journalist myself, mas makakasulat ka ng magandang kwento kapag ang content ng kwento mo ay naranasan mo sa totoong buhay. Yun lng po.

Ps. Sardinas po yung gift ko sa kanya, kasama yung letter. HAHAHAHAHA kaya sardinas. Thank you so much sa pagbabasa!

Faye
Somewhere Lng

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon