[FEU] Spaghetti with Spicy vinegar

480 2 1
                                    

Spaghetti with Spicy vinegar

First date namin nun sa NRH Canteen, after 4 months na panliligaw pumayag siya kumain kami sa labas.

Umorder ako ng Kanin at Menudo, umorder naman siya ng Spaghetti.

Nilagyan niya ng suka yung Spaghetti niya, naka-tatlong subo siya. Sarap na sarap siya dun sa spaghetting may suka't-sili. Ako naman diring-diri lalo na sa amoy.

Maya-maya..

"Gusto mo?"

Ay, okay na ako dito sa menudo. - sabi ko.

"Tikman mo, masarap."

Okay lang ako. Hehe. Thank u!

"KAININ MO!" *nanlaki yung boses at mga mata niya*

Edi ako, walang nagawa. Napa-kain ako nang 'di oras. Nakatitig siya sa akin at naka-ngiti habang iniikot-ikot ko sa tinidor yung spaghetting lumulutang sa suka.

Nung kinain ko.. T@NGINA. Halos bumaligtad yung sikmura ko. Masuka-suka ako, buti nalang may tubig.

"Masarap diba?"

Oo. - sagot ko. (Pero sa isip ko: FUUUUCK THIS SH*T!)

Putragis! Akala ko okay na yung isang subo. T@NGINA. Sinubuan niya pa 'ko ng tatlong beses. Tangina, lumalabas sa ilong ko 'yung amoy ng suka eh. Sinisipon at naluluha na rin ako sa anghang. Tangina. Hindi naman kasi ako mahilig sa maanghang at lalong hindi ako mahilig sa weird na foods. Pero dahil sinabi at gusto niya, kumain ako.

After naming kumain..

"Alam mo ba? Sa lahat ng nanligaw sakin, ikaw lang ang kumain ng favorite food ko na hindi sumuka."

Napa-ngiti ako.

"6 months ka na ring nanliligaw no? Sige, tayo na."

Oo, sinagot niya 'ko sa puntong yun. Almost 1 year na kami ngayon. Twing kakain kami kapag vacant, madalas gusto niya pareho kami ng pagkain. Yung Spaghetting may sukang maanghang. Kadiri no?

At dahil nasanay na 'kong kainin yun almost three times a week, naging favorite ko na rin yung weirdong pagkain niya. Yung Spaghetting suka ang sabaw.

Totoo nga yung sinasabi nung mga nasa Long-term relationship na... "matutunan mong gustuhin yung mga gusto niya kasi mahal mo siya". :)

Tracy Mc.
2014
ITHM
FEU Manila

Univeristy Confessions 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon