Long Read
I had a dream about three years ago that changed my perspective in life.
I was in my second year then, and being a frat member I was feeling at the zenith in my life. Yeah, medyo mahirap Math 37, but so what, I have a girlfriend that loves me dearly, a whole frat that calls me a brother, and my family sa probinsya was feeling good kasi nakabayad na ng utang si tatay sa lupa. However being what you call a home-grown Pinoy Tambay sa amin, I was catcalling women and thinking na women who wore shorts like to be told that they're hot, but ever since stepping in sa Elbi I had to downplay my beliefs. Then this happened.
I drank too much one night na my girlfriend at that time had to literally carry me sa apartment (based on her accounts). Birthday kasi ng kabrod naming alumnus nun then nakabisita siya so yeah, sarap!Pagising ko though, I wasn't me. I was a barely five feet, a ninety pound girl by my estimate. It was five in the afternoon, and I wasn't in elbi (due to people all around me speaking a native tongue, and I could actually understand it???). Nasa probinsya ako, pero hindi sa amin (kasi nga duh, di ko nga alam kung anong dialect ito). I promise and I could attest to it na I could feel my hands as I slapped myself, trying to wake up from this nightmare, but if it was a very convincing lucid dream or something else I really can't answer, nor could I wake myself up.
My "mom" called me Ading (such a weird nickname, I said to myself then, just a b away from bading), and I was ordered to clean up my and my sister's rooms before going to church. I was a bit surprised, and I was tempted to GTA:SA my shit and try to punch my way out of this dream. But nah, I played my character as if nasa RPG ako. I threw every used clothing sa bin, and every trash and used paper sa trash can. What was weird was that my dreams feel real, I could actually read scribbles in the paper all about hearts around a single letter, M. (Aba eh, may crush pala "ako"!)
After cleaning up my room, naligo na ako. Pinipisil ko talaga lahat ng parte ng katawan ko, and it was realistic as fuck. Sinuot ko yung Sunday's best na hinanda ni Mama sa akin, first time ko nakasuot ng slip-on ng jelly na sapatos, and I was off to church. Tanong ko kung san ako dadaan at anong ruta ng jeep sasakyan ko. Sabi ng nanay ko na malalakad ko lang daw kasi isang iskinita lang raw galing sa bahay namin ang simbahan, pero mas maganda daw kung iikutin ko gamit ang main road. Yung iskinita pinili ko of course, mas mabilis eh!
Every step towards the church felt real, yung bawat padyak ng paa ko at bawat tunog ng sapatos ay nakakapanibago, siguro kasi ang gaan na ng steps ko. Nafeel ko din yung hangin na dumadaloy sa paldang suot ko, at naaalala ko tuloy nung pinasuot ako ng malalaking t-shirt ng tatay ko pagkatapos tinuli, ang lamig sa pakiramdam sa itlog ko, kaso ngayon wala nang itlog na nasiswing, haha sorry nakadigress lang slight.
The church was meh, but the details of the event were astoundingly realistic. Sinamahan ako ng isang manang, kinumusta ang nanay ko, sagot ko naman eh okay lang yun, masaya pa rin. I was sure that I nearly fell asleep sa first reading but I chose not to, kasi I was afraid na I'd wake up if I sleep in here. Pero sa gospel na, nawala na yung sleepyness ko kasi pinatayo na kami. Pumunta na yung pari sa harap ng altar para kunin yung second bible (andami pala) kasama ang mga sakristan. Nung nakita ko yung isang sakristan bumilis tibok ng puso ko. Ikanga ng girlfriend ko, my heart goes kokoro or something like that.
Siya siguro si M, sabi ko. Hala may story pala tong panaginip ko, hanep.Hinahawakan ni M yung insenso, at pagkatapos ginamit yun ng pari ay pumunta siya sa gilid na banda. Nagkita yung mata namin, at nanlambot yung mga tuhod ko. Tangina naman to may gusto ako sa isang taong di ko pa kilala.
Pagkatapos ng misa ay kinalabit ako ng isang babaeng mistulang kaedad ko, sabi niya ang ganda daw ng suot ko, sagot ko ok lang naman. Nangumusta siya sa akin, sabi ko okay lang (maliban sa feeling na di ako sumasang-ayon sa katawan na ito). Tanong niya kung ok lang ba ako't bat di ko siya tinatanong ng parehong mga tanong. Malay ko ba dapat ko pala siya itanong kasi hindi naman ako si Ading. Kinalabit na naman ako ng isang tao at paglingon ko ay si M nakita ko. Hindi naman siya kapogian eh, may matabang pisngi, may noong puno ng taghiyawat, bowlcut ang buhok, may matang bilog pero mistulang nagiging intsik sa gilid, may dimples na tinatago ng taba, may matamis na ngiti, sobrang tamis na di ko narinig yung sinabi niya kasi tinititigan ko lang siya. Ang tanong na inulit niya sa akin ay kung nasobrahan ba raw yung uling na nalagay niya kayat hinika yung pari, sagot ko naman wala naman akong napansin na kaiba-iba. May kislap ata ang mga mata ng batang yun, o dahil lang ba may gusto si Ading sa kanya, pero di ko mapigilang ngumiti habang kausap si M. Naggoodbye na si M at si babaeng kaibigan kasi iba pala daan papunta sa kanila, at palakad na ako pauwi sa amin.
Dumaan ako sa dinaanan kong eskinita kanina, pero parang nakakatakot na ito ngayon. Lumubog na ang araw, at isang ilaw lang galing sa pangalawang palapag ng katabing building ang umiilaw sa eskinitang ito. Andaming mga nakatambay na lalake sa gilid, naglalaro ng hantak naninigarilyo at nag-iinuman. Comment ko pa sana inom ako kasama nila, pero parang nanunuyo ang hangin. Parati kong dinadaanan ang ganoong mga eksena noong akoy isang lalake pa at wala akong nafefeel, pero ngayon parang nakakapanghilabot. May iilan sa kanila ang nagcatcall sa akin, iilan nagsasabi sa kasama nila na bata pa raw ako, sariwa daw, tansya ko sa edad ko ay 14-16, wala pa nga atang jowa si Ading. Ang weird to feel na may something ka na humigit-kumulang kalahati ng mundo ay pinoprogram ng lipunan o ng nature na kunin at gamitin. At dahil lang ako'y mas maliit o sila'y mas malakas makukuha na nila ito at magagamit nila kung gusto nila, kahit wala sa pahintulot ko. May isang lalaking humawak sa paa ko at tumakbo na ako, naiwan yung isang sapatos ko. Binilisan ko ang takbo, hindi na ako lumingon, kahit ramdam ng kaliwang paa ko ang sakit ng mga bato sa bawat hakbang, kasi kung totoong tao man itong sinaniban ko nakakalungkot naman na may mangyayari sa kaniya dahil lang dumaan ako sa shortcut na ito. Lumalapit na ako sa ilaw sa labas ng iskinita, sampung hakbang na lang, pito, lima, tatlo, dalawa...
BAM!
At nafeel ko yung nafefeel ko parati sa panaginip na nahuhulog. Nakagising ako sa madaling araw katabi ng girlfriend ko, at nasa paanan ko yung palangganang puno ng suka ko. Niyakap ko yung girlfriend ko at lihim na napaiyak.
Pagkagising ko sa umaga binigay ko ang lahat upang malaman kung totoo ba yung nangyari o hindi. Naghanap ako sa google na pwedeng pangalan na ang nickname ay ading, yun pala nakababatang kapatid pala ibig sabihin nito (sorry, taga-Ozamis man gud ko brad) Wala kasi akong naaalalang pangalan maliban dun, o address, o kahit anumang pwedeng masearch sa google galing sa panaginip na yaon. Di ko na rin naiintindihan ang lenguwaheng iyon kaya't mahirap malaman kung saang rehiyon ako ng Pilipinas nun. Mukha lang ni M ang naaalala ko.
...
Simula nun, truthful at honest na yung respeto ko sa mga kababaihan, lalung-lalo na't nafeel ko rin ang takot nila, kahit galing sa panaginip man lang. Nagsimula ko na ding irespeto ang mga LGBT sa lahat ng panahon, at di na ako nagjojoke sa kanilang expense, kasi nafeel ko yung feeling na hindi umaangkop sa pangkaloobang sarili ang panglabas na katawan. Now, every time may edgy brod ako na sexist o homophobic, sinasabihan ko na. Walang point ang pagsali sa frat at pagiging kung hindi ka pala tunay na gentleman.
Bat ngayon ko lang naisipang ipost ito? Kasi kaninang umaga, pumunta ang UP Fighting Maroons sa Elbi. Of course naman at nakipicture ako. Sa gitna ng gulo nun, nasiko ko ang isang kapwa isko. Nagsosorry na ako nung lumilingon pa siya sa akin ngunit pagkakita ko sa kanya ako ako ay nagulat. Yung nasiko ko, yun si M. Mas mataba na siya, may balbas na, yung mga taghiyawat niya naging mga peklat na. Pero siya talaga yun eh. Hindi ko alam paano magreact. Ilang taon na ba si M sa elbi at bakit ngayon lang kami nagkita? Baka freshie to si M noh? Kung magkasing-edad sila ni Ading, tama lang ang edad niya para maging freshie.
Kung mahanap man kita ulit M, tatanungin kita tungkol kay Ading. Di ko kasi alam kung tunay na tao ba talaga to si ading, o kung anong nangyari sa kanya sa gabing iyon. Sana naman ay ok lang yun. Salamat pa rin sa kanya at nabago ang pananaw ko sa buhay.
- SHAZAM!, 2014, CEAT
BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
De TodoYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!