When I was young, I used to believe na kapag hinawakan ka ng lalaki sa boobs or sa vagina, mabubuntis ka agad. Yes, I was that dumb before pero that saved me from being molested by an old man. I can still remember the date that was February 7 2009, I was just 9 years old back then. Mahirap lang kami tapos inutusan ako ng nanay ko na singilin yung matanda (parang lolo ko na sya e kasi tatay sya ng ninang ko) tapos nung pumunta ako sa kanya para kunin yung bayad.
(Non verbatim)
Me: Lo, kunin na daw po yung bayad sa utang nyo, sabi po ni mama.
Lolo: Eto o.And when I was about to get it..
Lolo: pahipo nga ng p*pe mo.
That time, ang pumasok lang talaga sa utak ko ay pag hinawakan nya ang p*pe ko, mabubuntis ako.
Pinilit kong kunin yung bayad nya pero sinabi nya na di nya ibibigay kung di ako magpapahawak.
Lolo: Edi dede na lang.
Nung sinabi nya yon, umalis na ako. Bumalik ako kay mama at sinabi na di sya nagbayad. Kala ko okay lang yung mga sinabi nya kasi di nya naman ako nahawakan so di ako mabubuntis. And I was still young that time kaya di ko alam yung molestya.
2nd scenario:
Grade 5 ako non and walang computer shop sa barangay namin, may mga assignment kami na kailangang magresearch. Wala kaming laptop tapos yung cellphone pa non sa bahay isa lang, yung nokia na keypad.Pumunta ako sa bahay ng pinsan ko kasi may laptop at internet sila. Kapag pumupunta ako don pinapalitan nung pinsan ko (mas matanda sya sakin ng 4 years) yung chair ang pinapalit nya ay yung lamesita. Tapos everytime na gagamit ako ng laptop nila at dun ako nakaupo, umuupo din sya sa likod ng lamesita tapos iggrind nya yung t*ti nya sakin. Gustong gusto kong itanong kung bakit nya ginagawa yon pero hindi ako naglakas ng loob kasi nakikigamit ako ng laptop nila baka sa susunod di na nila ako pagamitin. Bobo ko dati di ba?
Naulit to ng naulit hanggang sa maggrade 6 ako, buti na lang nagkaron na ng computer shop sa barangay namin.
Until now, hinding hindi ko makakalimutan yung mga nangyaring yon. Sobrang sama lang ng loob ko at syempre galit ako kasi kung sino pa yung tinuring mong kapamilya, sila pa yung gagawa ng ganon sayo. Naglakas loob lang akong magkwento ng nangyaring ito last year sa nanay, 6 years, 6 years kong kinimkim yung pandidiri.
Di ko alam kung gano kagulo 'to pero sana maintindihan nyo.
To all girls out there, please, if the same thing has happened to you; mag reach out kayo sa mga kaibigan nyong babae or sa nanay nyo. They will understand you!
- Respeto sa Babae, 2018, CAS

BINABASA MO ANG
Univeristy Confessions 2
RandomYung mga nandito, yung mga nagustuhan ko lang po na story. Kumbaga cinopy paste ko lang from secret files. Have fun reading!